One sided love
Nalaglag ang panga ko sa nakikita ko ngayon. Nakabath robe siya pagbukas niya ng pintuan habang tumutulo pa ang ilang tubig na nanggaling sa ulo niya dahil sa kaliligo niya lang. Hindi ko maitatanggi na ang lalaking nasa harap ay isang tunay na perfectly hot guy na tila napapanood ko sa mga American movie.
"Who are you?" Matalim ang tingin niya sa akin na tila ngayon lang niya ako nakita.
Napalunok ako dahil sa ekspersyon na binibigay niya at sa takot nang nagtama ang aming mga mata sa isa’t isa. Matatalim ang tingin niya na tila pati ang pagkatao ko ay nakikita niya na.
Siguro nga ay nakalimutan niya na ako."Hi Sir, I'm Odette from CWM Inc." Tila napahinto siya nang magpakilala ako.
"Oh, I forgot. Come in." Hinayaan niyang bukas ang pinto ng unit niya at tumuloy na siya habang ako ay nagmadaling pumasok.
Tinanggal ko ang sapatos ko at sinuot ang inihanda niyang indoor sandals para sa akin. Pag-angat ko ng ulo ko para sundan siya ay hindi ko maiwasan na di mamangha sa nakikita ko, naamaze ako sa laki ng unit niya di gaya ng napuntahan ko kaninang kliyente halos inapat yun ng unit ni John.
"Just wait for me in the living room." Tumango naman ako.
Dumiretso siya sa isang kwarto at ako naman ay nakita agad ang living room dahil sa sala set na nagpakalaki. Ang laki ng sofa niya na parang kama na sa laki, meron ding chandelier na napakalaki at napakinang sa gitna ng sala at tv na halos na nasa 100 inches ang laki. Black and white ang kulay ng unit niya pero kita ko rin naman na sobrang gulo nito sa kabila ng kagandahan at kalakihan ng unit niya dahil sa rami ng kalat na kung saan saan, may mga balot ng pagkain at beer can. Ang ilang damit niya ay nakakalat sa sahig. Hindi ko tuloy maisip sa yaman niya ay hindi siya maghire ng kasambahay para lang linisin lahat ng mga yun. Siguro kung ako ang maglilinis ng kwarto niyang yun ay isang araw ay kulang pa, daig niya pa si Blaze sa kalat na ginawa niya sa bahay niya tila isang buwan siyang di naglinis.
Umupo ako sa may sofa na napakalaki at nilapag sa sahig ang bag ko at ang denim jacket na suot ko. Ber months na kaya medyo may kalamigan na ang panahon kaya hindi na ako nagtataka na maraming bookings ang kompanya namin.
Habang iniikot ko ang mga mata ko sa pagkamangha sa nakikita ko ngayon ay bigla naman naagaw ng malaking picture na rumereplika sa tv na nasa harap ko kung saan ako nakaupo. Umikot at tumingala sa picture at nagulat ako nang makita ko ang lalaking nagngangalang Ambrose na kliyente ko na ngayon na nasa picture na kasama ang napakagandang babae na sa tingin ko ay nakita ko na noon at tila may kamukha siya.
Tumayo ako para makitang mabuti. Napangkasal sila at mukhang masayang masaya, hawak hawak ng lalaki ang kamay ng kanyang asawa habang hindi matanggal ang titig nito sa maganda niyang asawa at masasabi kong siya lang ang tanging nakikita nito sa mga oras na yun.
"Um hmmm..." Nagulat naman ako nang tila may umubo na nasa tabi ko.
"Did I disturbed you?" Malamig ang boses niya na nagpataas ng mga balahibo ko sa katawan.
"I'm sorry, Sir." Agad naman na humarap ako sa kanya.
Napansin ko naman na tuyo na ang buhok niya at nakapangtulog na siya. Ang dalawang kamay niya ay nasa bulsa niya habang nakatitig siya sa akin na tila kung anong ginagawa ko.
BINABASA MO ANG
When We Meet Again (On Going)
RomanceMahirap ang naging buhay ni Scarlet mula sa pagkabata niya pero sa kabila ng hirap na naranasan nito ay buong lakas niyang hinarap ang buhay at nakilala ang dalawang lalaki ang magbibigay ng kulay sa masama niyang nakaraan. Si Blaze na kababata niy...