Kabanata 4

10 3 0
                                    

Swerte

Natapos na akong mag-entrance exam sa school ni Blaze at Karina, madali lang naman ang naging exam dahil andun na halos sa lahat ng reviewer na pinahiram sa akin ni Blaze. Kaya confident ako na makakapasa ako pero syempre andun parin ako sa 50/50 chance dahil mas malaki parin ang parte ng swerte ng tao sa mga bagay bagay at napatunayan ko na napakababa ng swerte ko sa buhay.

Nagring ang phone ko at natanggal ang antok ko sa nakita kong pangalan na nasa screen.

"Hello?"

Ilang segundo siya bago sumagot. "Scarlet, pwede ba tayong magkita?" Ramdam ko ang boses niya na tila may kakaiba at kahit alam kong niloko niya ako ay hindi ako nakatanggi sa kanya.

"Sige magkita tayo, itext ko sayo kung saan at anong oras dahil may trabaho pa ako pero malapit na akong umuwi."

"Salamat Scarlet." Binaba ko ang tawag dahil may customer na.

"Miss, isang kaha ng Marlboro." Nacurious naman ako nang marinig ko ang boses ng lalaking nakasumbrero na nasa harapan ko dahil regular customer siya dito pero hindi ko makita ang mukha niya dahil parati siyang nakasumbrero. Halos dalawang linggo ko na rin siyang napapansin na araw araw bumibili ng isang kahang sigarilyo. Nakasuot siya ng leather jacket na tila nagmomotor siya.

Kinuha ko ang isang kaha ng Marlboro sa likod ko at iniscan ang code. "Meron pa po ba, Sir?"

"Wala na." Binigay niya sa akin ang 500 bill.

"Meron po ba kayong mas mababang bill, Sir?" Umiling siya kaya wala na akong nagawa kundi suklian siya.

Umalis na rin agad siya. Wala na masyadong customer dahil na rin sa malakas ang ulan sa labas kaya kumuha ako ng mop para maglinis ng sahig dahil na rin sa rami ng putik sa daan.

Narinig ko naman ang usapan ng magkaibigan na kumakain sa cup noodles sa loob ng store. "Tingnan mo, Jessica. Nakakatakot no?" Dahil sa ultimate na chismosa ako ay kunwari naglilinis ako sa likod nila.

Nakita ko naman sa cellphone niya na may nakahandusay na babae malapit sa kanal. "Oo nga, nabalitaan ko nga rin yan. Serial rapist and killer daw ang gumagawa yan. Nasa lima na pinatay yan at iisa lang nangyayari sa mga pinapatay niyang mga babae. Naglalagay daw siya ng tila barcode sa kanang pulso nito."

"May sira na siguro yan sa ulo. Nakakatakot. Kaya mag-ingat ingat tayo baka maging biktima pa tayo yan."

"Oo nga at base na rin sa mga imbistigasyon parati raw ginagawa yun ng killer sa tuwing umuulan dahil mas mabilis itago ang ibidensya kapag umuulan." Kinilabutan naman ako nang marinig ko yun dahil ang lakas pa naman ng ulan sa labas.

Napalingon naman ako nang tumunog ang chime sa pintuan na nag-iindicate na may taong pumasok at napangiti naman ako nang makita ko si Francis, na kapalitan ko ngayon.

"Wait lang ah, sorry nalate ako. Bigyan mo lang ako ng 5 minutes." Tumango naman ako at tuluyan na tinapos ang paglilinis ko. Saktong limang minuto ay dumating na siya at nagpalit na kami.

"Thank you!" Ngumiti naman ako at dumiretso sa staff room.

Nagtext ako kay Sheila o Angelica ng lugar at oras kung saan kami magkikita. Binigyan ko siya ng 1 hour para makapaghanda at makapunta na rin sa pinag-usapang lugar. Agad naman na nagreply siya at sinabing malapit lang siya roon. Malapit lang ako at malapit lang yun sa Spanish restaurant na pinagtratrabahuan ko kapag weekend doon ko gustong makipagkita dahil may ibibigay rin akong dokumentong pinagawa sa akin ni Ma'am Cruz para isang lakaran lang. Kaya naman ay saglit na kumain ako dahil feeling ko matatagalan pa siya dahil kilala ko siya.

When We Meet Again (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon