Kabanata 9

6 0 0
                                    

Lasing

Nakaupo ako sa sala pagkatapos kong mag-explain kung bakit ako nasa bahay niya. Iniikot ko  ang mga mata ko at nagulat ako ng makompirma ngang bahay niya to dahil sa mga nakadikit na mga litrato sa pader at ng asawa niya, na di ko napansin kanina dahil sa hilo.

Malaki ang bahay niya na may 3 kwarto at magandang estraktura. Buong akala ko ang bahay niya ay sa condo unit niya sa Q.C. pero meron pa pala siyang bahay dito sa Manila pero nakakapagtaka lang kung bakit ang dami niyang bahay kung mag-isa lang naman siya.

"Okay, I see." Narinig ko nalang na sabi niya sa kausap niya sa cellphone at dumiretso siya kung saan ako nakaupo.

Umupo siya sa bandang kanan kung saan merong couch at tumapat sa akin. Habang ako ay tahimik na inaantay kung anong sasabihin niya. "Okay, I will let you stay here but in some condition."

"Ano pong kondisyon?"

"Do the house chores and don't enter in my room." Habang tinuturo ang kwarto kung saan ko siya nakita.

Ngumiti naman ako at agad na nagpasalamat dahil sa malaking tulong niya. Tumayo na siya para bumalik sa kwarto niya pero bigla kong naalala si Blaze.

"Mr. Ambrose?" Lumingon naman siya nang tawagin ko siya at inantay akong magsalita.

"Pwede po bang walang makakaalam na andito ako sa bahay niyo? Maging si Blaze po?"

"No worries, I don't like to meddle in someone's life." At agad na dumiretso sa kwarto niya.

"Napakasungit naman nun!" Singal ko nang tuluyan na siyang nakapasok ng kwarto.

Muli akong bumalik sa kwarto para matulog pero hindi ko magawang makatulog sa kakaisip kung ano bang kamalasan ang nagdala sa akin para mapunta sa bahay ng masungit na lalaking ito.

Kinaumagahan...

Tumayo ako na antok na antok dahil sa wala akong tulog dahil sa kakaisip at dala na naman ng insomnia ko. Dahan dahan kong binuksan ang pinto sa takot na makita ang masungit na lalaki kagabi pero agad naman akong nakahinga ng maayos nang hindi ko maramdaman ang presensya niya. Muli kong nilibot ang tingin ko sa bahay niya at masasabi kong malaki ang pinagkaiba sa condo unit niya dahil mas malinis ito kesa sa tinitirhan niya.

Pagkarating ko sa sala ay maraming nadisplay  na picture ng asawa niya na masasabi kong napakaganda talaga na tila isang anghel na binababa ng langit sa ganda. Hinawakan ko ang litrato at agad na kinausap yun dahil dala na rin ata ng kaboringan dahil sa wala akong magawa.

"Ate Odette, bakit mo pinakasalan ang masungit na yun? Sayang naman ang ganda mo para magustuhan ang gaya niya." Pagsusumbong ko rito.

Narinig ko naman na may bumukas na pinto at nilabas nun si Mr. Ambrose at agad kong binaba ang picture ng asawa niya. Tanging masasabi ko lang sa damitan niya ay ang hot niya kahit sa isang white tshirt lang at pants. Napailing nalang ako sa marumi kong  pag-iisip.

"Good morning po." Masigla kong bati sa kanya pero hindi ata siya tinuruan ng good manner dahil tila wala siyang narinig at dumiretso sa pintuan palabas ng bahay.

"Tsk!" Nang matunton niya na ang pintuan.

Muli siyang lumingon na "Oh, I forgot, don't cook for me. I will not come home today." Ngumiti naman ako dahil sa narinig ko dahil hindi ko makikita siya buong araw at solo ko ang bahay niya.

"Okay po, noted." Agad naman siyang umalis.

Tumakbo naman ako sa bintana at sinilip siya kung nakaalis na siya. Nang tuluyan na siyang nakaalis ay agad akong dumiretso sa kusina para maghanap ng makakain dahil kumukulo na ang tiyan ko dahil sa gutom.

When We Meet Again (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon