Kabanata 10

5 2 0
                                    

Pagbabalik

"Do you want some?" Inalok niya ako ng alak na hawak niya.

Nagtaka naman ako dahil tila nagbago ang trato niya sa akin.

Pinatay niya na ang kakaumpisa niya palang na sigarilyo at muling inangat ang lata ng alak na muli akong inaalok nito.

"Po?" Naguguluhan ako kung tatanggapin ko ba ang alok niya dahil sa pagkakaalala ko ayaw niya akong umiinom lalo na ng alak niya.

"It's your birthday, so we must celebrate it." Tila lasing na siya sa mga oras na yun dahil sa namumula na ang kanyang mukha na mas lalo pang nagiging halata dahil sa maputi niyang balat.

Napatingin naman ako sa round table na nasa veranda pero wala pa naman bukas na beer can, tanging ang hawak niya lang ang bukas.

Nakasando lang siya at ngayon ko lang siyang nakitang ganoon ang pananamit. Lumantad sa kanang braso niya ang isang tattoo na galing sa likod niya na umabot hanggang itaas na braso na tila isang dragon.

Dahil sa natatakot akong baka magalit siya sa akin na di tanggapin ang offer niya ay lumapit na ako sa kanya. 

Inabot niya sa akin ang isang bagong beer na nasa lata at tinaggap ko naman yun.

"Papayagan kitang uminom dahil birthday mo pero sa susunod you are not allowed." Ngumiti naman ako sa kanya dahil alam kong nasa tamang wisyo pa siya.

Ngiti kong abot tenga sa kanya. "Salamat po." Tumingin naman siya sa tanawin sa veranda at ginaya ko ang ginawa niya.

Malamig ang tama ng simoy ng hangin sa aming balat at  malakas na ingay ang naririnig namin mula sa labas na katapat na mga bahay ni Mr. Ambrose at mukhang kami lang ang walang dekorasyon mga Christmas lights and décor at mga pamaskong kanta na parating maririnig sa mga panahon na to.

Habang pinagmamasdan ko ang paligid ay nakita ko ang mukha ni Mr. Ambrose na isang lugar lang siya nakatingin at napakalayo pa noon at tila nakatingin siya sa langit ng mga oras na yun.

Halos nakakalahati na ako sa iniinom ko at nanatili kaming tahimik na dalawa at hindi ako sanay ng ganoon dahil madaldal akong tao.

Kaya ako na ang unang kumausap sa kanya dahil alam kong hindi naman ako kakausapin nito kung di ako mauuna.

"Mr. Ambrose." Lumingon naman siya sa akin. "Pasensya na po yung mga pinagsasabi ko kagabi."

"Don't worry, you are right by the way. Dapat lang na magsalita ako ng Tagalog dahil nasa Pilipinas ako." Nakahinga naman ako ng maluwag ng marinig yun.

"Sorry po talaga." Nakita ko naman naumismid siya at muling binalik ang tingin sa malayo.

Binalik ko rin ang tingin sa mga bahay na masayang sinecelabrate ang pasko at masasabi kong naiinggit ako dahil kasama nila ang pamilya nila.

"Pano mo nakilala si Blaze?" Nakuha niya naman ang atensyon ko sa tanong niya.

"Tiyahin ko po ang kasambahay nila kaya matagal na kaming magkaibigan."

"Oh, that's why. Where is your parents and sibling?" Tanong niya pa.

Nagulat naman ako sa pagiging interasado niya sa buhay ko, dala na rin siguro ng kalasingan.

"Matagal na pong wala ang mga magulang ko." Nakaramdam naman ako ng lungkot.

"I'm sorry for that." Umiling ako at ngumiti ng taos puso na sinasabing di ako naoffend sa tanong niya.

Sanay na akong kaawaan ng iba lalo na kapag nalalalaman nilang ulila na ako kaya  siguro ipinapakita ko sa lahat na kaya ko parin ang buhay kahit na wala akong kasama.

When We Meet Again (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon