Babaero
Natapos ko nang ikwento kung anong nangyari sa akin ng gabi yun.
"Austin, yun ang tunay na pangalan niya?" Napahinto siya sa pagbabalat ng apple at muling binigyan ako ng tingin.
Tumango ako. "Oo nga." Lumapit siya sa akin.
"Yun yung customer na binigay ko sayo diba? " Muli akong tumango.
Nagbigay naman siya sa akin ng nakakalokong tingin. "Hindi kaya destiny yun?" Natawa naman ako sa narinig ko sa kanya kaya nahampas ko siya sa balikat para matauhan siya.
"Baliw! Sadyang yung araw na yun ay andun siya at kagabi ay nandito siya." Suminghal naman siya sa sinabi ko.
"Hay naku! Masyado ka talagang loyal dyan kay Blaze, di ka naman gusto." Napangiti naman ako dahil feeling kong hindi nalang kaibigan ang tingin ni Blaze sa akin pero syempre feeling ko lang yun hanggang di siya umaamin sa akin hindi ako aamin na may gusto ako sa kanya dahil ayaw kong masira ang pagkakaibigan namin dahil lang sa nararamdaman ko.
"Malay natin baka bet niya na ako ngayon?" Pagbibigay ko sa kanya ng ideya.
Nakatanggap naman ako ng malakas na batok sa kanya. "Uy, matautauhan ka nga Ate? Sa tuwing sinasabi mo yan sa akin nagkicringe ako parang dejavu." Hinimas ko naman ang ulo ko.
"Hindi mo talaga ako pinatawad no? Alam mong may sakit ako pero sinasaktan mo parin ako." Pagbibiro ko.
"Gaga! Di ka kasi matauhan, alam mo naman kung anong meron kayo ni Blaze pero nangangarap ka parin na magkakagusto yun sayo at bukod dun matagal na sila ng pinsan mong demonyita." Bumuntong hininga naman ako sa narinig ko. Tama siya pero baka di rin.
Bumalik siya sa may mesa at umupo para ituloy ang pagbabalat ng apple. "Pero di raw sila magkarelasyon ng demonyita kong pinsan."
"Eh ano sila? Flirt lang? Wag kang maniwala dun. Kaya kung ako sayo bes, ibaling mo nalang ang pagtingin mo sa iba." Habang winawasiwas niya pa ang kutsilyo na hawak niya.
"Kanino naman? Alam mo naman bata palang ako si Blaze na ang gusto ko?"
"Kaya nga eh, matagal mo ng gusto ang taong yan pero ano ka ngayon sa kanya? Diba? Kaibigan at kababata lang. Kapag tinuloy mo yang pagiging martyr mo, magtatayo na talaga ako ng rebulto mo at papalitan mo si Rizal sa Luneta." Natawa naman ako sa pagiging concern niya sa akin.
Bumukas ang pinto at nilakihan ko siya ng mata para tumigil siya dahil andito na sila Blaze at Mr. Ambrose. "Bukod dun try mong magkagusto sa iba, gaya nalang yan si Mr...."
Agad kong pinutol siya sa pagsasalita. "Oh, Blaze ang aga niyo naman." Dahan dahan naman siyang napalingon sa likod niya kung saan andun na ang dalawa.
"Blaze." Mahina niyang tawag dito at ngumiti naman si Blaze sa kanya.
"Angel, salamat sa pagbabantay mo kay Scarlet ah."
"Ano ka ba, wala kang kailangan ipasalamat, kaibigan ko rin si Scarlet." Saglit niyang igilid ang ulo niya para makita si Mr. Ambrose. "Sino siya?" Habang nakaturo ang hintuturo nito kay Mr. Ambrose.
"Bayaw ko."
"Hi, I'm Austin." Inilahad naman ni Mr. Ambrose ang kanyang kamay.
Saglit na tumingin sa akin si Angel at nilakihan ako ng mga mata niya na tila naguguluhan sa nangyayari. Di niya pa alam na bayaw ni Blaze si Mr. Ambrose at wala akong balak sana sabihin sa kanya dahil masyado na itong personal.
Inabot naman ni Angel ang kamay nito at nakipagkamay. "Angel, kaibigan ni Scarlet." Bumitaw na sila sa pagkikipagkamay at muling nagsalita si Angel. "Maraming salamat sa pagtulong mo sa kaibigan ko, Austin." Na tila komportableng pasasalamat nito.
BINABASA MO ANG
When We Meet Again (On Going)
Roman d'amourMahirap ang naging buhay ni Scarlet mula sa pagkabata niya pero sa kabila ng hirap na naranasan nito ay buong lakas niyang hinarap ang buhay at nakilala ang dalawang lalaki ang magbibigay ng kulay sa masama niyang nakaraan. Si Blaze na kababata niy...