Kabanata 8

11 2 0
                                    

Bahay

Hindi ko alam ang gagawin ko dahil sa nalaman ko, ang perpekto pamilya ko na nasa alaala ko noon ay ang mga taong sumira sa buhay ng Tiya ko. Gusto kong humingi ng tawad sa mga ginawa nila pero paano? Paano ako hihingi ng tawad kung isa ako sa malaking kasalanan ng mga magulang ko sa kanya.

Sa halos isang oras kong paghagulgol sa gilid ay tumayo na ako para pumasok sa attic pero tumambad ang mga gamit ko sa harap ng kama na nakalagay na sa isang malaking maleta.

Napalunok ako nang makita ang mga yun dahil ibig lang talagang sabihin nun ay di niya na ako kayang makita pa. Mas lalo lang ako umiyak at nagmukmok dahil kung kailan malapit pa ang birthday ko ganito pa ang ginawa sa akin ni Tiya Melba. Sabagay siguro kulang pa ang mga to sa mga kasalanan ng mga magulang ko sa kanya at tama lang na humiwalay na ako sa kanya dahil nasa tamang edad na ako.

Ngunit bago ko bitbitin ang mga gamit ko ay nakita ko ang passbook ko sa ibabaw ng kama at agad kong binuklat yun para tingnan kung may iniwan pa siyang laman na cash na nakaipit dun para sa tuition ko ngunit tila sobrang sama sa akin ng kapalaran para makitang isang libo nalang ang nakaipit doon. Malaki ang laman noon 50 thousands na pangtuition ko sana ngayong first semester, gusto kong magwala pero anong gagawin ko? 

Kahit ang harapin si Tiya Melba nang mga oras na to ay hindi ko kaya dahil nahihiya ako, sobrang nahihiya ako para bawiin ang perang alam kong pinaghirapan ko para sa magandang kinabukasan na plinaplano ko, akala ko magiging okay ang lahat pagnakaipon na ako at nakapag-aral muli pero sadyang malupit sa akin ang kapalaran.

Napaisip ako kung may kinabukasan pa bang nag-iintay sa akin dahil sa nakaraan ko, may tao pa bang tatanggap ng buong buo sa akin kung isa akong bunga ng pagkakasala?

Maraming pumapasok sa utak ko na mga katanungan na di ko pa matagpuan ang sagot.

Nang mahimasmasan ako ay saglit akong naghilamos at nag-isip kung anong gagawin ko ngunit tanging kayang gawin ko lang ay humingi ng tawad sa pamamagitan na alam ko. Saglit akong kumuha ng papel at ballpen at inumpisahang magsulat.

Dear Tiya Melba,

Tiya, gusto ko lang po magpasalamat sayo sa pamamagitan ng sulat na ito, dahil marami akong natutunan sa buhay sa pamamagitan niyo. Alam kong napakahirap sa inyo na makita ako sa araw-araw na ginawa ng Diyos dahil alam kong nakikita niyo sa akin ang mga kasalanang ginawa ng magulang ko kaya nagpapasalamat akong tinanggap niyo ako at inaalagaan sa ilang taon tayong magkasama at kahit paano ay hindi ko naramdaman na wala akong magulang na nasa tabi ko dahil andyan kayo.

Tiya, mag-ingat kayo at parati niyong inumin ang mga gamot niyo hanggang dumating ang araw na humarap ulit ako sa inyo at humingi ng tawad ng pormal. Maraming salamat po sa lahat Tiya at huwag po kayong mag-alala sa akin dahil mag-iingat ako parati.

Nagmamahal,

Let

Tumigil ako sa kakaiyak nang matapos ko ang sulat para kay Tiya Melba. Binitbit ko ang gamit ko at binitbit pababa ng hagdan, Nang dumaan ako sa 2nd floor andun si Chloe, aso ni Blaze at wumawagwag ang buntot na inaantay akong buhatin siya.

Hindi ko siya matiis kaya binuhat ko siya at tinawag ang pangalan niya. "Chloe!"

Excited nitong dinilaan ang mukha ko na kinaiyak ko dahil alam kong mamimiss ko siya.

"Mamimiss ka ni Mommy, alagaan mo ang Daddy mo ah." Niyakap ko siya ng mahigpit at binababa ko siya dahil malapit ng mag-alas dyis.

Hindi naman sumunod sa akin si Chloe dahil hindi siya marunong bumababa ng hagdan lalo na at maliit lang siya. Pagkababa ko ng first floor ay tumambad sa akin ang durog durog kong phone na alam kong hindi na masasalba pa kahit gaano kagaling na technician sa inabot nito.

When We Meet Again (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon