Chapter 1

187 10 0
                                    

Crush




"Indira, bilisan mo na diyan!" Tawag saakin ni mama. Walang kagana-ganang naglakad ako pababa. Pupunta kasi kami ngayon sa siyudad kung saan ako mag-eenrol para ngayong pasukan.

Naabutan ko si mama at ang nakakatanda kong kapatid na naghihintay saakin sa baba. Ngumiti si mama saakin, samantalang irap naman ang sinalubong saakin ni Cherry, ang kapatid ko.

Matanda saakin ng dalawang taon si Cherry pero kailanman ay hindi ko naaalalang tinawag ko siyang ate. Siguro dahil simula bata pa, hindi na kami magkasundo.

Matalino si Cherry kumpara saakin, nagmana siya sa mga magulang namin. Third year college na siya ngayong pasukan sa kursong Accountancy, nag-aaral sa isang eklusibong paaralan doon sa Cebu City. Scholar siya kaya kahit peso walang nabayaran ang mga magulang namin.

Gusto ni mama at papa na doon din ako mag-eenrol sa Calver University kung saan nag-aaral si Cherry. Umayaw ako noong una dahil masyadong mahal doon pero wala rin akong nagawa kalaunan lalo pa't desidido talaga sila mama at papa, para daw may magbabantay saakin habang nasa malayo sila. Kaya lang, nasasayangan talaga ako sa pera, pwede naman na dito nalang ako saamin magpa-enrol o di kaya'y sa Cebu College University, isang public school na malapit lang sa paaralan ni Cherry. Mababa lang rin ang tuition fee, hindi katulad sa CAL-U na nakakalula sa sobrang mahal ng tuition fee. Depende pa iyan sa kursong kukunin mo. Tapos nasa sentro pa iyon ng Cebu, babyahe pa kami ng ilang oras para makarating doon kaya kailangan din akong ipasok nila mama sa dormitoryo para may matirhan ako habang nag-aaral. Dagdag bayarin pa iyon sa mga magulang ko.

Sa dorm din namalagi si Cherry nang tumuntong siya ng college kaya madalang ko lang siyang nakita sa dalawang taon na lumipas.

Wala naman talaga akong balak na magpatuloy sa pag-aaral. Ang gusto ko lang ay maging isang professional gamer, ibuhos ang panahon sa paglalaro ng online games. Feeling ko kasi nandoon ang potensyal ko, pero hindi ako pinayagan ni mama at papa. Gusto pa nga nila na Education ang kunin ko na kurso para naman daw may sumunod sa yapak nila. Pareho kasi silang dalawa na guro sa isang pampublikong paaralan ng highschool dito sa probinsya namin. Ako lang ang umayaw dahil alam ko kung hanggang saan lang ang kakayahan ko, mabuti at hindi naman nila ako pinilit.

Final na ang desisyon ko na BSHRM ang kukunin na kurso. Rinig ko na hindi naman daw mahirap ang kursong iyon kaya kampante akong makakagraduate ng walang kahirap-hirap.

Medyo na inis pa saakin si Cherry nang malaman niyang iyon ang kukunin ko. Gusto sana niyang Business Ad ang kunin ko para hindi naman daw siya mapahiya sa mga kaklase niya, kaso, hindi naman ako kagalingan sa math kaya bakit ko ipipilit? At kung makapanglook-down siya ng kurso akala mo talaga kung sinong tao.

Bitbit ang oversize bag na naglalaman ng mga gamit ko ay sumunod ako kila mama palabas ng bahay. Naghihintay na si papa sa loob ng luma niyang sasakyan na 20 years na niyang ginagamit.

Lumabas si papa at inalayan kami ni Cherry sa paglalagay ng mga gamit namin sa trunk.

Si mama ang naupo sa front seat samantalang kami namang dalawa ni Cherry ang nasa likuran. Dahil sira na ang aircon ng sasakyan ni papa kaya ramdam ko na agad ang init nang magsimula na kami sa pagbyahe.

"Nadala mo bang lahat ang mga importanting papeles nakakailanganin mo, Indira?" Tanong ni papa sa kalagitnaan ng byahe.

"Opo pa," sagot ko. Nagsimula na silang dalawa ni mama sa pagbibigay ng mga paalala saamin ni Cherry. Mukhang hindi naman nakikinig ang magaling kong kapatid dahil halos nasa cellphone na hawak ang buong atensyon.

Solace Amidst The ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon