Chapter 5

162 10 0
                                    


Training





Palagi na namin nakikita si Kirill sa campus. Nakakasabay namin siya sa panananghalian at minsan, nakikita narin namin siya sa iba't ibang panig ng CAL-U. Tapos, mas madalas na din ang paglalaro nila ng basketball sa open field. Marami na tuloy ang inspirado na pumasok sa klase dahil sakanya.

So far, maganda naman ang takbo ng mga araw ko, siguro dahil inspirado rin ako lalo na dahil palagi ko siyang nakikita sa library. Minsan siya lang mag-isa, pero kadalasan kasama niya ang mga kaibigan at ka dormmates niya na sina Iñigo.

Sadly, Kirill won't be able to play in the upcoming Intercampus basketball tournament due to his injury. Oo, may injury pala siya sa kaliwang paa. No'ng isang linggo ko pa nalaman. Nagulat nga kami ng mga kaibigan ko kasi mukha naman siyang walang iniindang bali sa paa sa tuwing nagpapractice game sila do'n sa open field. Sa husay niya, hindi mo talaga aakalain 'yon. Marami nga ang nalungkot dahil no'ng nakaraang season ng Cebu Collegiate basketball tournament ay hindi nakamit ng school namin ang kampeonato dahil wala siya. Kung manalo man ang Engineering department sa Intercampus playoffs, wala paring kasiguraduhan na maipapanalo nila ang CCBT.

Dahil kay Kirill kaya nanalo ng dalawang beses ang school namin sa CCBT. Sayang nga at hindi ko 'yon naabutan. Tapos 'yong tatlo pa niyang kaibigan na pawang magagaling at pambato rin sana ng Engineering at school namin ay tumigil din sa paglalaro no'ng tumigil si Kirill. Ang sabi, maglalaro lang daw sila kung kompleto sila. Gano'n yata kasolid 'yong pagkakaibigan nila. Walang nakakaalam sa mga tagahanga niya kung papaano o kung kailan siya nagkainjury. Tanging mga kaibigan lang daw niya ang nakakaalam pero hindi rin nagkukwento.

Maaga akong nagising sa araw na 'yon. Dahil hindi na makatulog kaya nagpasya nalang akong lumabas at magjogging sa track area, mamaya pa kasi ang klase ko kaya marami pang oras ang nalalabi. Actually, matagal ko na talagang pinagpaplano ito hindi ko lang magawa-gawa dahil kadalasan matagal akong magising, late na kasi ako minsan nakakatulog dahil sa kakalaro ng EE.

Madali lang kasi akong mapagod at hingalin na isa sa mga kahinaan ko sa tuwing may game kami sa Volleyball. Kaya nga, pag mayroon akong libreng oras, aside sa training namin, nagsasariling sikap din ako para mas mapaghusayan pa.

Dalawang linggo na mula nang magsimula ang Volleyball Intercampus tournament. Unang laro namin ay natalo kami ng taga Accounting. Sa pangalawa ay nanalo naman kami sa taga Nursing. Akala ko nga matatalo kami, kung nagkataon tanggal na sana kami sa playoffs. Mabuti nalang at napagbigyan pa ng isang pagkakataon.

Pagkarating sa track, sinabit ko ang agad ang bluetooth earphone ko saaking tenga atsaka pinatugtog ang nasa playlist ko.

Dahan dahan na akong nagsimulang tumakbo. Medyo hindi pa gaano karami ang mga estudyante ngayon dito kaya maaliwalas pa ang buong paligid.

Nag-eenjoy na ako sa pagtakbo nang makasalubong ko si Kirill. Nakaputing tshirt siya na mukhang sinadyang putulin ang dalawang manggas sa gilid. Ang kanyang suot na kulay itim na shorts ay hanggang sa kalahati ng kanyang hita, nakalitaw ngayong ang kanyang mahahabang mga binti na nalalatagan ng maliliit na balahibo. Mas lalo tuloy nadedepina ang kanyang tangkad.

Magulo ang kanyang buhok at pawisan narin ang kanyang mukha at balikat. Pero mukha parin siyang mabango kahit na gano'n.

Deretso lang ang tingin ni Kirill kaya hindi niya ako nakita. Mukhang malalim ang iniisip niya habang tumatakbo. Nalagpasan na niya ako pero hindi ko parin mapagilan ang sarili na hindi siya lingunin.

Nakasalubong ko pa siya ng tatlong beses bago siya nawala. Mukhang bumalik na siya sa dorm. Sa tatlong beses na nakasalubong ko siya, ni hindi man lang niya ako napag-alayan ng tingin. Masyado kasi siyang nakafocus at mukhang nasa ibang bagay ang iniisip.

Solace Amidst The ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon