Like
May humawak sa mga balikat ko at tinulungan akong makatayo. Agad na gumuhit ang kirot saaking tagiliran at tuhod mula sa pagkakatapilok.
Namula ang buong mukha ko sa pagkapahiya. Normal lang naman ang ganitong bagay pero hindi ko maiwasang mahiya lalo pa't naagaw ko ang atensyon ng lahat.
Agad akong nagbaba nang tingin no'ng bumungad saakin ang gwapong mukha ni Kirill. Ang kanyang dalawang kamay ay nanatili parin saaking balikat, tila pinapawi ang anomang nararamdaman ko ngayon.
"Are you okay?" He asked. Hindi nakatakas saaking pandinig ang pag-aalala sa boses niya.
Yumuko siya. Mula sa'king mukha ay bumababa ang paningin niya saaking tuhod na nakalitaw sa suot ko'ng tattered jeans.
Nakita kong nagkasugat iyon at sumisidhi ang kirot satuwing natatamaan ng hangin.
"You're hurt.." wala sa sariling sambit niya. His voice was hard but soft at the same time.
He bent down even more which caught me off guard. Napaatras ako pero agad din na napatigil. Hindi na ako nakakilos nang itinukod niya ang kaliwang tuhod sa sahig.
Gaya ko, napasinghap rin halos ang lahat sa ginawa niya.
Tuluyan na talagang nanigas ang buo kong katawan. Gustuhin ko man'g tumakbo pero tila nakapako na ang dalawa kong mga paa saaking kinatatayuan ngayon.
Nakatingin na samin ang lahat. Inggit, pagkadismaya, pagkabigla at galit ang nakasalarawan ngayon sa mukha ng mga kababaihan.
Alam ko kung bakit. Nakaluhod sa harapan ko si Kirill.
Si Kirill Sebastian Zakharov.
May dinukot siya sa bulsa ng kanyang pantalon, isang puting panyo. Marahan niya iyong itinali sa tuhod ko na may sugat.
Kita mo ang pag-iingat sa bawat galaw niya. Na tila ba ako'y isang babasagin na baso na anomang oras ay maaring mabasag.
"S-salamat.." nauutal kong sinabi. Hindi na nawala sa mukha ang pamumula, pero hindi na dahil sa pagkapahiya. Kundi dahil sa kakaibang damdamin na tanging si Kirill lamang ang nakakapukaw.
Tumalikod ako at hindi na hinintay ang magiging sagot niya. Ramdam ko ang pag-alinlangan niya, pero hinayaan parin niya akong makalayo.
Tahimik akong sumampa sa entablo kung nasaan si Cherry. Halos hindi na ako makatingin sa nagtatanong niyang mga mata.
Kita ko ang pag-aalala sa mukha ni Cherry. Tipid akong ngumiti para ipakitang wala lang 'yon saakin.
Napansin ko ang grupo nina Judy, ang pagtataka at inggit ay agad na napalitan ng pagngisi nang makitang nakatingin ako sa gawi nila. Kasiyahan ang pumalit do'n. Kasiyahan sa nangyari.
Bakit may mga tao na masaya sa kalungkutan ng iba?
After the awarding, we immediately went out. Napapatigil lang sa tuwing may bumabati kay Cherry. Hindi ko nalang binigyan pansin ang kakaibang tingin na inabato saakin ng mga kakilala at kaklase niya.
Glaiza is already beside me. Lumapit siya saakin kanina pagkababa namin sa stage.
Nakalabas na kami nang makita namin ang grupo nina Judy na nagtatawanan.
Nagulat ako nang bigla nalang naglakad papunta sa kanila si Cherry. Nagdadalawang isip kaming napasunod sakanya.
"Did you see her face? Nakakatawa di ba? Bobo na nga ang lampa pa!" Judy said to her friends.
BINABASA MO ANG
Solace Amidst The Chaos
General FictionIndira Kuina Martinez, the online gamer enthusiast, fell in love with Kirill Sebastian Zakharov, the ultimate heartthrob at their university.