Gazebo
Kahit nandito na kami sa loob ng classroom, nanatili parin akong tulala at maging sila Joyse at Jerlie. Di parin ako makapaniwala na nakita na namin sa personal si Kirill Sebastian Zakharov kanina. Grabi, nakakalula ang kanyang kagwapuhan. Kaya pala lahat ng mga estudyante dito sa CAL-U, may gusto sakanya. At narinig ko pa sa mga usap-usapan do'n sa cafeteria na hindi lang daw siya gwapo, sobrang talino din daw niya. Katunayan, consistent dean's lister at nangunguna siya sa mga kabatchmates niya. Senigundahan din iyon ni Joyse dahil 'yon din daw ang sabi ng pinsan niya.
Medyo nakaramdaman ako ng kaonting hiya sa sarili dahil sa nalaman patungkol sa binata. He's an achiever, while I am not. Sobrang ang hirap niyang abutin. Nakakahiya na ang isang tulad ko na wala man lang maipagmamalaki ay nagkakagusto sa isang tulad niya.
Napabuntong hininga ako. Ang galak sa puso'y unti unting nalulusay. Hindi ko mapigilan ang sarili na hindi makaramdam ng lungkot.
"Anong nangyari sainyo at ganyan ang mga mukha niyo?" Bungad saakin ni Angelo, kaklase namin ngayon sa Major subj. Sinulyapan niya sila Joyse at Jerlie na parehong nakatingin sa kawalan at saka ibinalik saakin ang naaaliw niyang tingin.
Matagal bago ako nakasagot. Hindi ko kasi agad na iproseso ang tanong niya sa utak ko.
"W-wala naman," tumawa ako.
Tumikhim siya at mas lalo pang lumapit saakin. Nagtaka man, pero hindi ko na pinahalata.
"May gagawin ka ba bukas pagkatapos ng NSTP-CWTS?" Tanong niya. Nangunot ang noo ko. Sabado bukas kaya probably, pagkatapos ng klase ay baka maglalaro lang ng Eagle Eye.
"A-ah, oo eh,"
Nakita ko kung paano nawala ang ngiti sa maamo niyang mukha.
"Ganon ba Indira? Yayain sana kitang lumabas, pero baka sa susunod nalang." anya sa malungkot na boses, pagtapos ay nagpaalam narin.
Hindi ko alam kung bakit niya ako niyayayang lumabas, wala naman akong naaalalang may dapat kaming pag-usapan, kaya nakapagtataka talaga.
"Anong kailangan niya?" Nagtatakang tanong saakin ni Jerlie. Mukhang nagising narin sa wakas ang diwa niya.
"Wala, tinatanong lang if may gagawin ba ako bukas." sagot ko saka nagkibit-balikat.
"Naku, mukhang balak ka niyang pormahan ah.."
"Advance mo namang mag-isip," tinawanan ko nalang siya.
Kinabukasan, pagkatapos ng klase, inubos ko ulit ang oras ko sa paglalaro ng Eagle Eye. Lumabas sila Glaiza, Jerlie at Joyse kaya naiwan lang ako doon sa room namin. Madilim na nang umuwi ang tatlo, may dala na silang pagkain para sa hapunan namin. Pagkatapos maghapon, naglaro ulit ako ng Eagle Eye habang nakikinig sa usapan nila.
Kung ibang bagay lang siguro ang topic nila ngayon, baka itinuon ko nalang ang buong atensyon sa nilalaro. Pero dahil si Kirill Sebastian Zakharov ang pinag-uusapan nila kaya hati ang atensyon ko sa pakikinig at paglalaro.
"Sobrang yaman pala talaga nila. Sila ang pinakamayamang pamilya dito sa Cebu, tapos isa ang pamilya nila sa pinakamayaman sa buong bansa." bahagi ni Glaiza sa'min. "Sila ang nagmamay-ari ng mga naglalakihang hotels dito sa bansa, 'yong El Majestic Hotel, sa kanila 'yon."
Napatigil ako sa paglalaro at napabaling kay Glaiza. El Majestic Hotel is the grandest hotel here in cebu, may mga branches rin sa iba't ibang panig ng bansa. Napag-usapan na namin nila Joyse na doon kami mag-apply pagkagraduate. Tapos ngayon, malalaman ko na sila Kirill pala ang nagmamay-ari no'n, malayo paman, pero parang kinakabahan na ako sa ideya na magiging amo ko siya pag natanggap kami do'n.
BINABASA MO ANG
Solace Amidst The Chaos
General FictionIndira Kuina Martinez, the online gamer enthusiast, fell in love with Kirill Sebastian Zakharov, the ultimate heartthrob at their university.