Chapter 6

222 9 11
                                    


Touchy




In the blink of an eye, the first semester ended. We went home to Santander for undas but immediately came back to the city again. When the second semester started, we became busier than last semester.

"Hindi kami makakapunta diyan sa lalahukan na competition ng ate mo, Indira. Ikaw nalang muna ang pumunta para sa'min, okay?" sabi ni mama saakin sa kabilang linya.

Dalawang linggo na simula no'ng magsimula ang klase. There will be a yearly collegiate competition in Mathematics. This year, Cherry will represent our school.

"Ah, okay po ma." Sagot ko. Kahit naiinis ako kay Cherry, pero hindi ko naman kayang hindi siya suportahan sa mga ganitong bagay.

"Thank you, anak." nagpaalam na si mama pagkatapos.

Glaiza will be there too. All courses na related sa numbers ay imbitado sa patimpalak.

Sa susunod na sabado na 'yon kaya tudo ang paghahanda dahil dito sa university namin gaganapin ang naturang event.

Natapos ang lunes na hindi namin nakita si Kirill. Hindi namin sila nakasabay sa pananghalian. Pero sabi ni Glaiza, nakita daw niya ang mga ito sa building nila.

Maaga akong nagising sa sumunod na araw. Bumangon ako kahit gusto ko pa sana'ng humiga. Dahan-dahan akong gumayak para makapagjogging.

I went out after.

The morning wind is so cold but refreshing at the same time. Pagdating sa track, nag stretch up muna ako para ihanda ang sarili.

Magsisimula na sana ako nang may tumabi saakin. Napabaling at napaangat ang tingin ko.

Unang bumungad saakin ang nakalitaw na braso ni Kirill. Medyo mas naging firm iyon kompara no'ng huli. Hanggang balikat niya lang ako kaya halos mabali ang leeg ko sa kakatingala sakanya.

Ang pamilyar na pagtibok ng puso ko ay nando'n na naman. Palagi nalang ganito pero hindi parin ako nasasanay.

Pinalitan ng kanyang natural na bango ang simoy ng umaga.

"Can I join you?" He asked. Nilingon niya ako at tinignan. Wala sa sariling napatango ako. "Let's start.."

Nauna na siyang magjog kaya napasunod nalang din ako sakanya. Natulala parin at hindi makapaniwala na kasabay ko siya ngayon.

Dahil mahahaba ang kanyang mga binti kaya napag-iiwanan niya na ako. Malaya ko tuloy napagmamasdan ang kanyang malapad na likod. Ang unti-unting pagbuo ng pawis sa kanyang batok. Ang pagsayaw ng kanyang mga buhok sa bawat pag galaw niya.

Nilingon niya ako.

Tumawa siya nang makita ang layo ng agwat namin.

Parang bigla nalang nagkakulay ang kapaligiran dahil sa kanyang munting tawa. While his twinkle eyes brought glitters in my heart.

Binagalan niya ang pagtakbo. Hinihintay ako.

"Kaya pa?" Tanong niya saakin no'ng makalapit na ako. May mga ngiti parin sa kanyang buong-buo na mga labi.

"Opo po," nahihiya kong sagot.

Nagpatuloy kami. Dahil iilan lamang ang tumatakbo ngayon dito sa track at pawang mga lalaki pa kaya walang dumudumog ngayon kay Kirill katulad no'ng una ko siyang makita dito.

"Is this your first time jogging here?"

"H-hindi po, p-pangalawa ko palang ito." natataranta kong sagot, hindi parin sanay na kinakausap niya ako.

Solace Amidst The ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon