Chapter 3

93 10 7
                                    

Energy Drink




Matagal bago ko nakalimutan ang nangyari. Malaki ang naging epekto noon sa self-esteem ko, mababa na ang tingin ko sa sarili dati pero mas bumaba pa nang dahil doon.

Ilang linggo akong halos hindi makatingin sa mga kaklase at sa ibang estudyante ng CAL-U. Pakiramdam ko hinuhusgahan nila akong lahat. Mahirap, dahil sa tuwing may nakakasalubong akong taga ibang departments, kung hindi panghuhusga ay pinagtatawanan naman nila ako. Tapos sinasadya pa talagang iparinig saakin ang kanilang walang katapusang panglalait. Mabuti nalang talaga at nandiyan ang tatlo kong mga kaibigan at mga kaklase para ipagtanggol ako. Dahil sa kanila kaya kahit papaano, nakapag-aral parin ako ng maayos kahit na lihim na nasasaktan sa mga masasakit na salita na natatamo na galing sa ibang estudyante.

Mula sa madalas na pambubully nila saakin, hanggang sa naging madalang nalang at ngayon ay wala na talaga maliban nalang kina Judy at sa mga alipores niya na patuloy parin sa paninira saakin. Kahit papaano, naging okay narin ako. Natigil narin sa wakas ang bangungot na siyang naging dahilan kaya gabi-gabi akong umiiyak.

Dahil nga rin sa nangyari, halos hindi ko na napagtutuunan ng pansin si Kirill Sebastian Zakharov. Hindi narin ako nakikisali sa tuwing pinag-uusapan siya ng mga kaibigan ko. Tuluyan narin akong hindi sumama sa kanila na mananghalian doon sa cafeteria na malapit sa Engineering. Kaya imbes na doon, sa malapit sa HRM building nalang din sila kumakain ng lunch para daw may kasama ako.

Sobra kong na appreciate sila, dahil nandiyan sila palagi sa tabi ko para suportahan ako at ipagtanggol. If not for them, baka nagdrop-out na talaga ako at umuwi nalang saamin sa Santander.

Crush ko parin naman si Kirill, kaso lang, feeling ko, wala akong karapatang humanga sa isang kagaya niya. Kaya kahit gustong-gusto kong icheck ang fb niya ulit, para tignan ang larawan niya ay hindi ko nalang ginawa. He is way out of my league, kaya hindi dapat ako nagkakagusto sakanya. Okay lang naman magkacrush at humanga, normal lang naman iyon sa isang teenager na kagaya ko. Kaso, masyado lang talaga akong kinain ng pagkapahiya na kahit ang humanga sakanya ay ipinagbabawal ko nalang sa sarili ko dahil feeling ko wala akong karapatan.

Kirill is nowhere to be found again. Huli siyang nakita nung siya at ang kaibigan niya ang humalili pansamantala kay Mr. Trinidad. Kita ko ang lungkot sa mga mata nina Glaiza dahil doon. Kahit ako ay nalungkot din sa ideya na hindi na naman siya nagpapakita.

Bago natapos ang second semester, nagtry-out kami nina Joyse at Jerlie sa volleyball team ng aming departamento. Pareho kaming nakapasok kaya sobrang laki ng pasasalamat namin.

Two weeks lang ako nanatili sa Santander at agad din na bumalik sa dorm. May trainings at practices kasi kami sa volleyball team sa mga susunod na araw para makapaghanda sa susunod na pasukan.

May pinuntahan na seminar sina mama at papa sa Baguio at baka next week pa makakauwi. Maiiwan si Cherry sa Santander, babalik lang daw siya sa siyudad kapag panahon na ng enrollment.

Pagkadating ko ay agad akong sinalubong nina Joyse at Jerlie, nauna sila saakin na bumalik dahil wala naman daw silang ginagawa doon sa kanila.

Nanood kami ng sine kinabukasan, namili ng mga bagong gamit at kinagabihan ay nagpunta kami sa night market. Sobrang nag-enjoy kami, ngayon lang ulit namin nagawa ito dahil masyadong naging busy sa school. Sayang nga lang at wala si Glaiza.

Habang kumakain ng kwek-kwek sa gilid, pinag-usapan ulit ng dalawa si Kirill. Sobrang dami ng tao ngayon dito sa night market, pero kahit napakaingay ng buong paligid, malinaw ko parin na naririnig ang pinag-uusapan nila.

Solace Amidst The ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon