Chapter 4

109 8 2
                                    

Gift




"Sus, kung hindi lang talaga ako nakapagpigil kanina baka nasampal ko na talaga ang babaeng 'yon!" Nangangalaiti parin sa galit si Joyse.

Nakabalik na kami dito sa dorm. Nag-uusap tungkol sa nangyari kung saan sinugod ako ni Judy Pathong.

"Nilandi daw ni Indira si Kirill, bulag ba siya? Hindi ba niya nakita na mismong si Kirill ang lumapit saatin?! Atsaka, nakipagpalit lang naman ng inom iyong tao! Kung makapagsalita siya nang gano'n!" Jerlie's voice was now a little bit louder. Namumula rin sa galit ang chubby niyang mukha.

"Nagselos sayo 'yon Indira, may gusto rin kasi ang Pathong na 'yon kay Kirill. Pero grabe siya makapagbintang. Samantalang, nakita naman natin ang ginawa niyang paglapit at pagpapapansin kay Kirill kanina, 'yon nga lang hindi siya pinansin. Nakakatawa, akala siguro niya mahuhumaling si Kirill sa ganda niya!" Natatawang dagdag ni Glaiza.

Nanatili akong tahimik. Nasa isip ko parin ang hitsura ni Kirill habang nakatitig sa'kin kanina. There's something in his eyes that I couldn't comprehend. Was it guilt? Anger?

"Okay ka lang ba Indira?"

"O-okay lang ako. Nasanay naman na ako sakanya." sagot ko kay Jerlie. Nginitian ko sila para ipakitang okay lang talaga ako.

Sa katunayan, wala naman doon ang isip ko kundi na kay Kirill. Ewan ko ba kung bakit mas iniisip ko pa siya kaysa do'n sa ginawang pamamahiya saakin ni Judy kanina.

"Hay naku, ang gulo mo rin Indira. Minsan ang taray mo, minsan naman sobrang bait mo. Mas gusto ko pa tuloy na palagi ka nalang mataray, para hindi ka inaapi ng kung sino-sino lalo na ng Pathong na 'yon!"

Natawa ako sa sinabi niya, kasi alam kong totoo iyon. Minsan nga hindi ko rin maintindihan ang sarili ko, simula nang tumuntong ako ng college mas humaba ang pasensiya ko. Hindi naman ako ganito dati. Kaya nga hindi kami magkasundo ni Cherry simula pa noon dahil naiinis at hindi ko matiis ang pagiging antribida niya. Sa tuwing nag-aaway kami, hindi talaga ako nagpapatalo. Pero ngayon, sa tuwing pinaparinggan ako ni Judy, binabalewala ko nalang. Minsan lang ako umaalma, tapos madalang pang mangyari 'yon.

Maayos naman na naidaos ang kaarawan ko. Nag nightswimming kami sa El Majestic Hotel. Ang room na kinuha ni Joyse ay pampamilya kaya sobrang laki no'n, kahit apat kami, ni hindi man lang kami nag-agawan sa space. Sa labas hanggang sa loob ng hotel, wala akong masabi sa sobrang paghanga. It was indeed magical. The interiors are world class, tila pinag-isipan talaga. Ang buong paligid ay nagsusumigaw sa angkin nitong kagandahan. Ang nakakatuwa pa ay maliit lamang ang nabayaran ni Joyse dahil nakadiscount kami ng malaki. Nakakapagtaka nga pero ipinagkibit balikat nalang namin 'yon. Ang importante, nakapag-enjoy kami sa gabi na 'yon.

Nagtraining na kami sa volleyball sa sumunod na mga araw. Hindi na namin ulit nakita si Kirill dahil malayo sa open field ang training area at hindi narin sila nagbabasketball do'n.

Dinaanan ako nina mama at papa dito sa siyudad para maibigay saakin ang regalo nila bago sila tumulak pauwi ng Santander. Kumain kami sa labas at pinamili nila ako ng mga iba pang gamit na kakailanganin ko sa second year.

Mabilis lang lumipas ang mga araw. Hanggang sa ilang tulog nalang pasukan na naman.

Me: Wala bang balak mag-online ni YourKiller? Akala ko ba tutulungan niya ako, bakit no show na siya? Ano ba, paasa naman!

Ranger: Pasensya kana lil master, sobrang busy lang talaga ni master ngayon. Pero huwag kang mag-alala, kung sinabi na niya na tutulungan ka niya. Tutulungan ka talaga no'n, may isang salita si master.

Solace Amidst The ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon