Enjoy!!!
***
Axel's POV
Pagkatapos kaming pagalitan ni Ma'am ay agaran kaming lumabas sa classroom nang hindi na humaba pa ang mga sermon niya at nakakairita na rin kase ang boses niya.
Paglabas namin ay dumiresto na kami sa canteen at imbes na mag-alala at matakot ay humagalpak kami sa tawa.
"HAHAHAHA" Malakas na tawa ni FM na naka hawak pa sa tiyan. Sinabayan ko naman siyang tumawa hanggang sa malagutan kami ng hininga---char.
Halos lahat ng tao sa canteen ay sa aming dalawa ni FM ang tingin. Mabuti na nga lang ay hindi masyadong marami ang tao sa loob ng canteen kase nga class hours pa ngayon.
Ang mga estudyante na nandito ngayon ay paniguradong may ginagawang research kung hindi naman ay nag cut ng classes at syempre kami ni FM na pinalabas ng guro.
Tumigil na kami sa kakatawa ng mapagod. "Hay... Ang sakit ng tiyan ko." Reklamo ni FM habang hingal na nakahawak sa tiyan.
"Oo nga. Kaloka toh teh!" Hinihingal ko naman na sabi. "Pero napakasaya naman kase talaga kase naman...hindi natin makikita si Carumba ngayon."
Sumang ayon naman si FM. "True! So true. Hindi natin maririnig ang mga lecture niya na wala namang connection sa topic natin. Biruin mo yun Araling Panlipunan tinuturo niya tapos bigla siyang mag lelecture tungkol sa 'proper way to write an excuse letter'. Baliw ba siya? Tapos sabi niya pa dapat daw ang estudyante ang mag bigay nung letter. Baliw talaga."
"HAHAHA wala na tayong magagawa diay sis. Sabi mo pa nga menopausal stage na siya." Tawa ko.
Umayos siya ng upo. "Hay... Wag na nga nating pag usapan ang matandang yun ang mas mabuti pa ay kumain nalang tayo. Nakakagutom din pala ang kakatawa ano?"
Sumang ayon naman ako. "Mas mabuti pa nga. Ano bang gusto mo ako nalang ang bibili."
Kuryosong tumingin naman siya sa akin. "Gentleman lang ang peg? Wag kang masyadong pafall bakla ka ha. Siguradong hindi mo ako masasalo dahil jan sa kalambutan mo." Pabirong sabi ni FM na may with a taste of bitterness.
Hinampas ko siya sa braso. Mahina lang naman. "Baliw. Ayaw ko lang na may kumuha ng pwesto natin kaya pababantayan ko sayo." Pagdadahilan ko.
Mukhang hindi naman naniwala si FM dahil naka kunot ang nuo nito. "Tayo-tayo lang naman ang tao dito ah. Marami naman pwesto na hindi occupied. Ang bobo naman siguro nila kung aagawin pa nila ito diba? Isa pa pwede naman natin iiwan nalang muna ang bags natin bilang tanda."
Bakit ba ang talino ng babaeng to? Tanong ko sa sarili. "Basta. Just stay there and wait for me order our food."
Walang nagawa si FM kundi ang sumunod nalang. Inglisan ko ba naman. Habang nag oorder ako ng kakainin namin ni FM napaisip ako.
Why the hell am I doing this anyway? FM was right. But am I really being a gentleman for FM? Why would I do that for her? What is this feeling when I'm with her? Why am I seem changing?
There's many questions in my head right now and I'll do everything just to got the answers I need...