Chapter 7: Para Lang Sa 'Yo...

38 1 0
                                    

Chapter 7: Para Lang Sa 'Yo...

Written By: Cristina_deLeon WP

"NAPAKABOBO mo! Sinayang mo lang ang lahat ng effort ko na turuan kang magnakaw! Wala ka pang isang buwan na nagnanakaw ay muntikan ka nang mahuli kanina. Ang akala ko pa naman ay may potensyal ka pero bobo ka naman pala! At ang pinakatanga mo pang ginawa sa lahat, nakatakbo ka na lahat e, hindi mo pa natangay ang pitaka. Ngayon, wala ka ni singkong duling na naiuwi, bwisit ka!" Tinampal siya sa ulo ni Arthur nang makabalik na sila sa hide out ng sindikato.

"Sorry po, Kuya Arthur! Natakot kasi akong makulong at nataranta na rin ako kaya tumakbo ako agad—" Isang malakas na sampal ang pinadapo ni Arthur sa pisngi niya kaya halos mangudngod siya sa sahig. Sa sobrang lakas ng sampal na iyon ay halos mawalan siya ng ulirat.

Takot na takot naman ang ibang bata roon na nakakita sa ginawa sa kanya kaya wala ring magawa ang mga ito kundi ang yakapin na lang ang mga sarili at magdasal na sana ay huwag silang madamay sa init ng ulo ni Arthur.

"Sa tingin mo ay may susunod pa? Muntikan mo nang ipahamak pati ako! Napakatanga mo! Ngayon, sisiguraduhin ko na magtatanda ka!" Hinubad ni Arthur ang sinturon nito at akmang ipapalo iyon sa kanya nang isang kamay ang pumigil dito.

Seryoso at masama ang naging tingin na ibinigay ng dumating na lalaki rito. Si Samuel iyon.

"Hindi ba at binalaan na kita na huwag na huwag mong sasaktan si Freya?" Mahina pero mariin ang boses na pinakawalan ni Sam. Sa mga tingin nito ay tila makakapatay ito ng tao.

Pilit naman na pumiglas si Arthur sa pagkakahawak ni Sam.

"At bakit ako matatakot sa babala mo, ha, Sam? Gusto mo bang mabugbog ulit ni Boss kapag nalaman niya na kinukunsinti mo na naman ang alaga mo?" nakangising tanong ni Arthur.

Ngumisi rin si Sam. "Talaga ba? Hindi ka natatakot sa akin? Mabuti pa siguro kung makipagkita ka na ngayon kay Boss dahil pinapatawag ka niya. Subukan mong magsumbong at baka nga mapabugbog ulit ako kaysa sa 'yo," sabi pa nito.¬

"Hmp! Puro ka lang dada, Sam! Talagang pupuntahan ko si Boss dahil mukhang naghahanap ka ulit ng sakit ng katawan!"

Iyon lamang at iniwan na sila ni Arthur. Agad na nilapitan ni Samuel si Freya.

"Ayos ka lang ba?"

Imbes na sumagot ay isang mahigpit na yakap ang sinalubong ni Freya sa kanya. Mukhang takot na takot nga ito at halos nanginginig pa dahil sa nangyari rito.

"Sss... Tahan na, nandito na ang Kuya Sam mo," malumanay na sabi niya.

-----------------

SAMANTALA...

Nanlaki ang mga mata ni Arthur nang ihagis ni Castor sa mukha niya ang bank book niya.

"Hindi ko akalain na may pinapalaki pala akong ahas dito sa teritoryo ko. Ang galing at may sarili ka pang bank account." Seryoso ang mukha ni Castor at alam ni Arthur na hindi ito nagbibiro.

"Hindi po ako nagnanakaw sa inyo, Boss. Maniwala kayo, may nagframe up lang sa akin—"

Isang malakas na suntok sa sikmura ang binigay sa kanya ni Castor. Napaluhod siya sa sahig sa sobrang sakit at nagsuka pa. Yumukod si Castor sa kanya at sinabunutan siya paharap dito.

"Hindi ako tanga. Alam kong matagal nang may nawawalang pera sa kita ng sindikato pero pilit ko lang na binabalewala dahil may tiwala ako sa 'yo kahit na papaano. Pero sinasampal na ako ng mga ebidensya na nakikita ko laban sa 'yo. Paano mo pa maitatanggi ang mga ebidensya na sa 'yo mismo nakapangalan?"

4. The Comfort of No One.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon