Chapter 4: Ang Sindikato.

53 2 0
                                    

Chapter 4: Ang Sindikato.

Written By: Cristina_deLeon

DINALA si Freya ng mga lalaki sa isang abandonadong building kung saan maraming batang katulad niya ang naroroon. Ang building na iyon ay ang kuta ng sindikato na humahawak ng maraming bata na pinagtatrabaho sila ng sapilitan. Karamihan sa kinukuha ng mga sindikato ay mga bata na wala pang gaanong isip o mga sanggol para naman iyon na ang buhay na kamulatan at mas makontrol nila ng mas madali. Isa si Freya sa mga nakatakdang pagkakitaan ng sindikatong iyon.

"Hoy, Samuel! Dalhin mo ang batang ito sa tulugan ng iba pang bata. Pero bago iyon ay linisin mo muna at bihisan. Basang-basa siya sa ulan kanina, baka mamatay pa 'yan, hindi rin natin pakinabangan!" sabi ni Castor. Ang may-ari ng lugar na iyon at leader ng mga sindikato.

Namukhaan naman ni Samuel ang batang babae na inabot sa kanya ni Castor. Hindi siya maaring magkamali, ito iyong batang babaeng humalik sa kanya sa lips nang ipinagtanggol niya ito kina Batchoy na kasama rin sa sindikatong iyon.

Napailing siya dahil mukhang magagaya lang ito sa naging kapalaran nila...


---------------------

SAMANTALA...

Narating din sa wakas nina Carlos ang Family reunion nila. Ngayon na lang ulit niya makikita ang pamilya dahil matagal din siyang nanirahan sa ibang bansa. Kanina lang din sila nagkita ulit ni Rita nang sunduin siya nito sa Airport.

"Papa, I miss you!" Matinding yakap ang sinalubong sa kanya ni July nang makita siya nito. Masaya na kinarga naman niya ang anak.

"I miss you too, Princess!" Saka niya hinalikan sa pisngi ang anak.

"Boss, siya iyong pulubi kanina na nagtitinda ng sampaguita roon sa kalye, ah? Ano'ng ginagawa niya rito?" gulat na gulat na sabi ni Oscar. Nanlalaki ang mga mata habang tinitingnan si July.

"Pulubi? Are you nuts? Tinatawag mong pulube ang nag-iisang anak na babae ng amo mo?" Hindi makapaniwalang sabi ni Rita.

Siya naman ay hindi na nagulat na hindi alam ni Oscar ang mukha ni July. Hinire niya ito sa US at ito ang driver niya noong naroon pa siya. Hindi pa nito namemeet ang family niya sa Pilipinas.

"What is he talking about, Papa? May kamukha akong pulubi? Unforgivable!" react naman ni July. Hindi nito matanggap na magkakaroon na lang ito ng kamukha ay isa pang pulubi.

Siya naman ay natitigagal sa sinasabi ni Oscar. Kung sinasabi nito na ang pulubi na nagbebenta sa kanila ng sampaguita kanina ay kamukha ni July, ang ibig sabihin lang niyon ay possible na iyon ang anak niya na nawawala!

Binaba niya sa pagkakakarga si July at hinarap si Oscar.

"Wait, Oscar, sinasabi mo ba na kamukha ng anak ko ang pulubi na nagbebenta ng sampaguita kanina? Are you sure about that?"

"Hindi lang basta kamukha, iisa lang sila ng mukha, Boss! Maniwala kayo!" Tinaas pa ni Oscar ang kamay na para itong sumusumpa sa watawat.

"I think we need to go back."

"But, Dad, you just got here! Lola is also waiting for you kanina pa!" reklamo agad ni July.

Lumuhod siya sa anak para magpantay sila.

"Don't worry, babalik agad ako. At pagbalik ko ay kasama ko na ang kakambal mo. I'm pretty sure that you'll like her. Just wait for me here, okay?" sabi niya.

4. The Comfort of No One.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon