Chapter 9: May Darating at May Aalis... (6/30/2020)

39 2 1
                                    

Chapter 9: May Darating at May Aalis... 

Written By: Cristina_deLeon 

"DITO na muna tayo magpapalipas ng gabi, Freya. Pasensya ka na, wala akong pera para makapang upa kahit na apartment man lang kaya rito na lang muna tayo. Iyong pera ko kasi, ibinigay ko sa dalawang kaibigan ko kanina para makatakas din sila at iyong natitira naman, ibibili ko lang ng gas bukas. Huwag kang mag-alala, makakarating din tayo sa Nueve Ecija." Iyon ang sinabi sa kanya ni Sam nang makalayo na rin sila sa kuta ng sindikato sa wakas.

Naroon na sila ngayon sa simbahan ng Baclaran at nakaupo sa malapit sa altar. Hindi nga siguro sila sana titigil sa byahe kung hindi lang niya sinabi na talagang antok na antok na siya.

"Pupunta tayo sa probinsya, Kuya Sam?" nagulat na tanong niya.

"Kailangan nating pumunta sa malayo kung saan walang nakakakilala sa atin, Freya."

"Pero paano ang ibang bata, Kuya Sam?" Bigla niyang naalala ang mga umiiyak na bata kanina nang umalis sila.

Bumuntong-hininga si Samuel. "Hindi mo kailangang mag-alala sa kanila, Freya dahil mapupunta sa magandang kalagayan ang buhay nila. Dadalhin sila sa bahay ampunan at doon, hindi sila pipilitin na magnakaw. Mabibihisan sila at pakakainin ng maayos. At bukod doon, ihahanap sila ng bagong pamilya ng bahay ampunan," paliwanag nito.

"E, ano na ang nangyari kina Boss?"

Ngumisi si Sam. "Mabubulok na sila sa kulungan, Freya. Pagbabayaran na nila ang lahat ng mga kasalanang ginawa nila sa kapwa nila. Kaya huwag mo na silang intindihin."

"Pero paano ikaw, Kuya Sam? Hindi ba at kasama ka nila?"

"Hindi ko alam. Kung hindi man ako ikulong, sigurado ako na baka dalhin naman nila ako sa rehalibilitation center dahil menor de edad pa ako. Pero hindi ko hahayaan na mangyari iyon dahil ayaw ko na magkahiwalay tayo, Freya. Iyon ang dahilan kung bakit sinama kita. Dahil kung iniwan kita roon kasama ng ibang bata, sigurado ako na dadalhin ka rin sa bahay ampunan at kapag may iba nang pamilya na makaampon sa 'yo, hindi na tayo maaaring magsama. Gusto mo ba 'yun?"

Mabilis pa sa alas kwatro na umiling siya. "Ayoko ng gano'n, Kuya Sam! Kung nasaan ka, gusto ko, naroon din ako! Ayokong magkahiwalay tayo!" Bigla siyang tinubuan ng takot nang dahil sa narinig.

Ngumiti naman si Sam at ginulo ang buhok niya. "Hindi mangyayari iyon. Hinding-hindi na tayo magkakahiwalay kahit na kailan. Poprotektahan kita, Freya. Magiging masaya tayo," pangako nito.

Nagawa na rin niyang ngumiti ng maluwag nang marinig ang sinabi nito. Pagkatapos no'n ay sumandal pa siya sa balikat nito at sabay silang natulog sa mga upuan sa loob ng simbahan...

----------------------

SAMANTALA...

Nang makita ni Carlos ang balita sa TV kung saan may isang grupo ng sindikato ang nahuli ng mga pulis at maraming bata ang nakita rin sa kuta ng mga ito ay agad siyang nagpunta sa Police Station para tingnan kung kasama ba sa mga batang iyon si June. Para lang madisappoint nang hindi roon makita ang anak niya.

Pero nang ipinakita niya ang picture ni July sa mga batang nakausap niya ay nakumpirma ng mga ito na talaga ngang dating kasama ng mga ito sa sindikato si June.

"Ayon sa sinabi ng mga bata ay kinuha ng lalaking nagngangalang Samuel ang anak ninyo, Mr. De Silva. Siya rin ang nagtip sa amin kaya namin nahuli ang buong sindikato pero noong hinanap namin siya kagabi ay bigla na lang siyang nawala. We will try our best to look for your daughter," sabi ng hepe ng mga pulis na nakausap niya.

4. The Comfort of No One.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon