Straight
________________________________________________
"Paminta ka ba?"
Mariin akong pumikit habang naghahabol ng hininga. Late ako sa unang subject ko ngayong araw. Major pa man din 'to, nakakainis. Paano ba naman eh ang traffic. Naipit pa ako sa traffic diyan sa intersection.
"Shut the fuck up" I hissed at Ceres.
She just smirked and handed me a yellow pad.
"Attendance" aniya.
Kinuha ko sa kaniya 'yun para makapag attendance na ako. I'm on my fourth year of taking this course. At sa apat na taon na 'yun ay lumbay ako.
What I mean by lumbay is single. Iyon kasi ang tawag naming magkakaibigan sa single. Trip lang namin, bakit ba?
"Answer me, Paminta ka ba?" pag ulit pa ni Ceres.
Kung hindi lang siguro alphabetical order ang seat namin sa subject na ito ay mas pinili ko pang tumabi kina Asmara o kaya kay Brich kesa rito kay Ceres. Ang daldal ng babaeng 'to, buti nga at niligawan pa 'to ni Brich e.
"Pick up line ba 'yan?" tanong ko pabalik.
"Kasi parating ka palang nahahatsing na ako" aniya.
I just ignored her at itinuon ang buong atensyon ko sa klase. Matapos iyon ay may vacant kaming dalawang oras.
"Iba ka talaga, Jehu. Babae na ang lumalapit sa'yo." It was Asmara, a friend of mine.
Kahapon kasi ay may nagconfess sa akin habang nag aayos ako ng gamit sa locker ko. 'Yung cheerleader ng school, si Belem. Ang sabi niya ay matagal niya na akong gusto at ngayon lang siya nagkaroon ng lakas ng loob para umamin.
I'm a type of person na straight to the point sa mga sinasabi. Ayoko kasi nang paligoy ligoy, mas gusto ko 'yung prangkahan. I'd rather hurt you with the truth than make you feel happy with a lie.
"I'm sorry, Belem but we don't have the same feeling. I'm happy that you like me pero sa iba mo na lang siguro ituon 'yang nararamdaman mo para sa akin. Doon sa masusuklian ka. I'm sorry." natawa pa si Ceres habang ginagaya ang mga sinabi ko kay Belem.
"Kinabisado mo talaga?" hindi makapaniwalang tanong ko.
"Oo naman, ako pa ba?" mayabang na wika ni Ceres.
We're having snack here at cafeteria. Kaunti lang ang tao dahil class hour. Kasama ko ang mga kaibigan kong sina Ceres, Asmara at Brich.
"Bakit naman ayaw mo kay Belem? She's a catch, dude. Arte ka pa?" tanong sa akin ni Asmara.
"She's not my type." Simpleng sagot ko.
"Bakit? Ano bang mga tipo mo?" Brich asked.
"Ang mga tipo niyan ni Jehu ay 'yung malaki, mahaba at mataba" sabad ni Ceres.
Kunot noo akong tumingin sa kaniya. Anong pinagsasabi nito?
"What?" Asmara asked.
"MALAKI ang respeto, MAHABA ang pasensya, MATABA ang puso." Ceres replied.
"Kayo naman, masyado kayong green minded" dagdag pa nito.
I sighed heavily. Kailan ba titino itong si Ceres? Parati niya na lang naipapasok ang mga kalokohan sa usapan namin. Talagang ine-emphasize niya pa 'yung mga adjectives na 'yun.
"Alam niyo hindi naman ako nagmamadali na pumasok sa isang relasyon. Darating din naman 'yun, hintay hintay lang." sagot ko.
"Anong hintay hintay? Tanga, baka kahihintay mo ay kalawangin ka?" ani Ceres na umiirap irap pa.
"Bakit? Ano namang masama sa paghihintay? Mas okay nga 'yun kesa sa mag madali. Dahil ang taong nagmamadali-----"
"AY NAGKAKAMALI!" sabay sabay na tugon nila.
We both laughed at nagpatuloy sa pagkain. Having friends is way better than entering a relationship. Para sa akin lang, ha. Ewan ko sa inyo kung ganoon din kayo. Pero iba iba naman kasi ng perspective ang mga tao.
Para sa akin ay ayos na ako sa mga kaibigan ko. Ang hirap din kasi pumasok sa isang relasyon. 'Yung huling relastionship na naranasan ko ay grabe ang pag unawang ginawa ko. But I really loved her, hindi nga lang talaga kami para sa isa't isa. O ako talaga 'yung may problema?
I don't know what it is that you've done to me. But it cause me to act in such a crazy way, Chos!
I don't know what it is but there's something wrong about me. Hindi ko naman alam kung ano 'yun. Basta't nararamdaman ko lang na may kakaiba sa akin.
"Can you bring this to the faculty?" Our professor asked me.
I just smiled and nodded. I grabbed the folders that she was pertaining to.
As I walked to the hall way, I realized na dapat ay isinama ko si Asmara. Nakakahiya ang ganito, pinagtitinginan ako. Pakiramdam ko ay exposed ako sa tao. And I hate it, I hate spot lights.
Parang mga tunog bangaw ang bulungan ng mga babaeng madadaanan ko. Bakit parang ngayon lang nila ako nakita? Ako ba or itong nasa likod ko? Meron kasing kanina pa na naglalakad din sa likod ko. Hindi ko naman nililingon.
Baka nga ito ang tinitingnan nila. Ayos na rin 'yun, at least mafefeel ko hindi ako exposed.
I stopped at the end of the hallway. I turn around to see who the hell is walking behind me. And to my shock ay dire diretso pa rin itong naglalakad habang busy sa pagtatype sa phone.
We bumped into each other. Para akong batong nanigas nang bahagyang magdikit ang balat namin. Tumingin ito sa akin at ginanyihan ko rin nang titig. And it was the biggest mistake I've ever done. I stared at him and familiarize his face.
The next thing I knew, hindi na ako straight.
YOU ARE READING
FORBIDDEN
RomanceJehu is really afraid to get out of the closet. He's afraid to be judge by others. Until he met, Kazvin. The only man that helped him to spread his wings like a butterfly. The man that helped him to burst out his true color. And the man that he neve...