Kiss
__________________________________________________
"Straight ka ba?"
Mukhang tanga si Ceres at kinakausap ang bond paper niyang kanina niya pa sinusulatan. May ruler naman siya at lapis, kanina pa siya tanong nang tanong sa linyang ginuguhit niya kung straight ba 'to, pambihira.
"I'm asking you, Jehu. Straight ka ba?" aniya.
"Minsan kuba ako" I replied.
Minsan hindi ko makuha ang sinasabi ng babaeng 'to.
"Wala kang kwentang kausap" she said.
Absent si Asmara at busy naman si Brich sa organization na hawak niya. Kaya kaming dalawa lang ni Ceres ang magkasama.
"What are you doing?" I asked.
"'Yung kinginang assignment natin kay Sir Peralvo. Nakalimutan ko kasing gawin" she answered.
Hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy na lang sa pagtitipa ko sa laptop. As usual ay nandito kami sa library, naging tamabayan na namin 'to.
“Ceres, part mo na lang ang kulang para matapos 'tong paper works natin.” I said.
“Teka naman, Jehu. Hindi na nga ako magkandaugaga rito” she replied.
“Kasalanan ko?” I asked.
“Sinabi ko bang kasalanan mo?” umirap ito sa kawalan “Easy ka lang, gagawin ko 'yan. Tatapusin ko lang 'to.” dagdag niya.
I just waited for her to finish her work. Matapos 'yun ay sabay kaming bumalik sa room. Malapit na kasi ang susunod na subject namin.
“Jehu” it was Kazvin.
“Oh, magkakilala kayo?” sabad ni Ceres.
“Hindi ba obvious?” I asked.
“Hi, I'm Kazvin” pakilala nito.
“Kilala kita, sikat ka e. Ako naman si Ceres, may boyfriend na ako kung hindi mo naitatanong. Kaya kung poporma ka sa akin, ay h'wag mo nang ituloy.”
Bilib din ako rito kay Ceres, punong puno ng confidence sa katawan.
Kazvin chuckled.
“I'll be throwing a party on friday” aniya.
“Teka, iniimbitahan mo ba kami or sinasabi mo lang? Share mo lang, ganon?” wika ni Ceres.
“I'm inviting you” he replied.
“Ay, perfect 'yan! Sige, pupunta kami. Maghahanap na nga ako ng designer nang makapagpatahi na ako ng gown” wika ni Ceres.
Ibang level na talaga ang babaeng 'to. Buti pa ang bike may preno ang bibig nitong si Ceres ay wala.
Kazvin chuckled before answering.
“It's just a house party, You don't have to wear gown” wika nito.
“Ay, sayang. Rampa sana ako ron sa party mo. Anyway, sige, pupunta kami 'di ba, Jehu?” baling ni Ceres sa akin.
“O-Oo, p-pupunta kami”
“Hoy, bakit ka nauutal?” siniko pa ni Ceres ang tagiliran ko.
“Shut up, Ceres” wika ko.
“I'll be expecting you to come, Jehu.” iyon lang at umalis na siya.
Bakit ba gusto niyang pumunta ako? Tanga ba siya? Close ba kami?
YOU ARE READING
FORBIDDEN
RomanceJehu is really afraid to get out of the closet. He's afraid to be judge by others. Until he met, Kazvin. The only man that helped him to spread his wings like a butterfly. The man that helped him to burst out his true color. And the man that he neve...