ix.

37 3 1
                                    

Angelus

________________________________________________________________

"Tigilan mo ako"

Napairap na lang ako sa kawalan nang makita na naman si Kazvin. Third day of HRM and Archi week. At mula kaninang pag punta ko rito sa school hanggang ngayon ay hindi niya ako tinatantanan.

"Please?"

Pinipilit niya kasi ako sa gusto niya. Gusto niyang lumabas kami at hindi ko alam kung bakit. What's the point 'di ba? We' re not that close naman.

"Kazvin, tigilan mo ako" singhal ko sa kaniya.

He sighed heavily habang patuloy pa rin ang pag sunod sa akin. Tinahak ko ang pasimano patungong Auditorium. Kanina pa naroroon sina Ceres at hinihintay ako. Late kasi akong pumasok ngayong araw na 'to, ano bang bago?

"Ayaw mo ba talaga?" may bahid ng lungkot ang bulong na iyon ni Kazvin.

Talaga nga namang mangongonsensya pa siya. Nakakainis ha, nakakainis. Simula nang halikan niya ako ay hindi niya na tinantanan ang buhay ko.

"Kaz----"

"Ayos lang, Jehu. Pasensya na kung mapilit ako" nakangiting wika niya.

Magsasalita pa sana ako nang salubungin na kami ni Ceres at Asmara.

"Ang tagal niyo" reklamo ni Ceres.

Halos mapuno ng estudyante ang floor na ito. May literary contest kasing gaganapin dito dahil kasama ang patimpalak na iyon sa programang nakalatag sa week na 'to.

"Nag attendance pa kasi kami sa lobby" sagot ni Jehu sa kaniya.

Inakay na nila kami patungo sa loob ng Auditorium. Sa pinakadulo kami naupo kung saan likod na namin ay pader na. Mula rito ay kitang kita ang stage na gagamitin para sa patimpalak sa araw na ito.

Tahimik na naupo si Kazvin sa tabi ko. Hindi niya na binanggit pa ang pag alis namin. Umusog ako ng kaunti para hindi magdikit ang balat namin.

Sa tuwing mangyayari kasi 'yun ay parang may kung anong kilabot na impact sa akin. Hindi ko alam kung bakit pero biglang ganon na lang' yung nararamdaman ko.

"H'wag mo akong iwasan, wala naman akong nakahahawang sakit" bulong niya.

Pati ba naman pag usog ko ng kaunti ay napansin niya pa?

"Don't tell me na binabantayan mo ang bawat kilos k-----"

"Then I won't" mabilis na sagot niya.

Napapikit na lang ako at napaghinga nang malalim. Nag umpisa ang programa nang pumasok na si Briech sa loob ng Auditorium.

Kalagitnaan ng debate nang mag ring ang phone ni Kazvin. Sinagot niya 'yun ng hindi umaalis sa tabi ko. Curious ako kung sino ang kausap niya pero sino ba naman ako para tanungin siya' di ba?

"Sige, papunta na" iyon ang huling sinabi niya sa kausap niya.

Kung ganoon ay aalis na pala siya. Hindi pa nga namin napapainit ang mga upuan dito ay aalis na siya. Sana hindi na lang siya sumama pa rito kung aalis din naman siya agad. Nagsayang lang siya ng lakas niya para maglakad patungo rito.

At bakit ba parang naiinis ako? Ano naman kung aalis siya, Jehu? Hindi ba dapat ay masaya ako dahil aalis siya at walang mangungulit sa akin? Ano't naiinis ako sa ideyang aalis siya rito at iiwan ako... kami...

Pagbaba niya ng phone niya ay humarap siya sa amin or should I say sa akin. Abala kasi ang dalawang katabi ko sa panonood sa debateng nangyayari ngayon.

"Punta muna ako sa gymnasium. Kailangan ako ng mga commentators" nakangiting paalam niya.

I suddenly felt guilt inside. Napakaarte ko kasi, akala mo naman anak ako ng duke. Ako lang naman 'to, at si Kazvin' yun. Pero may karapatan naman akong mag inarte 'di ba?

"Ganon ba? Sige, puntahan ka na lang namin doon mamaya" sagot sa kaniya ni Ceres.

Tinapik niya pa ako sa balikat bago siya tuluyang tumayo. He smiled before leaving. Parang nakosensya naman ako at naging masungit ako sa kaniya.

Ano ngayon, Jehu? Kanina sobrang arte mo tapos ngayon makokonsensya ka? Ang tigas din ng muka ko talaga.

"Gutom na ako" reklamo ni Asmara nang makalabas na kami sa Auditorium matapos ang awarding.

Malapit na ang lunch nang matapos ang event sa Auditorium. Agad akong hinila ni Ceres at Asmara palabas roon.

Nagtatawanan silang dalawa habang tinatahak namin ang daan patungong gymnasium. Abala sila sa pag uusap tungkol sa hindi ko naiintindihang bagay. Or should I say masyado lang okupado ni Kazvin ang utak kaya't hindi ko na nasundan ang kwentuhan nila. Siguro, ganon nga.

Nakarating kami sa gymnasium ngunit wala naman doon si Kazvin. Kahit ilingon ko pa ng 360 degrees ang ulo ko ay wala akong nakitang Kazvin. Nasan naman na kaya ang isang 'yun? Kahit sa table ng commentators ay wala siya.

"Upo kayo rito" wika sa amin ni Briech na nauna na palang bumaba rito.

Umupo kami sa upuang inilahad sa amin ni Briech. Pinagigitnaan namin ni Asmara si Ceres.

"Nag away ba kayo?" kunot noong tanong sa akin ni Ceres.

"Hindi" simpleng sagot ko.

Hindi naman talaga kami nag away, iyon ang totoo. Atsaka bakit naman kami mag aaway? Sino ako para awayin siya? At sino siya para awayin ako 'di ba?

Napairap si Ceres sa kawalan nang marinig ang isinagot ko sa tanong niya.

"Sure ka?" paninigurado niya sa akin.

"Mukha ba akong nagsisinungaling?" tanong ko.

Napangisi ito bago sumagot sa akin.

"Oo, Jehu" matigas na wika niya.

"Para kang tanga" singhal ko rito.

"Ikaw ang tanga" natatawang wika niya.

Hinayaan ko na lang siya at nag focus na lang sa panonood ng laro. Volleyball pa rin ang laban ngayon pero from HRM department na. Ang daming mga barogera sa mga players na ito.

Tumayo ako matapos ang ikalawang set. Kaya naman napatingin sa akin ang dalawa kong kasama.

"Saan ka?" tanong ni Asmara.

"CR lang" sagot ko at tinalikuran sila.

Lumabas ako ng gymnasium at dinretso ang pasilyo. Malapit na ako sa lobby ng main building nang maalala kong may banyo nga pala ng mga lalaki sa second floor.

Dito pa tuloy ako sa kabilang dulo nagpunta. Sana pala naalala ko nang mas maaga. Paliko na ako sa comfort room ng biglang tumunog ang bell.

It's almost 12 noon kaya naman mayroong Angelus. I stopped when the bell rang thrice. Kahit pa ihing ihi ay tumigil pa rin ako.

And when I shifted myself on the left side I saw Kazvin. He's literaly staring at me with cups on his hands.

Napapikit ako at napayuko.

Hindi tuloy mapakali ang kalooban ko. Halos lumabas na nag ihi ko sa tundi ng dulot niya sa akin. Tinititigan lang naman niya ako, walang big deal doon. At ano itong nangyayari sa akin? Hindi ako mapakali.

The Angelus was about to end when I glanced at him again. He gave me a genuine smile. The bell rang thrice again, a sign that Angelus is already done.

Papasok na sana ako sa comfort room nang sumigaw si Kazvin.

"Jehu!"

Kunot noo akong napatingin sa kaniya.

"I like you" he mouthed.

FORBIDDENWhere stories live. Discover now