xi.

21 3 5
                                    

Bottom ka
___________________________________________________________

"Akala ko hindi ka na pupunta."

My original plan for today is to visit my grandparents. Pero heto ako ngayon sa tabi ni Kazvin at pinapanood siyang magmaneho.

Akala ko rin hindi ako makakapunta. Pero imbes sa bahay ng grandparents ko ang punta ko, dito ako dinala ng mga paa ko.

Minsan tayo rin mismo ang traydor sa sarili natin, ano? Pilit kong sinasabi sa sarili ko na ayoko siputin si Kazvin. Pero may kung ano sa loob ko na nagsasabi sa akin na dapat ko siyang puntahan dahil 'yun naman talaga ang gusto ko.

Hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko. Parang sobrang komplikado kong tao. Kaya siguro ang hirap kong mahalin at intindihin.

"Hey." pagpukaw niya sa atensyon ko.
"Are you alright?" Tanong pa nito sa akin.

Tumango ako at nagsalita.

"Oo naman." I replied.

"Lalim ng iniisip mo, ako ba 'yan?" Pabirong tanong niya.

Oo, ikaw. Pero bakit ko naman aaminin sa kanya. Baka isipin niyang bet na bet ko siya. In the first place, wala akong gusto sa kanya.

"Hindi." simpleng sagot ko.

Sumimangot ito at napahawak ang isang kamay sa kaniyang dibdib.

"Ouch." aniya, natatawa.

"Grabe ka naman, Jehu. Magkasama tayo pero iba iniisip mo. Buti pa ako, ikaw lang talaga inisiip ko." Dagdag pa niya.

Nangunot ako ng noo at humarap sa kanya.

"Corny ka talaga, ano?" Pang aasar ko.

Tumawa ito dahil sa sinabi ko.

"I'm just saying the truth, baby." Wika niya.

"Can you please stop calling me baby dahil hindi naman ako sanggol." umiirap irap na sagot ko rito.

"Ayaw mo ba? Bagay naman sa'yo, baby face ka kasi. You're so soft, Jehu is soft. My baby is so soft." aniya.

I just stared at him.

Kakaiba rin tama sa ulo ng taong 'to.  Minsan uumpog ko 'to sa pader para magising sa katotohanan.

"Corny mo, pare." I said.

"Wow, ang tigas parang---"

"Parang ano?" I asked, nakataas pa ang isang kilay.

"Parang semento, dapat pangalan mo lafarge." pang aasar niya.

"Wow, nahiya ako sa sobrang tigas mo ha. Pwede ka nang mapulikat sa sobrang tigas mo." I fired back.

"Chill, Jehu. You're so hot headed, I am just kidding." Aniya habang tumatawa pa rin.

Natuon ang atensyon ko sa daan. Hindi ko alam kung saan ang punta namin. At hindi ko rin alam kung bakit ipinagkakatiwala ko ang sarili ko kay Kazvin. Hindi ba dapat hindi na lang ako sumama?

But there's something inside me na nag uudyok na sumama sa kaniya. Hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko.

Iniliko niya ang sasakyan patungo sa isang kilalang fast food restaurant. I glanced at him at kinunotan siya ng noo.

"I haven't eaten yet." Aniya.

Hindi pa siya kumakain? Why naman ganon?

"Don't you know that breakfast is the important meal of the day?" I crossed my arms and face him.

FORBIDDENWhere stories live. Discover now