v.

28 2 0
                                    

Like

___________________________________________________

“Did you swallowed it?”

Napatingin ang ibang tao na narito sa canteen kay Ceres. Sa ingay ng bibig niya ay normal ang boses niyang ganyan. Hindi pa siya sumisigaw niyan ha.

“Y-Yes” sagot ko.

“Good, anong feeling?” tanong niya.

“Okay lang” I replied.

“Bobo mo kasi, Jehu. Paambon pa ha tapos lagnat lagnat ka ngayon. Hindi ka naman pala sanay uminom ng gamot” reklamo ni Asmara.

“I swallowed the medicine, okay?” inis na sambit ko sa kaniya.

Matapos kumain ay sa library ang diretso namin dahil may paper work na naman kami. Si Briech ay nagpunta sa meeting at si Asmara naman ay nagtungo sa gymnasium. Kaya kaming dalawa na lang ni Ceres ang natira.

“Can I join you, guys?” a baritone voice caught our attention.

It was Kazvin.

“Go lang. Dito ka na oh, doon na lang ako.” wika pa ni Ceres.

Umupo si Kazvin sa tabi ko at ito namang si Ceres ay naupo sa harap namin. I looked at the book that Kazvin got. It was a mathematic book, cover palang nun ay nahihilo na ako sa dami ng numbers. I hate Math.

“What's that?” tanong ni Ceres kay Kazvin.

Libro 'yan, Ceres. Obvious naman 'di ba? Bakit kailangan mo pang mag tanong?

“Kailangan kong mag review. Kasali kasi ako sa quiz bee sa darating na Archi week” aniya.

So, he's brainy, huh.

“Grabe, Kazvin. Hindi ka lang gwapo matalino ka rin pala. Kaya 'yung IBA diyan nahuhulog sa'yo e.” wika ni Ceres.

Bakit kailangan niyang idiin 'yung word na IBA? Pinariringgan niya ba ako? O nang aasar lang 'to? At bakit naman ako mahuhulog dito kay Kazvin.

Natawa si Kazvin at bahagyan napatingin sa akin.

“What?” inis na tanong ko.

Umiling siya at hinarap ang libro niya.

“Nothing” he replied.

“Ay, teka. Tawag ako ni Briech. Bye muna” wika ni Ceres at atat na tumayo mula sa kinauupuan niya.

Oh, great.

Ngayon ay dalawa na lang kami rito ni Kazvin. This is so awkward.

I opened my laptop to start typing my paper work when Kazvin looked at me.

“A-Ano na naman?” tanong ko rito.

“Bakit ba nauutal ka pag ako ang kaharap mo?” he asked.

“Masama ba?” tanong ko.

“Naiilang ka ba sa akin?”

“H-Hindi” sagot ko at binaling ang tingin sa laptop.

“See? Naiilang ka sa akin, Jehu” wika niya.

Sino ba namang hindi maiilang sa ginawa niya 'di ba? Ang lakas ng loob niyang gawin ang mga bagay na 'to. Binabaliw niya ang buong pagkatao ko. Saan ba siya nakakuha ng lakas ng loob?

“Bakit mo ako hinalikan?” pabulong na tanong ko sa kaniya.

He stared at me with his tantalizing eyes.

FORBIDDENWhere stories live. Discover now