Prank
____________________________________________________________________________________________________________
"Ayos ka lang ba?"
Dumako ang mga mata ko sa kamay ni Kazvin na nakahawak sa aking braso. Agad niya namang inalis ito nang mapansin yata na nakatingin ako.
"Oo naman, bakit mo natanong?" I asked.
Sabay naming tinahak ang pasilyo sa unang palapag ng main building.
"Wala lang, just checking." he replied.
May takbo si Asmara ngayon araw. Championship na raw niya ngayon kaya naman kailangan naming manood bilang suporta.
"Sa gym ka?" I asked.
"Saan ka ba?" tanong niya sa akin pabalik.
"Sa field." I answered.
"Sa field din ako." aniya habang inaayos ang strap ng bag niya.
Malapit na kami sa Field dahil dinig na namin ang maingay na boses ni Ceres. She's cheering for Asmara. Pero hindi pa naman nag uumpisa.
"Jehu, hindi ka na naiilang ha" tatawa tawang bulong niya sa akin.
Mukhang kailangan ko na nga yatang masanay na nandito parati si Kazvin sa paligid ko. Sana sa susunod hindi na talaga ako kabahan pag lumalapit siya.
"Hindi mo pinagbigyan?" tanong muli ni Asmara.
"Saan?"
"Na lumabas, ano pa ba?" umirap irap pa ito sa kawalan.
I just sighed heavily.
Nang pumito ang isa sa mga P.E Instructor ay agad na nagtakbuhan ang mga kasali sa laro. Asmara got the 2nd place, ayos na 'yun.
Hindi naman na mahalaga sa kaniya kung pang ilan. Mahalaga sa kanya ang plus grades na makukuha niya.
"Congrats, Asmara!" ako ang huling bumati at yumakap sa kaniya.
"We should celebrate" wika ni Ceres.
Nag simula silang maglakad papalayo sa field. Kaagad akong sumunod pero napatigil din nanag hilain ni Kazvin ang braso ko.
"Jehu, labas naman tayo" wika niya.
Taas kilay akong humarap dito. Really? Mag gaganito siya sa harap ng maraming tao?
"Sige, pag natapos 'tong week na 'to." Sagot ko.
Napangiti ang loko at akmang yayakap sa akin. Pinigilan ko agad siya sa gusto niyang gawin. Ayoko ng issue, lumalayo ako sa issue. Ayos na sa akin 'tong tahimik kong buhay.
Tatapusin ko lang 'tong week na 'to. Panigurado pagtapos nito ay pareho kaming magiging abala sa pag aasikaso ng on job training namin.
So, that means, malabong mangyari na lumabas kami. That's right, Jehu! Ang talino ko talaga, gusto ko nga bigyan ng medal ang sarili ko dahil sa ideyang 'yun.
"Libre ko na" wika ni Kazvin nang makapunta kami sa parating kinakainan namin nila Ceres.
"Bakit? Ikaw ba nanalo?" tanong ko.
Asmara should treat us, nanalo siya. Bakit nagbibida 'tong si Kazvin? Pinaglihi ba siya kay Jollibee?
"Wow, good mood tayo ha!" biro rito ni Briech.
YOU ARE READING
FORBIDDEN
RomanceJehu is really afraid to get out of the closet. He's afraid to be judge by others. Until he met, Kazvin. The only man that helped him to spread his wings like a butterfly. The man that helped him to burst out his true color. And the man that he neve...