Tie
_______________________________________________________
"Oh, ano 'yang binabasa mo?"
Agad kong ipinasok pabalik sa bag ko ang papel na bigay sa akin ni Kazvin. Unang pangungusap pa lang ang nababasa ko atsaka naman ang dating ni Asamara. Hinihingal hingal pa itong tumabi sa akin.
"Ano' yun?" tanong niyang muli.
"Wala" Sagot ko rito.
"Don't tell me may nag confess na naman sa'yo, Jehu. Grabe ka, habulin ka talaga ng mga babae. Sa bagay kung hindi lang din talaga kita kaibigan at blockmate baka may gusto na ako sa'yo ngayon" natatawang wika niya habang may kinakalikot sa bag.
"Blockcest" bulong ko.
"Blockcest talaga" tugon nito.
"Asan pala sila Ceres at Briech? Atsaka ang aga mo yata ha, himala! Parati kang late, Jehu. Kahit anong event pa ng buhay mo ang puntahan mo ay parati kang late. Ano't napaka aga mo ngayon. At teka, natulog ka ba? Have you seen yourself in a mirror? Look at you, ang gusot ng suot mo, ang messy ng buhok mo at ang laki ng eyebags mo" Dakdak ni Asamara sa akin.
Hindi kasi ako nakatulog dahil sa mga pinagsasabi ni Kazvin kahapon. Ikaw ba naman sabihan nang ganon ewan ko na lang kung hindi kayo mawindang.
"Ang ingay mo, Asmara" komento ko.
"Ang dami kong sinabi tapos ayan lang sagot mo? Grabe, I can't believe you, Jehu. Stop bitching me out" aniya.
"I' m a pisces, what do you expect?" wika ko rito.
"No, Jehu you're just a bitch"
Napairap na lang ako sa kawalan.
"Seryoso nga, Jehu. Bakit ang aga mo? Kung tutuusin ay wala ka namang sinalihang patimpalak. Ano't nauna ka pa s--------"
"Good morning, guys!" bati sa amin ni Ceres. "Oh, aga niyo ha" dagdag pa nito.
"Ceres, maaga talaga akong pumapasok at itong si Jehu ay hindi. Kaya nga nakakapagtaka na nauna pa siya sakin dito" wika niya.
Napakunot ako ng noo. Hindi ba pwedeng maaga lang talaga ang pumasok ngayong araw? Kailangan bang may ibang meaning pa 'yun?
"Baka excited lang siya makit-----" halos manlaki ang mata ko sa sinabi ni Ceres.
"Sino?!" pagputol ni Asmara sa sasabihin niya.
"Tayo, baka excited lang siya makita tayong mga friends niya." natatawang wika ni Ceres.
"Akala ko naman may lovelife na 'to. Lumbay pa rin pala hanggang ngayon" biro ni Asmara.
"Look, who' s talking?" parinig ko.
"H'wag ka nga, Asmara. Kumpara sa'yo mas mauuna pa 'yan na magkaroon ng pag ibig" wika ni Ceres.
"I' m not in a rush" natatawang wika ni Ceres.
Nang tawagin kami ni Briech ay dumiretso na kami sa school gym para mag attendance.
Panay ang lingon ko para hanapin si Kazvin. Hindi dahil gusto ko siyang makita ngayong araw. Dahil gusto kong umiwas sa kaniya, naiilang kasi ako. Parang pag siya ang kaharap ko hindi ako si Jehu na straight to the point. O baka naman pagkaharap ko siya ay hindi talaga ako ang straight na Jehu. Ewan ko ba, nalilito pa rin ako.
"Sige, magpahalata ka kay Asmara" bulong sa akin ni Ceres
Pinangunutan ko siya ng noo.
YOU ARE READING
FORBIDDEN
RomanceJehu is really afraid to get out of the closet. He's afraid to be judge by others. Until he met, Kazvin. The only man that helped him to spread his wings like a butterfly. The man that helped him to burst out his true color. And the man that he neve...