Chapter ONE

83 26 9
                                    


CHAPTER 1

"HOYYYYYYYY!!!!!" sigaw ko nung biglang may humablot sa bag ko. Naku naman, ngayon pa ako mananakawan. Ngayong depress na depress na ako. Juice colored!! My gas!

"Magnanakaw! Magnanakaw!" sigaw ko ulit habang hinahabol yung batang snatcher. Ke bata bata niya pa natututo nang magnakaw.

Nung malapit ko nang mahuli yung bata bigla siyang huminto kaya kinuha ko nang oportunidad yun para mabawi yung bag ko. Gash!

"Oy bata, tumingin ka sakin!" sigaw ko dun sa bata at pilit ko siyang inihaharap sakin ngunit ayaw niya. Para siyang nanigas sa kintatayuan niya at naging estatwa. Jusme marimar.

Tinignan ko naman yung dahilan ng pagtigil niya sa pagtatakbo kanina at jusku, talaga ngang nakakapagestatwa talaga ang nakita niya. Bigla kong inihila yung bata sa isang posteng may ilaw.

Tumingin siya sakin ng may pagtataka at halong takot sa kaniyang mga mata.

"Bata, alam mo bang masama ang ginawa mo kanina?" tanong ko sa kaniya. Tumango naman siya tapos biglang yumuko at napansin kong humihikbi na siya.

"S-sorry po ate. Napag-utusan l-lang p-po ako huhuhuhu" sabi niya habang umiiyak. "K-kapag d-daw po kasi h-hindi ko iyon g-ginawa ay papaslangin nila ang aking m-mahal na inay" dagdag niya pa tapos mas lumakas yung iyak niya.

Nakaramdam naman ako ng awa pero kailangan ko parin siyang pangaralan.

"Naiintindihan kita, pero sa susunod wag kang gagawa ng masama ha. Kasi magagalit sayo si Papa God. Gets mo ba?" nakangiti kong sabi sakaniya habang pinupunusan yung mga luha na pumapatak sa mga mata niya. Kawawa naman ang batang ito.

"O-opo ate. A-ano po palang pangalan niyo?" tanong niya habang ngumiti nang pilit. Isa sa pinaka ayaw kong kaugalian. Psh.

"Naku, tigil tigilan moko sa pagngiti mo nang pilit. Masyadong peke jusku. Pero ako nga pala si ano... Ahm... Ako si Ate mo... Tyn? Oo ako si Ate mo Tyn. As in T-Y-N, Tyn hehehe. Ikaw anong pangalan mo?" tanong ko din naman sa kaniya. Phew, muntik na yun.

"Ah ako nga pala si Jiro. Ang ganda ng pangalan mo ate kasing ganda mo po hehehe" sabi niya naman. Jusme, nambola pa tong batang to.

"Ewan sayo. Hahahaha" natatawa kong sabi sa kaniya habang ginugulo yung buhok niya.

"Sige na, umuwi ka na sa bahay niyo. Huwag na huwag mo na ulit iyon ulitin ha. Bad yun!" sabi ko sa kaniya at pinisil pisil ko yung pisngi. My gash. Kakyut naman ng batang to. Gusto ko upakan yung nag utos na kunin yung bag ko. Ang epal. Tinuturuan pa ng masama yung bata.

"Sige din ate Tyn. Paalam po, sa susunod po ulit nating pagkikita ate" nakangiti na nitong sabi and this time alam kong totoong ngiti niya na yun. Nagwave siya sakin at nagwave back din ako sa kaniya. Wow parang sa messenger lang. Charrrr. Kailan kaya ulit kami magkikita nung batang yun.

Umalis na ako dun at bumalik sa pinaglalakaran ko kanina pero bago yun pinagalitan ko muna yung mga katulad kong teenager na gumagawa ng kababalaghan sa may gilid ng kalsada (iyan yung nakita ni Jiro kanina kaya siya napatigil. Hahahaha).

"Hoy kayo!!" sigaw ko dun sa isang babae at lalaki kaya napatigil sila sa ginagawa nila at gulat na tumingin sakin.

"Kumuha nga kayo ng lugar na pribado at gawin yang ginagawa niyo hindi yung sa public place pa kayo gumagawa ng kababalaghan. Hindi na kayo nahiya. Nakita tuloy kayo nung bata." seryoso kong sabi sa kanila at naglakad na paalis.

Chaotic Event (On-Hold)Where stories live. Discover now