CHAPTER 6"WOIIIIII! Akin yan! Mang-aagaw ka talaga kahit kailan." sigaw ko kay Lyntic dahil inagaw niya yung natitirang hotdog na nakalaan para sana sa akin. Kaso kinain niya na. Arghhhhh!
Binelatan niya naman ako at pinakita pa skain yung pag nguya niya ng hotdog KO! walang hiya talaga!
Bahala nga siya diyan. Padabog akong umalis sa kusina at umakyat sa kwarto saka pumunta sa terrace para magpahangin. Isang linggo at dalawang araw na rin pala akong nanatili rito.
Mababait silang lahat. Maliban kay Wayne na hanggang ngayon ini-snob parin ako. Naging close rin kami ni Ron ron. Yung bunso ng kambal. Yztrone real name niya. Tsk tsk. Hindi nga kapani-paniwala eh.
Siya unang nakipag-close sakin. Di raw kasi niya ka-ugali yung kabarkada ng kuya at ate niya kaya ako yung binulabog. Langya.
Pero hindi naman ako nagsisisi kasi mabait pala siya. Suplado nga lang sa iba minsan.
"Lalim ng iniisip ah. Share naman diyan." speaking of the devil. Hays. Pumasok nanaman siya sa kwarto ko ng walang paalam.
Tinignan ko siya at inirapan. Peste naman kasi. Aalis na ako dito bukas kasi pupunta na raw ako dun sa Aunt nila. Mamimiss ko yung magbabarkada lalo na yung kambal at itong payatot na 'to.
"Okay lang yan baby. Wag ka na sad. Aalis ka na dito sa bahay bukas kaya dapat mag-enjoy tayo ngayon." hinawakan niya yung magkabilang braso ko at yinugyog. Kaloka.
"Ano ba! Punyeta ka talaga Ron. Aish!" sinipa ko yung kaibigan niya para matanggal ang kamay niyang nakahawak sakin. Hmp.
Napa-aray naman siya at hinawakan yung kaibigan niya. Buti nga. Papasok na sana ako sa loob ng hinila ako ni Ron at niyakap. Sus. Mamimiss siguro ako neto. Parang ate niya na din kasi ako eh.
"Hayyyy. Payakap muna baby Ris ha. Kahit mas matanda ka sakin, ikaw parin baby ko. Mamimiss kita Ris." nag-angat ako ng tingin at napansin kong malapit na siya umiyak kaya tumawa ako habang pinapalo yung likod niya saka siya niyakap.
"Sus. Baka nga pag nagkita ulit tayo eh may jowaers ka na. Pataba ka na din para matalo mo naman ako kahit isang beses sa boxing. Tsk. Pero mukhang malabo yun. Sa payat mo ba namang yan. Naku naku." umiiling iling pa ako habang sinasabi yan.
Mamimiss ko rin naman siya. Wala ng mangungulit sakin. Mag-isa na lang ako dun sa bahay ng Aunt nila.
Humigpit yung yakap niya bago ako pinakawalan. Naramdaman kong may nakatingin samin kaya inilibot ko yung paningin ko at nakita si Cereal na ang sama sama ng tingin samin. HAHAHAHA. Gusto rin siguro ng yakap. Tss.
"Tignan mo yung kuya mo oh. Inggit na inggit. Baka mabugbog ka nanaman niyan ah. Ingat ingat rin." narinig ko siyang tumawa kaya tumawa na rin ako. Nakita kong padabog na umalis si Cereal kaya mas lalo kaming napatawa.
"Ron." tawag ko sakaniya.
"Hmmm?"
"May alam kaya yung mga kuya mo tungkol sakin na hindi ko alam?" sumandal ako dun sa railings at tinignan siya. Nakita ko siyang nagkibit-balikat kaya muli akong tumingin sa harap ko. Ang ganda ng view doon. Puro green yung makikita.
"Sa tingin ko may alam sila. Hindi naman siguro sila magsasabi ng ganun bagay kung wala silang alam diba? Alangang humula lang sila." hmmm. Naisip ko na din yan. Posibleng may alam talaga sila, hindi ko lang sigurado. Wala naman kasi silang sinasabi eh.
"Tara na. May barbeque party raw sa pool. Pa-despedida raw nila sayo. Haha." binatukan ko naman siya kaya napa-aray nanaman. Bakla ngang tunay.
"Una ka na dun. Sunod ako." umalis na rin siya habang hinihimas himas parin yung ulo niyang binatukan ko.
YOU ARE READING
Chaotic Event (On-Hold)
Fiksi RemajaChaotic events are happening! Get ready and do not let yourself fall for their traps. Date started: June 24, 2020 Date finished: