CHAPTER 5
NAKATUNGO ako habang kumakain dito sa hapagkainan nila. Paano ba namang hindi ako tutungo eh nakakahiya yung nangyari kanina. Kasalanan lahat yun ni Lyntic. Shutainamens.
"Ehem. Ehem. Ehem." narinig kong may umubo kaya nag-angat ako ng tingin at nakita kong si Cereal yung umubo.
"May ubo ka ba si Cereal? Gusto mo bilhan kita ng Lagundi? Or maglaga ako ng oregano?" tumawa lahat ng nasa kusina. As in lahat. Pati yung mga gamit at dingding. Charorots. Yung magbabarkada yung tumawa. Pati yung dalawang weird. Except kay Cereal at yung isa pa niyang kapatid na ang sama ng tingin sakin. Nagmamalasakit lang naman ako sa kaniya eh. *pout* Ansama niya huhuhuhuhu.
Ganito kasi ang nangyari. Habang hinahabol ko si Lyntic hindi ko namalayang mayroon pa lang tao na pababa dun sa hagdanan. Huhuhuhu. Yun tuloy, pagkababa niya eh nabangga ko siya tapos, tapos, tapos ano. Wahhhhhhh. Yun pala yung kapatid nung kambal at ni Ate Gemi. Ang sama ng tingin niya sa akin. Parang pinapatay niya na ako sa isip niya. Pano ba naman kasi? Nung nabangga ko siya eh natamaan yung ulo niya sa vase na naka display dun. At ang worse pa na nangyari eh yung dumugo yung ulo niya. Wahhhhhhh. Kasalanan yun ni Lynticccc! Lyntic nga talaga!
Napa-pout pa ako lalo nung magtama yung tingin namin nung kapatid nila. Nasabi ko na bang lalake siya? Kung hindi pa, edi ngayon alam niyo na.
"Sino ba kasi yang babaeng yan kuya?" eh? Kuya niya yung kambal? Akala ko siya yung mas matanda kasi mas matangkad siya dun sa dalawa eh.
"Dito muna siya mag-i-stay. Next week susunduin raw siya dito ni Aunt Lindys at-" tumingin siya sa akin bago pinagpatuloy yung pagkain niya. "ah basta! Manahimik ka na diyan at kumain!" napasimangot naman yung kapatid nila at tinignan ako ng sobrang talim. Napatingin naman ako dun sa ulo niyang may benda.
"Anong tini-tingin tingin mo diyan? Kasalanan mo kung bakit ako-" tinuro niya yung ulo niya. "nagkaganito. Pasalamat ka hindi nabangasan yung gwapo kong mukha." hah! Kapal ng mukha kamo dapat! Kasalanan ko bang, okay fine! Kasalanan ko na. Hmp. Pero di naman siya gwapo eh.
"Cereal, nasaan ba yung kwarto ko? Magpapahinga na ako. Atsaka hindi ko rin maatim na makasalo sa pagkain yung isa diyan na may lahing demonyo." sabi ko sabay tingin dun sa kapatid nila at saka inirapan. Ilang beses na nga kasi akong nag-sorry eh hindi man lang tanggapin.
Nakakaasar rin. Alam ko namang mali ko peri di ko naman sinasadiya."Aba't!" sigaw niya sabay lapit sakin at hinawakan ng mahigpit yung braso ko. Shit. Ang lapit niya masyado. Sinipa ko yung kaibigan niya kaya nakawala ako sa pagkahawak niya.
Pinagpagan ko muna yung braso ko, baka mahawa pa ako sa kademonyohan nitong lalaking 'to. Hinawakan ko naman yung kwelyo ng t-shirt niya at inilapit yung bibig ko sa kaniyang tainga.
"Lampa ka pala eh. Dalas dalasan mo muna mag-gym bago mo 'ko hawak hawakan ha?" narinig kong mahina siyang nagmumura kaya mahina akong napatawa. "See you around payatot." sabay palo sa kaniya at napa-aray pa siya. HAHAHAHA. Bakla ata 'tong magkakapatid na 'to. Tinignan ko si Cereal, buti na lang naintindihan niya yung gusto kong iparating.
Sumunod lang ako sa kaniya at dinala niya ako sa dulong kwarto dito sa second floor. Hmmmm. Nice.
"Dito na? Ang gara ha. Kulay red pa yung pinto. Nice. Nice."
"Pansamantala lang iyan. Tss. Huwag ka ngang makipaglandian sa kaniya. Naiirita ako." naka simangot pa siya habang sinasabi yun. Hindi ko siya ma-gets.
"Eh? Kanino naman ako nakikipaglandian aber?" mas lalo pa siyang sumimangot bago tumalikod at umalis na. Hala. Abnormal na ata si Cereal. Tsk. Tsk. Silang tatlong lalakeng magkakapatid, may saltik sa utak.
YOU ARE READING
Chaotic Event (On-Hold)
Fiksi RemajaChaotic events are happening! Get ready and do not let yourself fall for their traps. Date started: June 24, 2020 Date finished: