CHAPTER 7
"TULONGGGG!!! Tulungan niyo ako." pagod na pagod na ako kakatakbo. May mga ibang klaseng nilalang ang humahabol sa akin. Ayaw ko pang mamatay. Jusku. parang awa niyo na.
"Wala ka nang mapupuntahan. Sumama ka na sa amin upang wala nang maganap na sakitan." napahinto ako sa pagtakbo nang nakarinig ako ng sobrang lalim na boses. Parang nanggaling sa ibabaw ng lupa.
Lumingon lingon ako upang hanapin yung nagsalita pero ni anino wala akong makita.
Narinig ko ang mga yabag ng mga humahabol sa akin kaya agad akong napatakbo. May nakita akong matayog na puno kung kaya't inakyat ko iyon.Pagkalipas ng ilang minuto, nakahinga ako ng maluwag nang hindi ko na marinig ang mga ingay na nanggaling sa mga nilalang na humahabol sa akin.
Ano ba ang mga iyon? Para silang yagit na taong walang mukha. Nakakatakot.
Sumandal ako sa punong kinalalagyan ko at nagpahinga. Nakakapagod ang nangyaring habulan kanina.
"Nasaan na ang lavaliere?" anang isang baritonong boses. Muntik na akong mahulog sa puno dahil sa gulat kung hindi lang ako sinalo ng lalakeng ito.
Tinignan ko siya at isang word lang ang masasabi ko. Gwapo. Shet. Tumigil ka.Narinig ko siyang tumikhim at lumayo ng kaunti sa akin. Sinuri niya ang buong katawan ko na para bang may hinahanap.
"Wala sayo ang lavaliere." tumingin siya ng masama sa akin at hinawakan ako sa magkabilang balikat.
"M-mawalang galang ho. H-hindi ko ho alam ang sinasabi niyo." ano bang lavaliere ang sinasabi niya? Hindi ko siya maintindihan.
"Nagsisinungaling ka! Isa kang lapastangan! Ipinagkaloob sayo iyon ng Casa Roial. Itinago mo iyon! Traydor ka! Ang dapat sayo ay mamatay!" masama siyang gwapo! Kaya hindi dapat tayo nagpapaloko sa itsura eh. Pilit niya akong hinuhulog sa puno at todo kapit naman ako sa sanga. Napansin kong nasa baba na ng puno ang mga nilalang na humahabol sa akin kanina.
"Huwaggggg!!! Tulonggggg!!!" paghingi ko ng saklolo. Nagababasakaling may makarinig sa akin ngunit huli na ang lahat. Nahulog ako sa puno at nakita ko pang nakangiti ang lalake na naghulog sa akin.
"Nararapat sayo ang ganitong kamatayan!" aniya sabay talikod.
"Aaahhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!"
"Ris! Ris! Rissssss! Gumising ka!" napabangon ako dahil sa sigaw na narinig ko. Hinahabol ko ang aking paghinga habang nakahawak sa magkabila kong braso.
Nag-angat ako ng tingin at napagtantong si Ron pala ang gumising sakin sa isang panaginip. Masamang panaginip.
"May humahabol sa akin. Kakaibang nilalang sila Ron. Natatakot ako. At mayroong isang lalaking nagsabing nasa akin ang lavaliere na ipinagkaloob daw ng Casa Roial at hinulog niya ako nung hindi niya mahanap sa akin ang sinasabi niyang lavaliere. Ronnnn! Hindi ko alam ang gagawin ko! Para talaga siyang totoo." yinakap niya ako habang hinahagod ang likod ko.
"Lavaliere? Parang familiar ang salitang yun sa akin. Pero huwag mo na muna masyadong isipin yun. Sasakit lang ulo mo." humiwalay siya sa yakap habang hinahawakan ang buhok ko.
Mataman siyang tumingin sa akin.
"Ngayong araw ka na aalis Ris. Naihanda mo na ba ang mga gamit mo?" tumango ako sa sagot niya at tumayo na.
Yung panaginip ko, nararamdaman kong hindi lang yun isang panaginip. Nababaliw na ako dahil lang dun. Para kasi talagang totoong nandoon ako. Parang ako talaga. iyon.
YOU ARE READING
Chaotic Event (On-Hold)
Ficção AdolescenteChaotic events are happening! Get ready and do not let yourself fall for their traps. Date started: June 24, 2020 Date finished: