Chapter FOUR

41 20 3
                                    

CHAPTER 4

NARAMDAMAN kong may pumitik sa noo ko kaya alerto akong bumangon na resulta ng pagka untog ko sa pintuan ng kotse. Letse. Ayaw na ayaw kong pinipitik yung noo ko eh! Magbabayad ang gumawa non.

Hinilot hilot ko yung noo ko at narinig ko yung tawa ng kambal. Tinignan ko sila ng masamang tingin lalo na si Lynt kasi anlakas nung tawa niya. Kainis.

Tumikhim muna si Zriel. "Nandito na tayo. Natakasan na rin namin yung mga humahabol sa ating kampon ng demoniyo." aniya at bumaba na sa kotse.

Tinignan ko naman si Lynt na natatawa parin.

"Ikaw ba yung pumitik sa noo ko?" agad siyang umiling at itinuro si Zriel na kakalabas lang ng kotse.

"Hindi ah. Siya kaya yun. Makapag bintang ka naman. Masaket yun Zci." humawak pa siya sa dibdib niya at umarteng nasasaktan. Inirapan ko na lang siya at bumaba na rin sa kotse. Narinig ko pang tinawag niya yung pangalan ko pero di ko siya pinansin.

Nakahinga ako ng maluwag ng nalaman kong sa isang kanto pa pala yung bahay namin. Buti naman at hindi sila deretsong bumaba sa tapat ng bahay. May utak naman pala sila.

"Alis nako! See you next time!" sigaw ko habang naglalakad palayo at kumaway patalikod. Kinakabahan ako. Sana wala sila sa bahay. Lintek.

"Ang aga pa ah. Bakit narito ka na?" anang isang boses matanda na sa tingin ko ay yung kapit bahay namin. Tinignan ko siya at kahit ayokong gawin, nagpakawala ako ng pilit na ngiti. Lintek talaga.

"Maaga ho akong nakatapos sa exam." nagpatuloy na ako sa paglakad hanggang makarating na ako sa bahay namin.

Kumatok ako sa pintuan pero walang nagbubukas kaya naman dumiretso na akong pumasok sa loob. Nang marating ko ang pintuan papuntang kusina, napatigil ako, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Nakita kong may hawak na stick si mama at mayroong lumalabas na ilaw, yun nga lang kulay itim ito. Nabitawan ko yung bag ko sanhi ng paglingon sa akin ni mama.

Paano niya nagagawa yun? Litong lito na ako sa nangyayari sa buhay ko. Simula kahapon. Hanggang ngayon. Kung ano-anong kababalaghan ang nakikita ko.

"K-kanina k-ka pa ba d-diya-an?" kita ang gulat at takot sa mata ng nanay ko. Sasagot na sana ako ng biglang nakarinig ako ng ingay sa pinto. Nilingon ko iyon at nandoon si daddy at ate, nakatingin lang sa sahig at naghahabol ng hininga. Hingal na hingal sila, para bang may humahabol sa kanila.

"Mi-miranda!!!! Wala raw si Zciris sa eskwelahan nila! At nakasa-lubong ko r-rin. Hay! Nakasalubong ko rin sila Grinson at ang kasa-" nag-angat si daddy ng tingin. "-mahan niya." mukhang nagulat rin siyang nakita ako.

"K-kanina k-ka pa ba d-diya-an?" pagak akong tumawa ng marinig ko ang sinabi ni ate. Naramdaman kong lumapit sa akin si mama at pumunta kila daddy.

"Ano bang nangyayari? Ano yung ginagawa mo kanina mama? Ikaw daddy? Paano mo nalaman kaagad na wala ako sa school? Nagtataka na ako sa kinikilos niyo. Kasama ka rin ba sa kanila ate?" hindi nila ako sinagot at tinitigan lang ako sa mata.

Lumipas ang ilang minuto ngunit hindi pa rin ako nakakatanggap ng sagot mula sa kanila.

"Ano na? Magtititigan na lang ba tayo rito? Ipaliwanag niyo lang naman sa akin eh! Ano bang mahirap doon?!" nakita kong bumuka yung bibig ni ate. May gusto siyang sabihin pero pinipigilan niya.

"Ano ba?! Ayaw niyo talaga akong sagutin?! E di wag! Nakakainis na kayo! Lagi ko naman kayo iniintindi eh! Simula pagkabata ko hindi niyo ako narinig na nagreklamo! Nagrereklamo man ako pero hindi ko naman ipinaparinig sa inyo dahil alam ko na magagalit kayo sakin. Hindi ko kayo pinilit sa isang bagay na ayaw niyong ibigay sa akin! Parang inaalagaan niyo lang ako kasi kailangan! Gusto ko lang naman malaman eh! Ano ba kasing mahirap dun?" ayaw talaga nilang mag salita. Lumapit ako sa kanila at nakita ko namang tinutok sa akin ni mama yung stick na hawak niya kanina.

Chaotic Event (On-Hold)Where stories live. Discover now