Chapter TWO

54 23 13
                                    


CHAPTER 2

NAKAKALOKA naman dai. Don't judge the book by it's cover nga naman. Tang*na. Kung sa ibang storya na nababasa ko eh may hiwaga yung libro, putspa. Itong librong to may sumpa. King*na. Imbes kasi na mapa-wow ako, nadirian ako mga sis. Ikaw ba naman makakita ng ipis sa loob ng libro. Take note, mga ipis 'yong lumabas. Sh*ta talagang librarian 'yon. Ginoyo ako eh.

FLASHBACK

"Ma'am, hiramin ko ho itong librong 'to. Eto ho iyong library card ko. Kaso wala ho akong maisulat sa title of the book ma'am eh kase wala namang title yang libro hehehe. Pwede ko parin bang hiramin ma'am?" mahabang litanya ko sa harap ng table niya sabay abot nung libro sa kaniya.

Nagpabalik-balik ang tingin niya sa libro at sa akin. Shet, katakot tong librarian na 'to. Makatingin wagas.

Pagkatapos ng pabalik-balik niyang tingin, nag-stop yun sa akin. Tinignan niya ako na parang pinaghihinalaan akong may ginawang masama. Naman ma'am katakot ka. Huhuhu. Manghihiram lang naman ako ng libro eh.

"Ma'am hehe." pagkuha ko sa atensyon niya at gumana naman.

"Paano mo nakita 'to?" seryosong aniya. Putek naman ma'am. Nagtanong ako tas sasagutin niyo rin ng tanong. Yan yung gusto kong isagot pero huwag na lang. Baka ipa-guidance pa'ko for disrespecting elders. Yaw ko nga.

"Ah, doon ho sa right na last shelf ma'am malapit sa restricted area." nakangiting sabi ko na lang sa tanong niya. Pasalamat siya mabait ako ngayon.

"Paano. Mo. Nakita. Itong. Librong. Ito?" sabi niya habang tumatayo. Napaatras na lang ako ng isang hakbang. Eto na ba yung katulad sa mga story na magiging monster yung librarian? Huhuhu. Ayoko pa mamatay.

"A-ah hehe. Doon h-ho ma-madam hehe" nanginginig na saad ko habang nakaturo doon sa pinanggalingan ng libro. Hindi ko naman alam na ganito pala kahahantungan ng paghiraman sa librong iyon. Shutainamen.

Bigla siyang lumapit sa akin at hinawakan ako sa magkabilang balikat.

At sinabing-

"Ayos ba yung acting ko? Natakot ka ba iha???" abot langit yung ngiti niya sakin. Halatang excited malaman kung natakot ba ako hinde. Sasagot na sana ako ng nagsalita ulit siya.

"Alam ko namang magaling ako umacting, hinde mo na kailangan sabihin 'yun. Hihihi. May pageant kasi bukas at kailangan ko yun sa talent and portion. Ang galing ko 'no? Kaya ka siguro speechless" aniya sabay lagay ng buhok sa likod ng tenga niya. Isang salita lang. KADIRI. Hindi ako na-specchless, di mo lang talaga ako pinapasalita. Lul.

Napa-atras ako sa kaniya at tinignan siya ng nagtataka.

Ulul ba si ma'am? Ang pangit na nga niya nakuha pang manakot tas magpabebe. Yucks.

Tumingin siya sakin ng masama pero agad din niya iyong binawi at tumingin ng seryoso sa akin.

"Sa darating na kabilugan ng buwan, buhay mo ay magbabago." sabi niya sa akin. Heto nanaman ho tayo.

"Kasi maganda ako. Heheheheh. Ge kunin mo na ang librong ito. Ingatan mo 'to kase one of a kind 'yan. Hiwaga ang lalapit. Katapusan, sana'y makamit. Bye. Mag-ml pako. Pagpray moko na manalo ako bukas ha. Byersss" dagdag pa niya at itinulak ako palabas ng library. Buang amp.

Makauwi na nga lang. Kalurkey siya.

END OF FLASHBACK

Pagkauwi ko niyan eh nangyari na yung may nakasalubong ako tas nakawan. Tsaka sabi sa inyo eh. Niloko lang ako nung panget na librarian na yun. Hiwaga na pala ngayon yung ipis. Baka sa susunod eh maging hiwaga na yung palikuran. Hah! Kaloka naman 'tong mundong to.

Chaotic Event (On-Hold)Where stories live. Discover now