Chapter 21

783K 13.6K 1.1K
                                    

Love.

When I was younger, I did not believe in love although I grew up curious about it. I've always wondered why my mother easily fell in love, cried countless times over it and yet readily took the plunge headfirst towards the love jungle again. And again.

Nakakalito. Nakakaloka at nakakawindang. Para sa akin kasi kung nasasaktan ka na, aba'y huminto ka na. Bakit naman gagawin mo ang isang bagay na nakakapagpaiyak sa'yo? At kung may forever, bakit buwan-buwan na lang ay paiba-iba? Ice cream ba ito? Pumi-flavor of the month?

Totoong ang lahat ay nagsisimula sa pamilya kaya nga siguro para sa akin noon ay nakakatawa ang pagmamahal - may nanay kasi akong echosera na ginawang hobby ang pagiging in love at pag-iyak buwan-buwan dahil umalis ang pang-ilan na ba n'yang naunsyaming ka-forever; at may tatay naman akong hindi namin kasama dahil meron s'yang ibang pamilya.

Kaya n'ung nag-grade one ako at sinabi ng titser ko na kaya nagkakaanak ang nanay at tatay dahil sa pagmamahal ay nag-protesta ako kaagad. Sinabi ko sa kanya na nadisgrasya lang ng Daddy ko si Mama at hindi dahil nagmamahalan sila kaya ako nabuo. Ang sabi ko nagkalasingan lang ang mga magulang ko. Nagtawanan tuloy ang mga kaklase ko at na-principal's office ako nang wala sa oras.

Kung pamilya ang unang basehan ng pagmamahal ay siguro justifiable naman ang pagiging mapakla ko sa love-love na 'yan. Ni hindi ko alam kung ano 'yun noon. Wala s'yang halaga sa akin. Until Alexa came.

But the love that I felt for my sister was something that no movie would ever be able to explain—mahal ko s'ya hanggang sa maubos ako; mahal ko s'ya kahit gaano kasakit at mahal ko s'ya kaya hahayaan kong umikot ang mundo ko sa kanya.

'Yun lang ang pagmamahal para sa akin noon. 'Yun ang klase ng pagmamahal na una kong naramdaman – ang pagmamahal ng isang kapatid. 'Yun nga lang umalis din ang gaga at iniwan ako kaya lalong nawalan ako ng inspirasyon para sa love, love na 'yan. Pero dumating si Lee Ann na mahal ko pero hindi ko maipakita kasi takot na akong masaktan; takot akong maiwan ulit.

I might have renewed ties with my sisters but it didn't restore my faith in love. Para sa akin ang love ay parang lotto—may mga taong suwerte at nananalo rito at mayroon naman may balat yata sa puwit na kahit anong taya ay hindi manalo-nalo. Parang ako.

I love you, Dust...

Hindi ko alam bakit ako nag- I Love You kay Dustin. Anong basehan ko bakit ko nasabi 'yun? Paano kung umalis s'ya? Paano kung isa o dalawang buwan lang pala ang itatagal nitong love-love na ito na sa tingin ko ay excuse lang ng karamihan para maglandi?

Aba, kailangan ko pa ba ng excuse? Kung maglalandi ako ay maglalandi ako at hindi ko tatawaging love para lang magmukha akong disenteng tao.

"Anong iniisip mo at kanina ka pa yata tahimik?" Dustin asked. Nasa condo na kami at nakakalong ako sa kanya habang nanunuod ng TV. As usual 'yung kamay n'ya ay nakikipaglaro sa dibdib kong gustung-gusto namang kalaro s'ya kahit ambigat-bigat na.

Ano bang nangyayari dito sa boobs ko? Bakit parang nadagdagan yata ito ng tatlong kilo? Hustisya baka mag-ka-scoliosis naman ako nito.

"Babe, ano 'yun?"

"Wala," sagot ko.

Wala ang standard na sagot ng mga babae. Ang ibig sabihin ng wala ay sobrang dami—pwedeng hindi ko alam kung ano ang uunahin ko kaya wala na muna ang sasabihin ko; pwede ring wala dahil naghihintay ako sa pag-amin mo kaya gagamitan kita ng Safeguard para lumabas 'yang nakatagong kunsensya mo kung meron man, o kaya ay wala...wala kang lusot, hayop ka, kasi gigiyerahin kita kasi buking na kita pero naghihintay ako ng paliwanag sa'yo na wala akong balak paniwalaan dahil nakapagdesisyon na akong isa kang animal na hindi dapat binibigyan ng pagkakataong magpaliwanag.

Bedroom Negotiations Classic (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon