Chapter 22

758K 14.5K 2.1K
                                    

The moment I heard the P word, I automatically did an inventory of my activities. Inisip ko kaagad kung uminom ba ako ng alak, nagyosi o pumarty nang bongga. Hindi ko alam kung instinct ba iyon ng babae o talagang praning lang ako.

Jusko, kaya ba para akong baliw nitong mga nakaraang araw? Iyaking bugnutin na 'di mo maintindihan? Pati infomercial tungkol sa mga sisiw ay iniyakan ko? Hindi ito pwede! Jusme, Lia! Hindi bagay sa'yo magbuntis! Magmumukha kang butete!

"Shit...imposible..." I whispered.

Ayokong magbuntis. Ayokong umire. Ayokong mag-alaga ng bata. Ayokong maging nanay. Pero ayoko rin na dahil sa kapabayaan ko ay may mangyaring hindi maganda sa anak ko kahit imahinasyon lang naman yata s'ya ng tatay n'ya.

"Lia, I'm sorry. Did I upset you?" Dustin asked and I shook my head. "What's wrong? Bakit nakapikit 'yang mga mata mo? Nahihilo ka ba?"

"Tumahimik ka muna. Please. Iniisip ko kung nanigarilyo ba ako o uminom nitong mga nakaraang linggo o buwan," I answered.

Naalala ko kung gaano kapraning si Alexa at Alexander pagdating sa yosi. Ayaw nilang naninigarilyo ako tapos hinahawakan ko ang mga pamangkin ko. Naalala ko rin 'yung isang oras halos na lecture ng kapatid ko tungkol sa epekto ng sigarilyo sa mga bata pati 'yung masamang naidudulot ng second at third hand smokes.

Baka naman magmukhang tsimniya ang anak ko at bumubuga na kaagad ng usok pagkalabas na pagkalabas pa lang n'ya sa pempem ko?

"No, you didn't," Dustin said. "You've been very busy with Hotel Blanca's renovations kaya, ang pagkakaalam ko, the last party you went to was the one where we had our first intimate encounter."

"Ano ba 'yan, 'yung Gratitude Night?" I frowned at him.

He smiled  nodding. "Bagay ang pangalan ng party na 'yun, ano? Gratitude Night, gabi ng pagpapasalamat. Salamat, ha, Babe." 

Sarap buhusan ng tone-toneladang guyabano smoothie itong isang 'to, eh.

"Teka nga, bakit ba ako kinakabahan? As I said nagkaroon nga ako."

"It could just be spotting."

"Spotting? How the hell did you know about these things?"

"Babe, I came from a family of doctors and at some point, I thought I would become a doctor but someone was able to change my mind."

Huh? May gan'un?

"Spotting lang 'yun. The flow wasn't heavy enough for me to notice. May araw ba na hindi tayo nag-ano?" he asked.

"Hoy, meron naman! Para mong sinasabing araw-araw tayo!"

"Araw-araw naman talaga."

"Nag-away kaya tayo nang apat na araw. Ano 'yun? Blinuetooth mo sa akin ang hotdog mo at ni-receive ng pempem ko? H'wag ka na nga. Tama na nga 'yang pregnant issue na 'yan. Hindi ako buntis. Mararamdaman ko 'yun panigurado kung sakaling buntis ako. Nagdadalang-tae lang ako for sure."

"Nagdadalang-tae? What?" Dustin laughed. "Babe, kung anu-anong sinasabi mo. Mamaya gayahin 'yan ng anak natin."

"Hindi nga ako buntis. Ang dami mong alam."

"Then explain to me why you are having these mood swings, why you are having these unusual food cravings, and why you're beautifully gaining weight—"

"Hindi ba ako kumakain? Hindi nga lang kain ang ginagawa natin kundi lamon. That's the reason why I'm gaining weight at dahil sobrang busy ako ay hindi ko na nagawang magpunta sa gym. Mood swings? Normal na 'yun sa akin, ano. At cravings bang matatawag itong guyabano smoothie? Hindi ba pwedeng gusto ko lang ang lasa n'ya?"

Bedroom Negotiations Classic (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon