"What?!" I angrily asked as my office's door closed. I wanted to run after him and kick his balls pero naisip kong sayang naman. What's a hotdog without eggs? "Jusko, Lia bayaan mo na nga yun! May magagawa ba naman sya kung hindi ka magbibihis? Alangan naman kaladkarin ka nyang hubad papunta sa kung saan para ma-meet ang buong angkan ng Montemayor?" I murmured to myself as I stood up and walked to my table.
We are a couple! Yes, we're together!
"Ay, pauso ang loko. Pempem ha, I do not like how your boylet is getting demanding. Couple? Pwede ba yung couple kami eh kayo ang may relasyon? Yung ibang tao talaga puro kabaliwan ang alam."
I took my shoes off and removed my stockings. Mas komportable ako na nakapaa lang sa opisina. Kung pwede nga lang maghubad ay ginawa ko na. "Ito lang badtrip dito eh, kailangang nakapang-opisina ka. Nakakatuyo ng matres kaya ang magmukhang kagalang-galang araw-araw." I sat down in front of my table and powered my Mac on.
"Oh my, may e-mail si Zac!" I exclaimed excitedly grinning like silly. "Isa pa itong nagpapauso eh, di na lang ako puntahan dito sa opisina ko para masilayan ko ulit ang biceps nya." I laughed as I read his email.
Lia,
I attached photos of my uncle's ranch in Quezon. I hope you'll find the pictures appealing enough. I promise you we'll have fun.
Waiting,
Zac
"Waiting? Waiting for what naman kaya." I sniggered as I opened the attachments. "Wow. Kaya pala yaya nang yaya ito na magpunta kami sa ranch ng Tito nya dahil meron naman palang maipagmalaki." I whispered to myself as I looked at the pictures. "Ang bongga! I-send ko nga to kay Alexa!" I said as I forwarded the email and dialed my sister's local number.
"Nag-email ako sayo!" Bungad ko sa kanya.
"Teka, let me check, Ate at wala ako sa harap ng computer ko."
"Aba, himala? Hindi ka nakaharap sa computer mo? Iisa lang ang ibig sabihin nyan, nakapatong ang asawa mo sayo."
"Ang halay mo, Ate! Excuse me, pero ako ang nakapatong sa kanya."
"Malantod ka!" We burst out laughing. "Sorry naman sa istorbo, sige tawag na lang ako mamaya."
"Joke lang yun, ikaw talaga."
"Joke daw. Ang sabihin mo tapos na kayo kaya pwede ka nang magtrabaho ulit." I teased and she laughed again. "Nakita mo na yung e-mail? Yan daw ang ranch ng Tito ni Zac and he invited me to spend the weekend with him!"
"Spend the weekend? Ang bilis naman nya. At hindi mo pa nakukwento sa akin kung ano ba talaga ang real score sa inyo ni Zac?"
"Real score? Hindi pa sya nakaka-score sa akin." I burst out laughing. "Ano ba, Alexa naglalandian lang kami!"
"Halata ngang nilalandi nyo ang isa't isa. Nanliligaw ba sya sayo?"
"Hindi ka ba kinilabutan dyan sa tanong mo? Anong nanliligaw? Ano ako, si Maria Clara at sya naman si Basilio?"
"Loko ka, Ate ang partner ni Maria Clara ay si Crisostomo Ibarra!" Alexa laughingly corrected.
"Mas gusto ko si Basilio tutal landian lang naman!"
"Ayaw mong ikaw si Sisa?"
"Incest? Sabi ko na nga ba eh, kinky ka." We roared in laughter.
"Pero, Ate seryosong usapan." Alexa said as soon as she caught her breath. "Pag-isipan mo nang maraming beses yung offer ni Zac. Alam ko naman na wala kang pakialam sa opinion ng iba pero syempre mahirap pa rin yung ang kalandian mo ay ka-opisina mo. Magkikita kayo araw-araw nyan. What if it's going to end badly?" Mind-reader ba to si Alexa? I asked myself.
BINABASA MO ANG
Bedroom Negotiations Classic (Published)
Roman d'amourSome battles are better fought in bed. Lia Carbonel's story.