Dustin started bringing his things to my condominium without being too obvious about it. Magaling talaga ang loko.
Noong una, akala ko ay naiiwan n'ya lang ang mga gamit n'ya. Hindi ko naman kasi masyadong napapansin dahil minsan t-shirt, boxers, panyo, sapatos o kaya ay pantalon lang. Parang paisa-isa.
Hanggang sa nag-ayos ako ng walk-in closet ko at na-realize kong ang dami na n'ya palang damit sa bahay ko.
"Aba, akala ko ba makikitulog lang 'yun, bakit parang nandito na buong bahay n'ya?" I murmured to myself as I started rearranging his things.
Hindi ako marunong magtupi ng mga damit. Oh, well, marunong sa paraang gusto ko. Pero, nakita ko kung paano ayusin ni Alexa ang mga damit ng pamilya n'ya at napaisip ako kung kasama ba sa curriculum ng Harvard ang pag-aaral tungkol sa pagtutupi ng damit. Ang ayos-ayos kasi, parang nasa department store ka kapag pumasok ka sa walk-in closet nilang mag-asawa. Samantalang 'yung sa akin ay parang nasa ukay-ukayan ka lang sa Baguio.
I pulled my underwear drawer open and arched my brow when I saw some of Dustin's boxer shorts neatly folded beside my t-backs.
At talagang may boxer shorts pa s'ya rito sa lagayan ko ng undies. Ano bang balak n'ya? I-invade itong bahay ko?
Hindi ko alam kung para saan ba 'yung mga damit n'ya, kasi kapag nasa bahay naman kami ay hindi kami nagdadamit at halos hindi kami umaalis ng kama. Mahilig kasi si Dustin, ako rin mahilig. Kaya 'ayun, napagbibigyan namin ang hilig ng isa't isa.
He agreed to using rubber but it felt weird that we both agreed not to use it again. Ang sabi n'ya ay magri-rhythm method na lang daw kami pero araw-araw na lang nasa rhythm kaming pareho kaya tuloy nawawala na 'yung method.
"Paano kung mabuntis ako?" I had asked him.
"Ayaw mo n'un, Babe, may baby na tayo?" he had replied with a smile.
The idea of bearing a child terrified me. Maliban d'un sa lolobo ka at tataba ang mga paa mo ay feeling ko ang laswa kong tingnan kung ang laki na nga ng tiyan ko ay mag-pe-pekpek shorts pa ako.
For sure hindi bagay. Baka magmukha akong balyenang ewan.
But Alexa looks very cute pregnant. 'Yung kapatid ko kasi ay hiyang na hiyang sa pagbubuntis n'ya.
Jusko, Lia umayos ka! 'yung kapatid mo bet na bet umire pero ikaw 'di mo 'yun kaya! Dapat talagang bumista na ako sa ob-gyne ko para d'un sa contraceptives na 'yun!
I bled for two days. Parang patak-patak lang at mukhang bitin and my mind refused to believe that it wasn't my period. Pakiramdam ko ay madadaan sa self-confidence ang menstruation ko.
At least nagkaroon ako, so malamang ay hindi ako buntis.
I heard my mobile phone ringing and I walked out of the closet and into my bedroom to answer the call.
"Hello, Alexa!" I greeted over the phone.
"Ate!"
"O, bakit?"
"Do you want to go shopping with me and Lee Ann?" she asked and I suddenly felt worried.
Si Alexa, ulirang nanay at asawa 'yan at wala na s'yang nais gawin kundi alagaan ang pamilya n'ya. Kaya nakakapagtaka kapag bigla na lang s'yang nagyayayang lumabas.
"Is something wrong, Alexa? Nag-away ba kayo ni Alex?" I queried as I sat down. "Anong ginawa n'ya sa'yo? Nambababae ba ang asawa mo?" I added and heard her laugh.
BINABASA MO ANG
Bedroom Negotiations Classic (Published)
RomansSome battles are better fought in bed. Lia Carbonel's story.