ilovesiomaihouse: I posted this story a while ago in candymag.com but I decided to be a member of this website so here I am sharing my story with you. You can follow this story on twitter : @thelastonestory to see pictures of the characters and quotes from the story itself!
The Last One
How do you love when you can't find your heart
Prologue
My family is my weakness. He is my strength but destiny keeps us moving away from each other.
I'm not perfect. I never was. So how come its okay because she's here with me? But why can't they just leave us alone?
I'll give up. But one smile and I'm on her side again. This is crazy.
When you love somebody, it hurts like hell. But you still love them anyways.
Mahal kita. Yun lang ang kailangan kong dahilan para gawin lahat ng mga ito.
Arc 1:
The Revolution of Hearts
Marielle’s POV
Paano yun mahal ko na siya?
Bakit kaya ganun, nung una ang baba baba ng tingin ko sakanya. Parang wala lang, isa lang siyang varsity player na mahilig magparty at sumama sa mga gulo. Pumapasok lang para sa baon at para ipakita sa campus ang pagiging astig niya. Siya yung typical jock na walang pakialam kahit bumagsak siya, minsan nga naisip ko na wala atang balak grumaduate tong sira ulo na ito.
Noon, ganun ang tingin ko talaga sakanya.
Hindi ko gaano binigyang pansin yung existence niya kasi hindi naman kami friends at hindi rin kami magka-year level. Senior siya at junior naman ako. Isa pa, masasabi mong ako yung complete opposite niya.
Siya galing sa well-known and rich family, sikat sa school, maporma, mukhang mayabang at maraming kaibigan na nakapaligid parati sakanya.
Ako naman anak sa labas ng isang business tycoon, tahimik, few close friends at parating nasa library.
Nakakahiya mang sabihin, naging judgmental ako sakanya. Akala ko mababaw lang siyang tao na walang iniisip kundi puro good time. Isang rich spoiled brat na napakaselfish, walang galang at walang modo kahit na nag-aaral sa isang exclusive school. To think about it, wala akong karapatan para i-judge siya dahil hindi ko naman talaga siya kilala noon.
Pero kahit ganun, naiisip ko pa din na parang mas okay na yung dati. Na wala lang siya sa buhay ko. Na dinadaan-daanan ko lang siya nun sa hallway na hindi man lang tumitingin sakanya. Na iniirapan ko lang noon yung mga kalokohan ng barkada niya. Kasi dati, nung hindi ko pa alam na mabait siya, na sobrang buti niyang kuya sa little sister niya, na sobrang lambing niya pala sa grandparents niya.... na mahilig pala siyang magluto at magbake... na loyal friend siya sa bestfriend niyang depressed...
At higit sa lahat sana hindi ko na lang nalaman na sobra pala siyang magmahal.
Kaya minsan hindi ko maiwasan na hilingin na hindi na lang kami naging close. Kasi kahit nadiscover ko ang inner layers niya, na isa pa la siyang mabuting tao compared dun sa hambog na inaakala ko...
Durog naman ang puso ko. Para ng pulboron sa kakapanggap ko na hindi ko siya mahal.
Eric’s POV
"Ui. Si Marielle yun di ba, ano iboboto mo bang Vice President ng Student Council yan pare? Tignan mo oh, junior pa lang men... sexy na!Hoo!"
"Ano namang pakialam ko sa junior na yan?" Sino ba tong loko na ito? Classmate ko ata... feeling close naman. Yaan mo na, last year of highschool so pagbigyan.
Isa pa, I don't really give a damn about that student council. Mga bunch of stuck ups lang yang mga yan na feeling nila sila na ang mga pinakamagaling sa school.
Naglakad lakad muna ako sa corridor dun sa east wing kung saan nakalagay yung mga bulletin boards ng iba't ibang clubs. Kakaliwa na sana ako sa isang corner papunta sa CR ng may nakabangga sa kin.
Ayos yun ah. Tinignan lang ako nung bubwit at tinaasan ng kilay saka sabay yuko sa lapag para pulutin yung mga papel na nahulog niya. Hindi naman ako ganun kabastos at hahayaan ko lang siya na magmukhang baliw diyan sa lapag so tinulungan ko na din.
Tinignan ko yung isang papel na pinulot ko. Flyer para sa campaign ng student council election. May picture ng babae saka mga achievements sa ibaba nung picture niya.
"Akin yan!"
Okay fine. Saknaya na. Hinablot na niya. Hindi na nag-thank you ang sama pa ng tingin.
Teka. Siya yung nasa picture ah.
"Oh bakit mo tatapon yan?" Pinigilan ko siyang itapon yung mga flyers sa basurahan by taking hold of her ponytail and pulling her away from the trash can by her hair.
"Aray. Bitaw nga!"
Ayos tong babaeng ito ah. Heh, junior lang pala ito eh, kulay yellow pa lang yung ID strap compared sa red ID straps ng seniors, blue sa sophomores at green naman sa freshmen. Ayun, hinampas hanmpas ako ng mga flyers na hawak niya.
"Pano pag ayoko?" Ayun hinila hila ko pa yung buhok niya, pero hindi ko naman sina bunutan eh. Pang-asar lang. "Ikaw, tatakbo kang Vice Pres di ba? Eh pano ka iboboto ng mga tao kung hindi ka man lang nila kilala? So hindi mo dapat to tinatapon tong mga flyers na to hah, Junior."
Tumalikod lang ako at pumunta dun sa bulletin reserved for announcements at dinikit yung mga flyers. Wala akong pakialam kahit na matakpan ko yung mga ibang candidates. Kahit na yung poster pa ni Jeric Cyrus Abellarno yung natakpan ko, yung pinakamayamang at masungit na estudyante dito sa school. Tsk. Kapal ng apog nun eh.
"Huwag diyan! Huwag sa mukha niya...!"
"Heh. Bakit crush mo to?" Hawak hawak niya ng mahigpit yung kamay ko. Liit ng kamay ah.
Tapos may dumaang mga freshmen na babae tapos biglang nagbulungan nung nakita kami. Binitawan niya yung kamay ko tapos tumalikod.
"Hindi. Mahal ko siya."
Ui. Natigilan ako dun ah. Pwedeng pangblackmail. Biro lang. Di ako ganun.
Tapos ayun umalis na siya.
Mahal?
Tumingin ako ulit dun sa bulletin board at dun ko lang napansin yung poster nung junior na mas malaki pa sa bulletin board namin. Pero hindi naman yung size ang nakapagpatingin sa kin dun. Kasi, nakasulat sa mukha mismo nung Junior na yun ang salitang....
"DAUGHTER OF A SLUT"
BINABASA MO ANG
The Last One
Teen FictionMarielle Abellarno has a difficult life what with being an illegitimate child to an illustrious family. She struggles with her barely there father, abusive stepmother, and an irritable brother. Then she meets the captainball of the basketball varsit...