Chapter 3

20 0 0
                                    

Chapter 3

"Pagod na kong ipagsiksikan ang sarili ko sa mundo mo"

 

Jeric’s POV

"Paano ka niya magugustuhan kung wala kang alam ibang gawin kung hindi paiyakin siya? Parati kang nakasimangot pag nagkakasalubong kayo. Galit ka kapag kinakausap mo siya. So ano pa bang ie-expect mo kung hindi matakot siya sa iyo di ba? Para ka kayang dragon kulang na lang bumuga ka ng apoy tuwing papagalitan mo siya." 

Paulit-ulit kong naririnig yung sinermon sa akin ni Mao, yung alumni ng school namin. Siya yung former student council President namin at ako naman yung Vice President niya. Kaya ayun, nabuko ako. Malakas kasing makaamoy yan ng mga lihim na pag-ibig. Kaya ayun, nung mga bandang March na, inisip ko graduate na si Mao so inamin ko na lahat. Naintindihan naman niya ko. Sabi niya walang pinipiling lugar at panahon kapag tinamaan ka. Lalong-lalo na walang sinasanto ang puso kapag na-inlove ka talaga. So eto, pauwi na kami ni Marielle galing sa school. Nakakunot nanaman ang noo ko sa kakaisip kung ano ba dapat kong gawin.

 

"Kuya... pwede pakibagalan sa pagdrive. Umuulan pa naman."

 

 

"Hn." Binagalan ko. Hindi ko siya tinitignan kasi kapag ginawa ko iyon baka mapikon nanaman ako.

 

 

Bakit kasi parati silang magkasama nung Eric na iyon? 

 

"Bagay dun sa Madrigal na yun yung baller na binigay mo sa kin. Parehas silang basura." Tinignan ko siya sandali pero sapat na yun para makita kong nasaktan ko nanaman siya.

 

 Why do I keep doing this? 

Sabi nila mas madaling saktan yung taong mahal mo kaysa sa taong wala lang sa iyo.

Sana hindi na lang siya ang minahal ko para hindi niya ngayon nilugay yung buhok niya para itago yung mukha niya. Kasi ayaw niyang ipakitang umiiyak siya.

Gusto kong magsabi ng "I'm so sorry" o di kaya nga, "Tanga ako, hindi talaga yun ang gusto kong sabihin sa iyo." pero parang nanigas yung dila ko.

Marami akong dapat i-explain sakanya. Katulad ng ampon lang ako at mas may karapatan siya sa pagdadala ng pangalang Abellarno kaysa sa akin. Na kaya ako ganito dahil galit ako sa sarili ko kasi wala akong ibang alam kung hindi tratuhin siya ng masama dahil kapag pinabayaan kong maging mabait sakanya eh baka hindi ko kayaning pigilan na yung nararamdaman ko.

"Kapag ikaw naunahan, siguraduhin mong hindi mo na aaminin sakanya dahil siguradong masasaktan lang siya kasi yung puso niyang hinihingi mo eh naibigay na niya sa iba. Lakas ng guilt trip nun pare."

 

Paulit-ulit kong naiisip yung mga sinabi ni Mao.

Mukhang kailangan ko ng umamin. Kasi nasasaktan ako ng sobra-sobra tuwing nakikita ko sila ni Madrigal na magkasama. Alam mo ba yung pakiramdam na kapag nakikita ko sila eh parang bumabaliktad tiyan ko dahil sa tingin pa lang... ramdam na ramdam ko na na mayroon silang "something". Kumbaga hindi magtatagal magiging sila na kung magpapaka-tanga pa ako.

"Marielle..." Pinara ko yung sasakyan sa may gilid. "...yung nangyari dun sa party. Ah...sa may parking lot." Nagkamot ako ng ulo. Lintek. Ngayon pa ko nawalan ng tapang. "Kasi..." Tinitigan ko siya habang nagpupunas siya ng mukha.

The Last OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon