Chapter 6
"Wala naman tayong ginagawa kung hindi saktan ang isa't-isa."
ERIC’S POV
"Eh bakit kasi kayo nag-away?" Sabay batok ko dito kay Kevin-tot.
Loko-loko kasi, inaway-away yung girlfriend tapos ngayon ngangawa-ngawa na hindi daw siya pinapansin. Naku naman oh, pagdating talaga sa babae parang mga baliw kaming mga lalaki kapag tinamaan. Timang na kung timang. Ang loko.
"Pare, just give her flowers and a huge teddy bear and say you're sorry. Panigurado iiyak pa yun sa tuwa." Hehe. Iba na talaga kapag may lola kang mahilig manuod ng chic flicks. Marami kang matututunan.
"Tol naman! hindi naman ganun kababaw pinag-awayan namin! Isa pa hindi mahilig si petchay dun." Umiling-iling pa ang mokong. Haha, ayus din yung pet name nitong si Kevin kay Faith. Faitchay daw. Petchay. Haha, ayun tuloy umuusok ang ilong nung girlfriend niya pag naririnig yung malagulay niyang nickname.
"Eh bahala ka, magtiis ka sa silent treatment ni Faith. Ikaw din..." Hehe, guil trip ba? Eh kasi nasisira itong practice namin sa kakabusangot nitong si Kevin.
"UGH!"
Oh, sinong mukhang-baliw ngayon?
"Kaya mo yan tol!" Hampas ko sa likod niya pagkatapos kong buhulin yung shoelace ko at tumayo sa bench para makapag warm up na.
Ganun ba talaga kalaki ang epekto ng pagmamahal sa buhay ng lalaki? Parang baliw na kung kumilod. Eh parang makakalbo na itong si Kevin-tot sa kakagulo niya sa buhok niya dahil sa sobrang frustrated niya sa sitwasyon nila ni Faith.
Para kasi silang si Gu Jun Pyo at Geum Jan Di. SHET! Pati yun alam ko? Si mamita kasi eh, ang hilig ako hilahin kapag manunuod ng mga dvd's niya. Pero okay lang din, bonding time with lola. Anyway, I'm really impressed with how strong Kevin has become. He's a son of a well known businessman like all the other kids in this school but his dad is really strict to the point of planning out all his life for him. Imagine a sixteen year old boy with a fiancé at this time of age. Arranged marriage? Wow!
Koreanovela?
Kaya eto pianglalaban ang kanilang dakilang pagmamahalan.
Minsan naiingit din ako.
Ang sarap siguro na may tao kang ipinaglalaban kasi alam mong she's worth it.
"Captain, sorry late nanaman ako ah." Sabi ni Clark habang nilapag niya yung gym bag niya sa may bench.
"Pansin ko nga. Pasalamat ka wala si coach ngayon kung hindi squatras katapat mo. Saan ka nanaman ba galing ah?" Kumunot yung noo ko nung naisip ko na naging close na talaga sila ni junior. Tinuloy ko lang yung pag-ikot sa gym habang sinabayan naman ako sa jogging nitong si Clarkito. "Woi hinay lang sa takbo, magwarm up ka muna."
"Woi Clark, late ka nanaman ah. Nagdate nanaman ba kayo ni Soriano ah? Ay mali, Abellarno na nga pala yung junior girl na yun." Sinabayan kami sa pag-ikot ng gym nitong si Kevin.
"Hoy lover boy bago ka makealam ng lovelife ng may lovelife eh ayusin mo muna yang gulo ninyo ng kangkong mo." Binilisan ni Clark yung takbo niya at nauna na sa amin.
"So inamin mo din na type mo yung utol ni Jeric! Pano mo popormahan yun eh tuwing magkikita kayo nung kuya niya eh tumutugtog yung theme song ng Mortal Combat. Daig pa World War III. Saka petchay hindi kangkong ul0l!" Binilisan din ni Kevin yung takbo niya habang napatigil lang ako sa gilid ng court tapos si Clark tumingin lang ng masama kay Kevin at umalis sa sidelines patungo dun sa may lalagyanan ng mga bola. Nagsiumula na siyang magshoot ng mga three pointers. Puro sablay. Ano kayang problema nun?
Nakatayo lang ako dun sa side at hindi alam ang gagawin.
Napatingin ako sa taas. Lord? Ano ito teleserye? Pag-aagawan ba naming magbestfriend tong si junior?
Ginulo ko yung buhok ko at napaupo na lang sa sahig. Pinanood ko lang si Clark na pagdiskitahan yung mga bola. Sabay na kaming lunaki nitong si Clark at parati kaming magkasama. Alam ko lahat tungkol sa buhay niya at ganun din naman siya sa akin. Tinignan ko yung baller na suot ko at hinubad, tinitigan yung nakasulat dun sa inside part ng baller.
Happiness.
Lahat yata ng tao gusto nun. Pero gaano mo ba kamahal ang isang tao para magpaubaya ka para lang sa kaligayahan niya?
I stood up and decided to take a walk around campus. It was still too early for students to arrive so I didn't worry about nayone catching me in this weird state.
And then there she was.
Sitting on a bench.
I smiled kasi parang ang cliche talaga.
Umupo ako sa tabi niya without saying anything. Tapos isinuot ko ulit yung baller sa kamay ko thinking that I shouldn't give up.
Paano ko ipamimigay sa iba ang happiness ko ng walang laban, ng basta-basta lang? Ginawa ko na yun dati... akala ko tama yun. Hindi pala.
Kasi bakit mo bibitawan kung hindi mo pa nga nahahawakan?
Don't back out without a fight.
Mas gag0 ako kung hahayaan ko lang na ganito. Parang sinabi ko na din na wala lang itong nararamdaman ko. Parang pinagsigawan ko sa mundo na hindi ako lalaban ng patas sa best friend ko. Eh ano ngayon kung nagustuhan namin isang babae lang? Bestfriend ko pa din siya. Selfish na kung selfish. Ayoko ng maging martir. Isa pa, okay na ito para sure na ko na kung lalaban talaga si Clark eh di ibig sabihin hindi na siya suicidal dun sa ex niya.
"Mukha kang constipated." She said to me with a smile.
"Ganun? Haha, eh di ba si Clark yun kapag nagko-concentrate sa Trigo problem?"Nagngitian kaming dalawa and lapsed into another silence.
"Do you like him?"
"Si Superman? Oo naman."
"What about me?" I took her hand and intertwined our fingers indicating what I really meant. Please, God. Please what? Ano bang gusto ko? I'm not really sure. I just really wish for her to like me.
Then a shadow fell on us and I looked behind me.
"Madrigal, para ka talagang linta."
Darn it. Kabute talaga itong si Jeric oh.
----------------------------------------------------------------------------
Jeric's school ID included here! It's on the right side of your screen :) You can also view the picture by following @thelastonestory on twitter
BINABASA MO ANG
The Last One
Teen FictionMarielle Abellarno has a difficult life what with being an illegitimate child to an illustrious family. She struggles with her barely there father, abusive stepmother, and an irritable brother. Then she meets the captainball of the basketball varsit...