Chapter 7
"Sa iyo na umiikot ang mundo ko. Nahihirapan akong huminga kapag wala ka. Pero para sa iyo, okay lang kahit maglaho ako.
-------------------------------------------------------------------------
Marielle's POV
"Huy Em. Para kang timang dyan." Sabi sa akin ng bestfriend ko habang binabalik niya yung mga libro sa bookshelf. Sumisilip-silip kasi ako kung san-san para masigurado na hindi ako nasundan ni Kuya Jeric. Isang linggo na kasi niya ko hindi tinatantanan sa kakabantay. Parang ewan na hindi mo maintindihan yang si kuya na para bang sinapian ng kung anong espirito.
"Em. Alam mo namang gusto ko lang ng peace and quiet kahit one hour lang. Lunch break naman eh, pwede bang hayaan mo muna ako magpakapraning kasi mamaya bigla na lang susulpot si kuya eh."
"Anong susulpot? Kanina pa ko nandito."
"Wah!" Napatalon ako at nauntog dun sa bookshelf na nasa harapan ko. Paglingon ko sa likod ko andun si Kuya Jeric, nakasilip sa pagitan ng mga books sa kabilng aisle. Tama nga si Eric, kabute talaga tong si Kuya.
"Magkapatid nga kayo." May pailing-iling pang nalalaman 'tong si Em."Pareho kayong weird."
Nilagay na niya yung huling book na hawak niya dun sa shelf at humarap dun kay Kuya.
"Hoy Jeric, alam mo bang para kang kabute katulad dun sa video game na Super Mario. Bigla na lang sumusulpot." Inis na sinabi ni Em kay Kuya.
Ah so hindi lang pala kami ni Eric yung nakapansin. Tumalikod na tong si Em at umalis para pumunta dun sa Tutoring Center kasi mukhang hinihintay na siya ni Clark.
Pagkaalis ng bestfriend ko naglakad ako papunta dun sa fiction section para maghanap ng babasahin. Sumunod naman 'tong si Kuya pero wala namang imik so okay lang din sa akin. Ang problema lang eh yung mga nadadaanan naming mga students na hinahabol kami ng tingin saka mga nagbubulungan. Si Kuya parang walang napapansin. Siguro sanay na siya kasi sikat naman siya talaga kaya parang normal lang sakanya yung pinagkakaguluhan ng tao.
Pero hindi ko talaga maiwasang maconscious. Meron pala kasing mga tao na bigla na lang nagbago ang pakikitungo sa akin dahil sa nalaman nilang Abellarno na ko ngayon. Yung iba akala mo matagal na kaming magkakailala, at meron ding iba akala mo magbest friends kami. Ang hirap kasi silang itaboy kasi bastos naman yun pero mas mahirap silang i-entertain as friends kasi alam mo na yung pakay nila. Hindi ikaw pero yung favor na makukuha nila sa pamilya mo.
Medyo nakakatawa din kasi yung mga nang-aaway sa akin noon eh halos hindi na makalapit sa akin. Una, dahil sa Abellarno na ko ngayon ayaw nilang matanggalan ng trabaho ang parents nila dahil karamihan ng mga students dito eh affiliated of employed sa Empire ng Abellarno group of companies. Pangalawa, hindi na ko nilulubayannitong si Kuya kaya takot lang nilang i-bully ang kapatid ng President ng Student Council.
Kinuha ko yung Medalon by Jennifer Fallon at umupo agad dun sa unang table na nakita ko. Umupo sa tapat ko si Kuya at wala na kong nagawa kung hindi magbuntong hininga at hayaan siya.
"Hindi mo naman ako kailangan bantayan parati." Bulong ko sakanya without even sparing a galnce at him, deciding that it would be too much of an effort to keep my composure if I saw his face. Maiinis lang ako. Kulit kasi. Ayaw ako lubayan, daig pa yung bodyguards ng family kung makapagsupervise.
"Iiwanan kita tapos ano? Didikit nanaman yung linta na yun? No way. Dito lang ako." He whispered back at me considering we were inside the library. Rinig na rinig mo sa boses niya na nag-eenjoy siyang asarin ako. Oo na sige na, kinikilig ako kay Eric pero grabe naman tong si Kuya mag-react eh hindi pa nga nanliligaw yung tao.
"Hi Junior."
Speak of the devil and he shall appear. Hindi ko pa rin inaalis yung tingin ko dun sa librong binabasa ko pero alam kong umupo sa table namin ni kuya etong si Eric. Magkatabi sila ni kuya sa tapat ko lang. Sinilip ko sila ng unti kasi mamaya nagsaksakan na pala sila eh wala man lang malay.
LOL. Ang cute!!! Para silang bata! Nagme-make face sila sa isa't-isa, nagsesenyasan na parang ewan. Si kuya halatang halata ang inis dahil sa naka-ayos na yung kamay niya para pitikin sa mukha si Eric. Eto naman si Eric, ang bilis, naunahang pitikin sa tenga si kuya. Ayan tuloy, kinurot ni kuya sa pisngi si Eric.
"Ehem." Napatingin sila sa kin habang tinitigan ko ulit yung libro ko. Sinusubukan ko talaga huwag ngumiti. "Alam ninyo bang bagay kayo? Ang sweet ninyo eh." Pagtingin ko sakanila, yung expression nila parang nandidiri na hindi makapaniwala sa sinabi ko.
"Pinasinghot mo ba ng rugby 'tong kapatid mo ha kabute?"
"Hindi noh. Pero mukhang uminom ata ng gawgaw kaninang umaga. Hindi ko lang sure."
"That's not good. Buti pa tayo good boys, 'di tulad ng iba dyan."
"Tama, tama." Aba! Ano 'to friends na sila? Pinagtutulungan ako! This is a conspiracy! Two against one. Tinignan ko sila ng masama at ngumiti lang sila sa akin ng akala mo mga anghel.
Layo.
Pero nakakatuwa sila tignan ng ganyan. Sana hindi na sila mag-away.
Hinayaan ko lang sila pagtripan ako, hanggang sa napunta na yung usapan nila sa mga subjects na kinukuha nila ngayon pati yung mga teachers na favorite nila, yung Universities na gusto nila pasukan at kung anong Team sa UAAP ang the best. Hindi ko maiwasang ngumiti talaga sa mga naririnig ko, okay naman pala na maging magkaibigan sila. Hindi na nga nila ako napapansin sa sarap ng usapan nila. Ako naman hindi ko na binabasa yung librong kinuha ko kasi hindi ko lang alam ah, pero napasali na din ako sa usapan nila.
"Pare koy." Napalingon kaming tatlo dun sa may left side at nakita namin si Clark na nakasimangot. Nagkaasaran nanaman siguro sila ni Em.
"Uy." Mukhang nagdadalawang isip si Eric kung ano gagawin niya. Alam ko naman kasi na magbestfriend sila ni Clark at etong si Clark naman eh hindi talaga makasundo si Kuya Jeric. "Ah sige, una na kami." Mahinang sabi ni Eric sa amin.
"Sige. Bye." Nginitian ko sila at napatingin ulit ako kay Kuya na nakakunot nanaman yung noo at nakatitig sa lamesa.
Sayang. Okay na sana sila.
"Kuya..." Napatingin siya sa kin ng walang expression yung mukha niya. Like nothing important happened. "... may next time pa naman." Bulong ko sakanya. I expected him to rool his eyes or stand up and leave me alone but all he did was nod his head and say that he knows that.
---------------------------------------------------------------------------
Please follow the story on twitter @thelastonestory :) HUUUGGS FOR EVERYONE! <3
BINABASA MO ANG
The Last One
Teen FictionMarielle Abellarno has a difficult life what with being an illegitimate child to an illustrious family. She struggles with her barely there father, abusive stepmother, and an irritable brother. Then she meets the captainball of the basketball varsit...