Chapter 5

37 0 0
                                    

Chapter 5

""I tried my best to stop myself from loving you. Kaya lang ang hirap magpanggap na hindi kita mahal."

Marielle’s POV

Nakatingin ako kay dad at sa lolo ko.

Ang lolo ko na iilang beses ko lang nakita sa buong buhay ko.

Sure, I see him from time to time but never this up close. He never once acknowledged my existence... until now, when he is staring at me with such scrutiny that I started thinking whether this confrontation is such a good idea.

Andito kami ngayon sa ancestral home ng mga Abellarno. Dito sa Laguna na parang ghost town ang paligid mo dahil wala talagang ingay na maririnig except sa occasional guards na na nagpapatrol.

Nakaupo ako ngayon sa isang wooden chair na nakaharap sa isang couch na kinauupuan ni Dad at ni Lolo na parehas na nakatingin sa akin. Walang imik. Dun sa gilid ng library, opo may library ang bahay na ito, andun nakaupo si Kuya Jeric at si mama. 

Napatingin ako kay Kuya at nginitian niya ako ng konti kaya medyo nagulat ako kasi hindi talaga ako sanay na mabait siya sa akin. 

“Totoo ba ang lahat ng sinabi ni Jeric?” Sabi ni lolo na may kasamang bagsak ng tungkod niya. 

“Opo.” Tumingin ako ulit kay Kuya at tumango lang siya sa akin. “Pero…” 

Marielle!” Pabulong na sigaw ni Kuya. Tumigil ako agad sa sasabihin ko, yung mga gusto ko talagang sabihin tulad ng  ayokong magkagulo ang pamilya dahil nanaman sa akin. Hindi ko naman masisisi si mama kung ganun ko talaga siya nasaktan dahil sa anak ako sa labas.

Nahihirapan nanaman ako huminga dahil pakiramdam ko wala nanaman akong ginawa kung hindi magdala ng problema sa pamilyang ito.

Tama ba talaga itong ginagawa ko?

I clutched my black satin dress and looked towards my older brother again. He was clad in formal attire too since this was a family meeting and you can never meet with grandfather with nothing but your best clothes on. It was just one of those traditions that I still couldn’t grasp considering how I thought that you should always be comfortable when you’re with your family instead of fidgeting because you’re wearing stuffy clothes.

“Sa tingin ko po…” Mahina kong sinabi pero lahat sila nakatingin sa akin. Lumunok ako at hingipitan ang hawak sa damit ko, my eyes firmly focused on the high polished wood flooring of the room. “Na mali yung ginawa ni mama. Pero… lahat ng bagay merong dahilan. Minsan hindi nating naiintindihan dahil iba ang pananaw natin pero di ba pag nasaktan ka ng sobra-sobra minsan gusto mo na lang sumabog tapos may mga bagay na nagagawa mo out of character because you just feel like it’s the best thing to do at that time. Si mama, alam kong nasaktan siya ng dahil sa akin…” 

“What do you suggest we do then iha?” Napatigil ako at napatingin kay Lolo.

Seryoso ba siya?

“Ahh…” Bigla namang tumayo itong si Kuya at tumabi sa upuan ko and gripped my shoulder preventing from saying anything else further. 

“Lo, I have a suggestion.” Nakangiti siya ng para bang may

pinaplano. 

And after he explained everything. That was when my life changed.

Forever.

Marie’s POV

Tatlong lingo na rin ang nakaraan simula nung nalaman ko na minamaltrato pala itong si Em sa bahay nil ang step-mom niya. Syempre galit nag alit ako at sumugod pa ko sa bahay nila the day that I learned about it, having received a call from the one and only captain of the basketball team. Nung una hindi pa ko naniniwala na si Eric Madrigal yung dumadaldal sa kabilang linya kasi marami na talagang sira ulo sa mundo pero nung biglang si Jeric Abellarno na yung sumisigaw sa tenga ko eh naniwala na ko kasi sabi niya didretso daw siya ng Laguna para ihiling sa pamilya nila na maging legal na Abellarno na si Em.

Syempre na-shock ako pero go na go ako sa ganung plano. Sasabihin ko pa lang sana na sasama ako sakanya eh ayun.. sinalubong ako ng malakas na click. Letse.  

Isang malaking kulangot talaga sa buhay ko yang kuya ni Em. Naku ang sarap tanggalin at ipahid sa pader para mabulok na siya dun permanently. 

Ayun, dahil hindi ko naman alam na umalis kaagad sina Jeric, syempre takbo ako agad sa bahay nila na wala namang inabutan kung hindi mga kasambahay lang. 

Tumigil kami sa paglalakad ni Em at umupo siya sa isang bench malapit sa campus bookstore. Nagbuntong hininga na lang ng may mga lower years na dumaan at nagbulungan nung makita siya nito. Paano nga naman siya matatahimik kung ibang apelyido na ang gamit niya?

Marielle Abellarno na siya ngayon. Yung Soriano kasi kay Manang Grace talaga yun. Pinagamit lang sakanya dahil nga ayaw siyang kilalanin bilang Abellarno talaga ng pamilya nila Jeric. Naku, mga mayayaman talaga.

“Em... ano gusto mo upakan ko na yung mga yun?” I gave those freshmen my deadliest glare and they hurried off to another spot on campus, away from us. 

“So! Ikaw pala ang salarin sa pagiging amazona nitong si junior ng pare koy!” Biglang may umakbay sa akin na lalaki na naka jacket ng varsity team. Hmm… si Clark Sanchez. Teka, alam ko kasama siya sa list ng students na nakalinya para sa mga nag-apply ng tutorial sa math ah? Alm ko yun kasi student-tutor ako dito sa amin. Alam mo na, extra income. 

Excuse me.” Tinulak ko siya palayo sa akin at natanggal ang pagkakaakbay niya. Umupo na lang siya sa tabi ni Em at ginulo ang buhok nito. Hmm, atleast napangiti niya besty ko. “Pero siya kaya yung nanghawa ng violent tendencies niya sa akin not the other way around.” 

“Ows? Talaga? Haha! Payag ka ba nun ha Elle?” Elle? ELLE? What the Hell? Bakit may pet name pa siya kay Em? FC? Feeling close siya? Tumaas tuloy kilay at presyon ko sakanya. 

“Clark, siya yung besty ko na sinasabi kop ala sa iyo na genius. Part siya ng tutorial program that is being offered here in our school so I hope makapasa ka sa evaluation para si Em na lang ang magturo sa iyo.” 

WHAAAAATTT? Ano ito?  

“WHAAAATT? Hindi ikaw ang magiging tutor ko? Pano na ako mabubuhay niyan? Don’t do this to me Elle!” 

Anong don’t do this, don’t do this to me ka pa dyan! Dapat ako magsabi nun! DON’T DO THIS TO ME DAMN IT! Ayoko ma-stuck sa isang utak bola!!! 

“Em! Kung ayaw ng poste na ito na turuan ko siya eh di huwag! Hayaan mong maging ka-batch natin siya next year dahil sa kaartehan niya. Tara na nga!” Hinila ko na si Em palayo dahil hindi ko alam kung bakit umiinit ang dugo ko sa poste na yun. Matangkad nga at ma-muscle pero puro hangin lang ang laman.  

“SANDALEEE!!!!! WOI!” Binilisan ko pa lakad ko. Sige lang humabol ka mokong. “Wui! Sandali sabi! Hui ang bilis mo tumakbo! Anak ka ba ni Lydia De Vega?” 

“Bakit pati ako nadamay sa karera ninyo?” Ay. Nahila ko pa pala si Em. Tumigil na kami sa pagtakbo at nakahabok na itong si Sanchez. 

“I’m sorry if I offended you. Please…” Maganda pala mata niya. Hmm… namumula din cheeks niya dahil siguro sa pagod. “Please… I really need help.” 

“Em… sige na. Mabait naman si Clark eh.”  

“Fine. But you have to follow me okay?” Ngumiti siya ng parang bata at nahirapan akong tignan siya ng diretso sa mata. Masyadong makislap. 

“Yes. I’ll follow you ‘till the end of the world.” 

Bat ganun?

Parang…..

May sakit ata ako…

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

At hindi ko macontrol ang pag-ngiti ko sakanya.

-------------------------------------------------------------------

Comments and votes are appreciated mga love! Follow the story on twitter @thelastonestory :) Thank you!

The Last OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon