Chapter 1

28 0 0
                                    

Chapter 1

"Hindi naman ako hangin na dinadaan-daanan mo lang...."

Marielle’s POV

Paano ka ba ngumiti kapag kasama mo ang pamilya mo?

Akin kasi, yung ngiti ko, pilit. 'Yung tipong kahit masakit na yung panga ko nakangiti pa rin. Para kunwari hindi ako nasasaktan.

Anak lang kasi ako sa labas. 'Yung mama ko patay na.

Sabi nila.

Kaya yung kinagisnan kong mother figure ay 'yung babaeng sinasabi nilang "biktima". Kumbaga sa teleserye, siya 'yung kinawawa ng nanay kong malandi.

Sabi nila. 

"Let's have a family picture!" Sabi ng Ate Julia ko. Siya yung panganay sa amin. Pupunta na siya bukas ng France to study Law. Matalino at maganda. Pride ng family yang ate ko. Bilib ako dyan, yan kasi ang idol ko. The best.

Birthday party din ngayon ni Kuya Jeric. Pinagsabay na lang yung despidida at birthday celebration nila ni Ate Julia.

Ngumiti lang ako habang umupo sila sa isang side ng mesa habang tumayo naman ako sa gilid katabi nila Manang Grace para hindi makaharang. 

Nung una pinanood ko pa silang magpictorial. Merong formal, at sangkatutak na whacky shots. Tawa sila ng tawa habang nakangiti lang ako dun sa gilid at pinapanood sila. Hindi naman nila ako pinapansin. Masyado lang siguro silang nag-eenjoy. Pinanood ko lang sila hanggang sa magkatinginan kami ng kuya ko. As usual, he glared at me and I just smiled at him. Hehe, nainis kaya inirapan ako. Pasalamat siya at kuya ko siya kung hindi tinarayan ko din siya. 

Naisip ko ang ganda nila tignan.

Hindi ako bagay.

Tapos tumayo si Daddy at tumingin kung nasaan ako.

Nagulat ako. Tapos ngumiti siya at sinabing, 

"Oh, bakit ka nakatayo diyan? Sama ka sa amin... 

....Manang Grace."

Pakiramdam ko tumalon talon yung puso ko tapos biglang nalaglag pagkatapos. Pero nakangiti pa rin. Sanay na ko. Kaya lang....

... ang sakit pa din. Kahit na dito ako lumaki at sila ang pamilya ko, kahit kailan siguro hindi pa rin nila matatanggap na magkaroon ng isang kapamilya na isang resulta ng pagkakamali. Pero kahit ganun hindi ko pa rin maiwasan na hilingin araw-araw na sana mahalin din nila ako. 

Tinignan ako ni Manang Grace na para bang may gusto siya sabihin. Nginitian ko na lang siya at pinapunta dun kina daddy para makasama sa picture. Yan talagang si Manang ang baet. Siya yung nagpalaki sa akin. Sobrang baet niyan. Hindi ko alam kung ano gagawin ko kung wala siya.

Umalis na ko nung sumama si Manang kasi alam ko magi-guilty pa yun pag nanuod pa ko kasi iisipin niya na dapat ako yung sinama at hindi siya. Hehe, akala ko nga ako yung tinawag ni Daddy eh. Pero ano pa ba ang i-eexpect ko di ba? Hindi nga niya binigay apelyido niya sa akin, tapos gusto niya kasama ako sa family picture nila?

Asa pa...

Isang kahibangan lang yun. 

"Marielle..."

Si Kuya Jeric.

Nahuli tuloy akong umiiyak.

Nakaupo ako sa may garden, dun sa swing. 

"Nililigawan ka ba ni Eric Madrigal?" Tanong niya sa akin. Di naman ako agad nakasagot.

Huh? Sino ba yun? 

The Last OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon