Chapter 4
"Pag sinabi ko bang mahal kita sasabihin mo bang mahal mo din ako?"
Eric’s POV
”Woi! Ano ulit? Ano??Ha?” Ang ingay ni Clark.
Tinanggal ko yung Calculus book na nakapatong sa mukha ko para kunwari natutulog ako pero sa totoo lang nakikinig ako sakanilang dalawa. Eh hindi ko na matiis.
Ayun si Clark inaasar si junior. I just shook my head and went back to my pretend sleep.
Ay naku ito talaga si Clark oh mahilig mang-trip. Na-gets na nga eh nangungulit pa. Ayan tuloy binato ng bagong tasang monggol pencil number two ni junior ang pare ko. Nako Clark… baka mabugbog ka ng di oras nitong si junior.
”Uy, naman ‘Ellewalang ganyanan!”
Wait.
Ano raw?
Napaupo ako sa pagkakahiga ko sa sofa, nasamid pa ata ako. Ehem.
ELLE?
Wow ah, closepala itong dalawa... hindi ko man lang alam.
Tsk.
Anubayan.
Bakit ganun?
Daming karibal ah.
“Paano pag tinamaan mo yung kayamanan ko eh di wala ng Clark the second! It’s a tragedy!” Sigaw pa nitong si Clark with matching indignant face.
Hehe, nice. Flying Trigo textbook. Sapul! Sakto sa mukha ni Clarkito. Buti nga sa iyo mokong ka.
Ayos pala itong si Marielle ah pwedeng-pwedeng makapartner pag naglaro sa Timezone ng basketball. I slid down the sofa and plopped on the floor right next to her.
Suot-suot niya yung Batman t-shirt ko na hindi na kasya sa akin kasi grade six pa ata ako nun nung binili yun ni Lola. Pero sakanya kasyang-kasya. Pati yung shorts ko pangbasketball nung nasa grade school varsity pa ko eh kasya din.
Pag lingon ko kay Clark aba ang ganda ng tingin. Loko to ah. Nang-aasar pa. Huy pare, crush lang ito! Crush lang!
Haha, siomai na masarap! In denial pa ba?
“Saan ka pa ba nahihirapan ah Clarkito? Dalian mo ng matapos na tayo dito para makauwi na itong si junior. Ten p.m. na oh, baka umiiyak na mama mo sa kakahanap sa iyo. Tapos baka yung papa mo tumawag na ng pulis, aba hindi magandang tignan na pareho kaming lalaki kasama mo.”
Pagtungo ko nakita ko silang nagtititigan. Mukhang galit si Clark.
Ano ba kasing meron?
Gustong-gusto ko ng malaman kung bakit sila magkasama pumunta dito eh sa pagkakaalam ko hindi naman talaga sila magkakilala ng pormal. Tapos darating sila, si Clark ang higpit ng hawak sa kamay ni Marielle?
Tapos Elle? ELLE? Ano yun?? Ha???
Nag-ring yung phone ko. I answered it with a sigh.
“Hello?”
“Asan siya?”
Huh? Ano problema nito at sinisigawan niya ako? Nilayo ko yung tenga ko at tinignan kung sino ba yung caller. Number lang yung nakalagay eh…
“Uh… hello?”
”Hello? Hello?”
”Hello, hello!?....... Hello?” Takte, mukhang tanga! Anu ba!! Tumawa si Clark tapos itong si Marielle nakangisi na din.
BINABASA MO ANG
The Last One
Teen FictionMarielle Abellarno has a difficult life what with being an illegitimate child to an illustrious family. She struggles with her barely there father, abusive stepmother, and an irritable brother. Then she meets the captainball of the basketball varsit...