Chapter 2

27 0 0
                                    

Chapter 2

"Ako ang nasa tabi mo pero sa iba ka naman nakatingin..."

Clark’s POV

Naglalakad ako papasok ng gym para sa afternoon practice namin. Iniisip ko pa kung paano ko sasabihn kay erpats na delikado ako sa Trigo. Pasang awa lang ako nung first quarter at ngayong malapit na kaming magsecond quarter exams eh kinakabahan ako. Ayoko namang magpaturo kay Eric kasi alam kong masyado ng stress tong pare ko. Ang laki kasi ng problem niya eh.

Isang napakalaking problema.

AKO.  

 

 

Naaawa na nga ako sa pare ko eh. Hindi naman niya ko responsibilidad pero hindi pa rin ako pinapabayaan. Kaya mahal na mahal ko yan eh. Yan ang best friend ko. YUCK! Ang lagkit! Masyado atang sweet... Nyay.

 

Speaking of the demonyo. Hehe, maibulgar nga sakanya na nakita ko na kung sino yung girlfriend nitong si Kevin. Pumasok kasi ako sa Science Building at nakitang suot-suot nung girl yung varsity jacket ni Kevin. Kitang-kita in bold letters yung apelyido nung mokong pagtalikod nung babae.

 

 GOMEZ  

May tradition kasi dito sa school na kapag suot ng babae ang varsity jacket ng isang member ng team, ibig sabihin kayo na

"Oi pare ko! Alam mo ba na umamin na itong si Kevin sa wakas na sila na ni..." Aba tulala ang pare ko. Nilapag ko yung gym bag ko at kinawaykaway yung kamay ko saharap ng mukha niya. Aba... ang tibay! Ayaw man lang mag-blink.

 

 

Hehe, sige ka uututan kita.

 

Tinabihan ko siya at nagbuntung hininga. Tinignan ko siya pero nakapalumbaba pa rin. Yes, Ninoy my friend!!! Hehe, mapagdiskitahan nga.

"Pare ko..." YOWN! Dramatic moment. "... nababading ako sa iyo." Sabay kuha sa mukha niya. "Pakiss nga!" 

 

Mooch.

Mmm. Sarap!

 

"Ungas!" 

 

 

"Ikaw kasi eh hindi mo ko pinapansin, ayun na-hurt tuloy feelings ko!"

 

 

Haha... ganyan lang talaga ako mahilig pagtripan yang si Eric. Masyado kasing serious. Parating mahaba ang mukha na para bang ang laki-laki ng problema. Madalang mo lang makitang nakangiti pwera na lang kung kasama niya Lolo at utol niya. Pero kahit ganun tahimik yan parati. Marami nga talagang nagtataka kung paano kami naging magbestfriend. Ako din dati nagtataka. Pero ngayon sigurado na ko kung bakit. 

Kasi type niya ko!   

 

"Okay serious na ko pare. Ano problema mo at mas tahimik ka pa sa usual mo." 

"Wala." 

Ay sus. Sino ba yung depress at nagpapacounsel sa amin. Di ba ako? Eh bakit mas emo pa siya kaysa sa akin?

 

"Pare ko... kahit ganito ako. Sana huwag mo kalimutan na kahit ano pa man yan kahit anong mangyari tutulungan pa din kita." Hindi ko siya tinignan habang sinasabi ko yun. Ang corny at parang hindi bagay pero seryoso talaga ako kasi gusto ko din naman magkaroon ng silbi sa pare ko.

The Last OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon