Operation number 3: Meet the other agents

9 1 0
                                    

Operation number 3: Meet the other agents

Ino's POV

"Hay.... nakauwi rin sa wakas! Nakakapagod yung mga nangyari ngayon ha.." Ang sabi ko habang tinatanggal ko yung high heels ko. Pagkatapos ay tumuloy na ako sa aking apartment na binili ko lang last year.

Ok naman siya. Studio type na apartment ang nabili ko noong... hmm, di ko na maalala basta yun. At alam niyo ba, kasya ang tatlong tao rito.

"Mr. Sinister...!" saan nanaman yung pusa ko?

"Sinister?!!" hinanap ko siya sa kusina. Baka kasi nandun siya.

Hmmm.. wala..

Sa banyo kaya?

Hmm..... wala rin..

Saan kaya siya—Ayun!

Nakita ko siyang natutulog sa bed ko. Hehe. Ang cute niyang matulog. Kinamot ko yung ulo niya. Pagkatapos pinisil-pisil ko yung maliliit na paws niya. Ang soft niya talaga! ;3

Noong kuting palang kasi siya, nakita ko siya sa isang kahon na malapit sa 7/11.Pinagtatapunan na nga yung box na pinaglagyan sa kanya. Walang awa yung nag-abanduna sa kanya. Pati yung mga taong nagtatapon doon sa box. Malabo na ba yung mga mata nila para hindi makita yung pusang nasa kahon?

Bakit ba kasi nang-aabanduna sila ng mga kuting? Eh kung yung mga anak kaya nila ang ilagay sa box at tapunan ng kung ano-anong mga basura?! Grr..

Buti na lang, kumakain ako ng sandamakmak na kalabasa at matalas yung mga mata ko.

Nagustuhan ko na agad siya kaya naman inampon ko na. Paano ba naman kasi, yung kanang bahagi ng mata niya, may color black na circle kaya tuloy parang may mask siya. Kaya naman pinangalan ko siyang Mr. Sinister. Hindi naman kasi ibig sabihin na tinawag ko siyang sinister ay evil na agad siya. Ang bait-bait nga niyang kuting. Alam niyo yung hihintayin niya talaga bago mo siya pakainin? Hindi siya mangungulit kung nagugutom siya. Basta hihintayin ka niyang pakainin, paliguan at patulugin siya. Parang baby! Minsan, mawawala siya, minsan lalabas siya kapag hinahanap mo. Parang phantom lang ang dating niya para sa akin.. Hehe.

"Meoow!"

Nagising na pala siya. (^__^)

"Sinister, alam mo ba, lilipat tayo bukas sa bago nating bahay! Maganda doon! Excited na ako! (^_^)"

"Meeowww!" ang sabi niya sabay upo.

"Hmm.. alam mo rin ba. Magiging girlfriend rin ako ng isang masungit na lalaki. Parang zombie yung itsura niya. Ang pangit niya! Parang ganito oh.. *insert ewan-wierd face*. Tapos ang sungit niya! Paano ba naman kasi, natyempong nabato ko yung lolo niyang manyak kanina.. Akalain mo yun nakabulls eye ako ngayon! (^_^) Binato ko siya kasi nga manyak... Tapos, ayun nadala sa hospital. Tapos.. Uy! Huwag ka pang matulog.. Natutulog ka na eh.. Makinig ka muna sa story ko!!"

"Meeoww!"

"Oh sabi ko nga.. tapos saan na nga ba ako? Ah oo.. yun na nga, nasa ospital si lolong manyak tapos dumating yung apo! Eventually siya yung bf ko daw.. tapos sabi nung bf ko daw.. *ahem immitate malalim-awkward-guy-voice* 'This is just a crap.. a waste of time.' Then, dramatic walk out. Oh Di ba? Di talaga siya bagay sa isang magandang diyosang katulad ko! Maganda ako, siya sobrang snob. Mabait ako, siya sobrang sungit! Ramdam mo yun di ba?" ang sabi ko naman sa kanya habang binubuhat ko siya.

"Meeeooowww!"  Nakakatuwa talaga si Mr. Sinister. Alam niya ang mga pinagsasabi ko.

"Hahaha. I know right? Pero huwag kang mag-alala. One month lang ako. Ang gusto ko lang naman kasi yung condominium. Para naman kapag bumisita sina kuya, ate at si Mama, hindi tayo magsiksikan rito." Saka ako nahiga sa bed ko. Pinatong ko muna si Mr. Sinister sa stomach ko. Agad naman siyang umupo at nagtitigan kami saglit.

Mister and Miss AgentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon