Operation number 1: Meet Miss Dating Agent

24 1 0
                                    

Operation number 1: Meet Miss Dating Agent

Ino's POV

Hay buhay.. parang life! No sense! Super unfair! As in, alam niyo kasi, parang nung namili si kupido ng ikarerepresenta ng sarili niya, nadulingan pa yata at ako ang napili.

Bakit kasi ako pa?!

I am currently working at a dating agency. At oo, isa akong dating agent a.k.a isang match maker.

Di lang ako basta-basta empleyado, may special treatment ako sa company namin. Paano ba naman kasi, palaging kasalan ang uwi ng mga nimamatch ko. At dahil dun, sumikat ang company namin at dumami ang mga customers namin. Ewan ko ba. Wala naman akong criteria.. Ni gayuma nga di ko pa nasusubukan, basta sinusunod ko lang yung mga descriptions ng mga clients sa isang partner, hahanap lang ako then if available sila, boom! Sparks! Paputok na kwuitis! Uwi sa celebration ang kasal nila.

Invited nga ako bilang mga ninang nila eh.. full attendance ako tuwing picture taking. Problema ko nga tuwing araw ng kasal nila dahil lahat na nga yata ng appliance at kitchenwares naregalo ko na.. mula toothpick hanggang ref! Halos lahat ng themes sa kasal nadaluhan ko na. Ang last nga eh, underwater wedding with mini sharks swimming under the sea!

Ang peak season talaga namin ay tuwing December til February. At oo, isang truck na ng ampalaya ang nilamon ko sa mga buwan na iyan. Pero alam niyo yun? Sila hinahanapan mo ng partner, ikaw nga na match maker di mo mahanapan ng partner ang sarili mo? NBSB na ba talaga ako por-ever?

"MISS INO!!!"

"AY PETRANG KABAYO!!" Nakakagulat! Muntik na akong atakihin sa puso! Sino kasi etong...

"What do you think your doing?!" Sabi ng petrang kabayong boss ko. Di joke.. May itsura rin naman siya, kaso di ko lang talaga type. Yun lang yun.

"Ah, ako po?"

"Hindi, hindi... Sa tingin mo?"

"Sus, highblood nanaman kayo boss.. Oh, kape gusto niyo?" sabay abot ko sa kanya ng kapeng kanina ko pa tinitimpla ng halos 30 minutes. Paano ba naman kasi, di ko makuha yung saktong tamis ng kape. Kanya na lang ito kesa naman masayang.

"Tapos na ang break time, nandito ka parin sa cafeteria? Alam mo bang ang dami nating kliyente? It's December at peak season natin!"

"Opo.. alam ko po.. parang 1 minute lang na wala ako sa office ko, nag-aalburuto na kayo boss.. mamaya atakihin kayo.."

Ang totoo, masyadong seryoso sa buhay ang boss ko. Let me introduce him pala. His name is Justin Bieber.. Di joke.. Siya si Justin Mike Falter. aka Boss Jam. Ako nga lang ang tumatawag sa kanya ng ganun. Haha. May meaning kasi yun kaya Boss Jam ang tawag ko sa kanya. Ikwento ko sa inyo next time ha?

Anyhow.. Kasing edad ko lang din siya. We're both 24 years old pero sabi ko nga, napakaseryoso ng buhay niya. Iniisip niya na mas matanda siya sa akin.

"Ikaw na bata ka! Di ka lang 1 minute late!"

"Po?!" sabay tingin ko doon sa relo ng cafeteria.

"Eh boss, 9:01 palang oh.." ang sabi ko.

"Sira yang orasan natin sa cafeteria!"

"Weh, paano niyo alam?"

"Tinignan ko sa celphone. Eto oh.. anong nakalagay?" sabay pakita sa akin ni boss ng orasan sa celphone niya.

Mister and Miss AgentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon