Operation number 4.5: Kidnap Miss Dating Agent

18 1 0
                                    

Operation number 4.5: Kidnap Miss Dating Agent

Kier "Blade" Torres' POV

Mnnn.. ang sasarap talaga ng mga pagkain na inihahanda ng pamilya nina Jessica.

"BRRUUP! Hay! Salamat sa pagkain!" grabe, busog na busog na busog na talaga ako! (^__^)

"Kuya Kier, inagaw mo nanaman sa akin yung cake ko eh!" ang paghihimutok ni Yuna.

"Kuhanan na lang kita ulit." Ang kukulit talaga ng mga bata.

"Ayoko! Last na yung kinuha mo eh!"

"Edi order na lang tayo kina Jessica! Uy, Xyfier! Akin na lang yang pagkain mo!" hahablutin ko na sana yung pagkaing nakuha niya kaso iniwas naman niya.

"Ayoko nga! Doon ka! Don't touch my food!" Isa pa ito. Hindi man lang I-share yung pagkain. (=_=) Nakakatakaw tingin pa yung isinuot niya.

"Uy, ang sexy naman ng suot mo. Hahaha! Kung babae ka lang, pinatulan na kita."

"Well, sorry ka na lang.. lalaki rin ako. Mahilig lang talaga akong magbihis babae." Sus, totoo? Gusto lang magbihis babae? Bago yun sa kanya ah..

"Kuya Kier naman eh, yung food ko!!" Ang sabi sa akin ni Yuna habang hinahablot yung suit ko.

"Oo na! Halika na nga, eto na oh, kukuha na tayo ng pagkain."

Naglakad kami papunta sa buffet table. Nakahawak nanaman sa may braso ko si Yuna.

"Uy, alisin mo nga yang kamay mo sa braso ko!!" sabay wasiwas ko sa pagkakahawak niya rito.

"Ayoko nga! Baka tumakas ka eh!!"

"Ang pangit kasi eh! Baka aakalain nilang pumapatol ako sa mas bata sa akin!"

"Edi isipin nila ang gusto nilang isipin! Bakit? May gusto ka sa akin Kuya Kier? (^_^)" Brr.. tumaas lahat ng buhok ko sa katawan.

"Hoy, kay bata-bata mo na, natututo ka nang lumandi. Di pwede yun." Narinig ko na lang na tumawa si Chiro sa sinabi ko. (=.=)

Nung umabot na kami sa buffet table, nakita kong narefillan nanaman yung cake na gusto ni Yuna.

"Uy! Di ba yun yung cake!" Agad akong pumunta sa may buffet table at kumuha ng plato at kutsara saka ko sinalampak yung cake na gusto ni Yuna.

"Oh yan na! Wala na akong utang na cake sa iyo!"

Pero tinitigan lang niya ito.

"A-anong problema sa cake?"

"Ang pangit na kasi niya Kuya Kier! Di mo man lang inayos nung nilagay mo sa plato. Tignan mo oh, nasira na yung design na icing!!"

"A-anong gusto mong gawin ko?!"

"Ibang cake na lang! Yung magandang cake! (^__^)"

Hay! Ibang klase rin itong batang ito! Pare-parehas lang naman yan pagdating sa tiyan!

"Hay.. sige na nga.." nakaka-irita lang na nakahawak siya sa may braso ko. Ewan ko ba palagi na lang siyang humahawak sa akin. Kung hindi sa braso ko, sa balakang ko naman siya yumayakap. Nagmumukha tuloy may nakasabit na raccoon sa balakang ko.

"Hoy!" tawag ko doon sa nagseserve na waiter sa amin.

"Penge pa ngang ibang flavor ng cake!" iritang sabi ko. Paano ba naman, dumarating na ang karamihan na guests ni Jessica. Magiging busy na ang lahat. Pati yung nagseserve ng pagkain, busy na rin. Ayaw ko namang may nakahawak pa sa balakang ko.

Mister and Miss AgentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon