Operation number 4: Kidnap Miss Dating Agent

13 1 0
                                    

Operation number 4: Kidnap Miss Dating Agent

Ino's POV

♩ ♪ ♫ ♬ *If you wanna be my lover .....*

"Arrrghhh...." Sinong bwuishet ang tatawag sa akin ng ganitong oras?

Ano na bang oras?

10 pm?!

Wow ha... di ba natahimik ang kaluluwa niya sa ganitong oras? Napagod rin naman ako sa pagsesearch kung sinong hinalupak yung Kyle dela Cruz na iyon noh! Nagpaprint pa ako sa labas kasi saktong nagjam yung printer ko!

Tinignan ko kung sino yung caller. Unregistered number. Baka naman prank call nanaman itey? This pass days kasi rumarami ang nagpraprank call. Sinasabi na client namin churva eh hindi naman sila umaattend sa company namin para mameet ko sila in person. Grabe... at ako pa talaga ang inistorbo.

I-miss call ko na nga lang!

"Mnn... matulog na ulit." Sabi ko habang inuob ko yung mukha ko sa unan.

Maya maya pa..... ♩ ♪ ♫ ♬ *If you wanna be my lover ....*

Arrghh!

Sino ba ang pesteng nakapulburang nakahithit na caller na ito?! Bumangon at tinignan kung sino itong tumatawag.

Yun nanamang nagmiss call pranker!

Ayoko ngang sagutin ang isang ito. Kung gusto niya akong kontakin, magpakilala muna siya. Hmmp! Bahala siya.

Settings!

Silent mode! Hindi virbating mode! Silent!

Or.... heheheh

"Power off! Bahala ka diyan pranker! Kukunin ko na lang yung alarm clock ko na nasa desk. Yun na lang ang iseset ko. Bleh! Hindi mo na ako makukulit! Kala mo ha.." kinuha ko yung alrmclock ko at sinet manually sa 5 am. Inilagay ko rin ito sa may head board ng kama ko para naman madali siyang abutin bukas ng umaga sabay tapon. (^__^)

Maya-maya pa...

Mnn.. mabuti naman at di na tumtawag yung prank caller na iyon pero bakit parang nakakangawit naman ang position ko?

Nasan yung unan ko? Bakit tumigas yata na parang tinapay na pwedeng pangbato? Minulat ko yung mga mata ko.

Wala akong naaalalang sa kotse ako natulog ah.. Nananaginip ba ako? Wow.. 3D na rin pala ang mga panaginip ko. May mamang tsuper pang nagmamaneho oh.. hahaha!

Teka nga! Ba't parang... totoo ba ito! Nakatali ako? At-

"Mangit ma makinying mape mang mungaga mo?! (translation: bakit may tape ang bunganga ko?)"

Oh help me God! Di na yata ito panaginip!!

"Mangimnp mang imo! Mangimnp mang imo! (panaginip lang ito..panaginip lang ito..)" anong nangyayari?!!!

"Uy, buti gising ka na."

Huh? Teka. Umupo ako ng maayos. Di naman pala nakatali yung mga paa ko eh. Yung mga kamay lang at may sara lang sa bunganga. Haha ang OA ko talaga!

"Mnma! Mamon Mamaman ma?! (Teka! Anong pangalan mo?!)"

"Sus! Nakasara na nga ang bunganga mo, napakabungangera mo parin kahit kelan!"

"Woww... amo ma mamama ma mamangin mang mumamema.(Wow... ako pa talaga ang tawagin mong bungangera)."

Te-teka! Is this what they call kidnapping?! On the scene of the crime na ba ako? Magkakaroon na ba ng CSI? ng SOCO? Asan ang mga pulis?! HOO! Inhale, exhale! Kelangan, stay calm! Inocencia! Stay calm! Stay! Stay!

Mister and Miss AgentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon