Operation number 3.5: Meet the other agents

11 1 0
                                    

Operation number 3.5: Meet the other agents

Ino's POV

"Hay! Nabusog ako dun!" Kakatapos ko lang kumain.At ang ulam? Tada~!

Sardinas na may ginayad na mangga. Masarap yun try niyo! Ihalo niyo sa kanin. As in kanin ha?

Paano ba naman kasi, kaning malagkit yung nabili ko. Malay ko ba naman na malagkit yung inabot sa akin ni ate! Si ateng tindira naman, di na nagtaka kung bakit isang sakong kaning malagkit ang binili ko sa kanila. Mukha bang alam kong magluto ng malagkit? Matagal pang new year di man lang nakahalata? Sayang rin naman kasi kung itatapon ko di ba?

Wala naman akong kakilalang mahilig sa kaning malagkit kaya inangkin ko na lang.

Mabuksan ko na nga lang ung laptop ko. Medyo naalis na yung sapi ko bilang isang tamad na mamamayang Pilipino.

Hmm.. saan kaya ako magsisimulang magsearch?

Google?

Nah... toooo much info..

Hmm,..

Ah! Alam ko na.. Ano kaya kung yung FB profile ni Pervert Grandpa? Tapos search ko na lang yung friend list niya doon kung meron ngang Kyle Dela Cruz.

Good! Magandang idea nga iyon!

www.facebook.com.

ENTER.

Searching....

Log in......

username...

password.... ok!

Search: Henry Dela Cruz!

Scroll... scroll...

Eto kaya siya?... tingin sa FB ng stranger..  mukhang pogi.. pero nah.. di siya.

Sayang rin.. ma-add lang din ang isang ito.. hehehe :D

Close.

Scroll ulit...

Scroll...

Scroll..

Andame naman kapangalan ng lolong manyak na yun!

Scro-

Ayun!

Wow ha.. literal na ang bata niya sa picture! Kaya naman pala di ko makita. Naghahanap ako ng matanda pero yung picture niya nung kabataan pa ni lolo ang nilagay na FB pic. sus! Naka-swimwear pa ha.. Bakit di updated yung FB picture niya? Yung di rated SPG ang dating?

Henry Dela Cruz, open!

Ay grabe! Mas adik pa siya sa akin sa anime! Pambihira! Meron pa siya nung jacket ng attack on titans?! Waah! Gusto ko nun! :(

I-arbor ko nga sa kanya minsan. Lalo na x-mas ngayon.. sharing is caring. Bwuahahhaa!

Add ko muna siya...

Friend request sent!

At wow lang ha.. wala pang dalawang Segundo,

Friend request accepted.

(=__=) adik rin sa social media ang isang ito. Di halatang 24/7 naka-online!

Hmm.. friendlist.

Search: Kyle Dela Cruz

Ayu--! Eii! Sino ba itong Lancier Kyle Dela Cruz? Kapangalan lang ba ni Kyle? HIndi eh.. Meron kasing nakalagay sa status ni Pervert Grandpa na 'grandson'. So malamang siya na ito. Ma-open nga..

Mister and Miss AgentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon