Operation number 5: Welcome Party

6 1 0
                                    

Operation number 5: Welcome Party

Ino's POV

Bzzt! Bzzt! Bzzt!

*gasp! (O__O)

Agad akong napabangon. Hinawakan ko yung lips ko. At nagflaflash back yung mga nangyari kagabi (>>>__ <<<)

Ano na lang ang mukhang ihaharap ko sa lolo niya? Sa pamilya ko? Paano kung lumabas iyon sa national TV? or sa international TV?! (O___O) o baka sa buong Universe!!

Tinignan ko yung paligid ko.

Na-nasa kwarto na ako?

Hi-hindi kaya panaginip lang yun? Nasa kwarto naman na ako eh..

Chineck ko yung damit ko. Eto rin yung damit ko sa panaginip ko. Pero wala rito yung red rose. Siguro nagsleep walking lang ako?

Oo! Malamang nananaginip lang ako. hahaha! (^_^')

At saka, nagugutom na ako. Gagawa na ako ng breakfast.

Siguro nakasama lang sa panaginip ko si sungit kasi... nasobrahan ako sa research?

Tinignan ko yung sarili ko sa salamin.

Wa-wala na rin yung paking teyp. Panaginip lang ba iyon?

Tinignan ko rin yung mga paa ko... Hmm.. medyo madumi. Pero siguro naman nagging madumi lang kasi nagssleep walking lang talaga ako.

Oo Yun nga.. baka yun nga... Yun nga ang mga nangyari.

"Meeoowww" binuhat ko si Mr. Sinister.

"Good morning Mr. Sinister! (^__^) tara, papakainin na lang kita!" nagpunta kami sa kitchen.

"Oo, normal lang ang lahat... sobrang normal lang.. Papasok ako sa trabaho tapos bubwuisitin si Boss Jam tapos kakausapin yung mga kliyente ko. Hehe, panaginip lang yung kagabi!! Panaginip lang— AAAAHHH!!! Anong ginagawa mo rito?!"

Oh Diyos ko po! (O__O)

"May nagpapasundo sa iyo. Ang kalat naman dito sa apartment mo." He said while taking a sip of a coffee.

Nabitawan ko kaagad si Mr. Sinister. Agad akong kumuha ng rosary, pumikit at nagdasal. "Lord! Ilayo niyo po ako sa masasamang ispiritung nagpapanggap bilang apo ni Mr. dela Cruz! Lord sinasabi ko na po,wala na ako sa katinuan pagkatapos ng nangyari kagabi! Di ko na po alam kung tunay ba ang aking nakikita!"

"You're a real idiot."

"OH EM GEE!!! You can talk?!"

Nakita kong nagpoker face lang siya.

"WAAAHH!!! Nananaginip nanaman ako! Inocencia, gumising ka na.. para mo nang awa.. ang epic nang nangyari sa iyo kagabi eh.. (T_T) Huwag mo nang dagdagan.."

Kelangan kong gumising! Agad kong kinuha yung pitsyel sa ref na may malamig na tubig at ibinuhos sa akin! Brrr.... Walang paduntangang Ice bucket challenge ako ngayon!

"What the heck are you doing?!" sabi niya sabay kuha sa akin nung pitsel.

"(O___O)......... ........ ...... totoo ka nga.."

Nakatunganga na lang ako habang nilalapag niya yung pitsel sa may table.

"Tsk." Sabi niya sabay walk out.

"Te-teka! Paano ka nakapasok sa apartment ko?!"

"The old man got some spare keys to your apartment." Sabay pakita niya yung mga susi niya. "But I guess, Trace had broken in last night."

Mister and Miss AgentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon