Prologo

175 3 1
                                    

Authors Note: Sana po magustuhan ninyo ang unang handog ko sa wattpad na may title na YOU & I.
Ang kwentong ito ay tumatalakay sa PAG-IBIG, POOT, PAGHIHIGANTI AT PAGSUBOK.

You & I
Written by: Alvin Cosep

Prologo:

"Anikka...bumalik ka dito!!!" nakakarinding sigaw ng isang lalaki, habang hinahabol nito ang isang babae sa gitna ng kagubatan.

Tanging liwanag lamang ng buwan ang nagsisilbing ilaw para makita ni anikka ang daan palabas sa kagubatang iyon na masukal, mapuno at may mahahabang talahib sa paligid.

Nanginginig siya sa takot habang unti-unting lumalakas ang sigaw ng lalaking iyon palapit sa kinaroroonan niya.

Nagpatuloy siya sa pagtakbo habang namumugto ang mga mata sa walang tigil na pag-iyak. Sa pagtakbo niya ay hindi niya namalayan ang nakausling ugat ng puno ng accacia, dahilan upang siya ay madapa.

Pinilit niyang makatayo, para makatakas sa kamay ng lalaking humahabol sa kanya.Ngunit ramdam niya ang kirot ng sugat na kanyang natamo ng siya'y madapa, umaagos ang dugo sa kanyang tuhod habang pinipilit niyang makatayo.

Nagimbal siya ng mula sa kanyang likuran ay may mabilis na humablot ng kanyang buhok. Pinilit siya nitong iharap.

Lalo siyang umiyak at pinagpawisan ng makita ang mukha ng lalaking iyon na nanlilisik ang mga mata sa poot at galit.

"Pakiusap maawa ka..." garalgal na naisatinig niya.

Imbis na sagutin siya nito ay mabilis siya nitong itinulak. Napahiga siya sa lakas ng pagkakatulak nito sa kanya.

Lumuhod ito at hinaltak muli ang kanyang buhok at walang sabi-sabi nitong iniuntog ang kanyang ulo sa isang malaking bato na nasa tabi niya.

Tumulo ang masaganang dugo sa kanyang ulo, nanlalabo ang kanyang mga mata at sobra siyang nahihilo dahil sa lakas ng pag-untog ng kanyang ulo sa malaking bato.

Natigilan siya ng mapansin na may inilabas na matalim na kutsilyo ang lalaking iyon mula sa likuran nito.

Gusto man niyang makatakas mula dito ngunit hindi kaya ng kanyang katawan.

Lumapit ito sa kanya at mabilis na isinaksak ang matalim na kutsilyo sa kanyang dib-dib.

"AHHHHHHH......" malakas na sigaw niya habang unti-unti siyang kinakapos ng hininga.

You & ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon