Prologue

29 4 0
                                    

Samantha POV

"Daddy San tayo pupunta?" Tanong ko kay daddy.

Kasalukuyan kaming nasa kotse kasama si mommy.

Ngunit wala akong natanggap na sagot. Kitang kita kay daddy ang seryosong mukha at parang nagmamadali na may humahabol.Nag kunot ako ng noo at si mommy nalang ang sumagot sakin.

"Mamamasyal tayo baby mall" Nakangiting sambit ni mommy sabay yakap sakin.Pareho kaming nasa likod ni mommy.

Agad na nanlaki ang mata ko at tumingin kay mommy.

"Talaga?!"tanong ko.At tumango naman si mommy."Yay!!" Sumigaw ako at yumakap kay mommy.

Agad naman akong nanahimik ng makita si daddy na galit at tumitingin-tingin sa likod.

Ganon nalang ang ipinagtaka ko ng pabilisan ni daddy ang takbo ng kotse.Agad naman akong napayakap kay mommy dahil natatakot ako sa sobrang bilis.

"Baby it's okay" pagpapakalma ni mommy saakin habang hinahaplos ang likod ko.

"Baby magtago ka dito sa gilid at wag kang tatayo kapag di sinasabi ni daddy okay?" Agad akong natakot at dahan dahang tumango.

Nagtago ako sa baba ng kotse sa tabi ng speaker ng pinto ng kotse.

"Baby were gonna be okay ha.Basta wag kang aalis pag di pa sinasabi ni daddy at wag kang magiingay pag may pumunta dito." Tumango ako dahil sa sinabi ni daddy at tinakpan ang bibig.

Nakatingin lang ako kay mommy na umiiyak na.Gusto ko mang puntahan sya at yakapin ay di ko magawa.Natatakot ako kahit hindi ko alam ang nangyayari.

Nanahimik nalang ako sa gilid ng biglang huminto ang sasakyan ni daddy dahil may bumaril ng gulong namin.Muntik na kaming matama sa malakig puno.

Gusto ko mang umiyak ay di ko magawa dahil nakita ko si mommy na wala nang malay.

Agad naman ako napatingin kay daddy at lalong nagtago ng may makitang lalaki na parang gangster.Maraming tattoo at may nakatakip sa bibig.

"Asan ang anak mo?!" sigaw ng lalaki kay daddy.

"Hindi namin sya kasama." mahinang tugon ni daddy.

"Sasabihin mo o papaputukin ko to sa ulo mo!" sigaw uli ng lalaki kay daddy.

"Hindi ko alam,kasama sya ng yaya namin namasyal." tugon ni daddy.

"Ah ganon ah!" sigaw ng lalaki at pinaputukan si daddy sa ulo.

Gusto kong sumigaw pero hindi ko kaya baka ako ang isunod nila.Umiiyak ako habang nakatakip sa bibig ang kamay ko na pinigilang tawagin si daddy.

Napatingin uli ako sa mga lalaki at laking pasasalamat ko ng umalis na ito.

Tatayo na sana ako nang biglang pinaulanan ng bala si mommy at daddy tsaka umalis. Akala ko umalis na sila!!!

Agad naman akong nagulat ng natumba sa upuan si mommy at bumagsak ang katawan papunta sakin.

"Mommy..?" umiiyak na tawag ko.

Nang wala akong makitang tao ay tumayo ako at inayos si mommy dahil akala ko ay buhay pa sila dahil walang lumalabas na dugo, ganon ang napanood ko sa tv.Kaya napangiti dahil ang buong akala ko ay buhay pa sila.

"Mommy, wala na sila ligtas na tayo." nakangiti ngunit umiiyak na sabi ko kay mommy.

"Daddy,mommy wala na sila." ngunit ganon nalang ang pagkabigla ko ng hawakan ko si mommy ay natumba uli ito papunta sakin At nang hawakan ko ang dibdib nya ay tiningnan ko uli ang kamay ko at....

Dugo!!!

"Mommy.." mahinang tawag ko kay mommy at bumaling kay daddy.

"Daddy.." mahina ngunit parang lumakas dahil sa pagiyak ko.

At ng hawakan ko si daddy ay  may dugo na din ako kamay ko.

Para akong tangang tulala sa kamay ko na nakatingin lamang sa dugo sa kamay ko.

At unti-unting nagdidilim ang paningin ko.

ScarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon